CHAPTER 4

7 2 0
                                    

Lex POV.

Kasabay ng pagtunog ng alarm clock ang pagising ko.

5:33 a.m

Tamang tama lang para sa paghahanda ko sa pagpasok. 7:30 pa naman ang klase ko kaya mahaba pa ang oras ko.

Bumangon agad ako at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na din ako ng uniporme ko. Ng matapos ako ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.

Saktong sakto lang ang sukat saakin ng uniporme. Black and white ang kulay nito. White ang blouse nito na nilagyan ng necktile na kulay black. Plain black naman ang palda na ang sukat ay above the knee.

Pagkatapos kong suriin ang sarili sa salamin ay lumabas na din ako.

Wala akong Keil na nadatnan sa sala at kusina. Mukang tulog pa sya. Hindi na din ako kumain since hindi naman talaga ako kumakain ng umagahan.

Lumabas ako ng apartment na medyo maliwanag na. May nagdadaanan na din ng mga sasakyan at may mga tao na din sa labas.

Pero teka...

Parang may nakalimutan yata ako.

Wait!

Putik! Bat ngayon ko lang naisip! Pano na ko ngayon!?.

Wala akong Sasakyan! Pano ako makakapunta sa school? Kung wala akong gagamitin na sasakyan.

Hindi rin naman ako marunong magcommute kaya hindi rin ako makakasakay sa jeep.

Pero teka. Si Kate! Tama! Papakuha ko nalang sa kanya yung isa kung kotse.

Kinuha ko cellphone ko sa bulsa para sana tawagan si Kate. Pero bago ko madail ang number nya ay nakita ko ang isang bike sa gilid ng bakuran ng apartment.

Bike? Kanino kaya yun?

Nilapitan ko iyon at sinuri. Medyo mataas ang upuan. At mukang sakto lang para saakin. Hehe hihiramin ko muna to. Wala naman yatang may ari nito e. Staka bakuran namin to kaya pwede ko tong hiramin.

Ibabalik ko nalang to mamaya paguwi.

Tinayo ko yun at sinakyan. Nagumpisa na din akong magpedal patungo sa school na papasukan ko.

Marunong naman akong mag bisikleta kaya yakang yaka ko to. Staka medyo malapit lang naman yung school mula sa apartment kaya madali lang akong makakarating.

Pag dating ko sa school ay bumungad saakin ang nagtataasan na mga building. Hindi naman bago saakin ang mga matataas na building kaso ibang building tong nasa harapan ko.

Mga building na ang style ay mga instrument.

May building na ang style ay Gitara, may piano, may single drums at meron ding isang building na ang style ay malaking mic. Mukang ayun ang main building nila. Doon kase mismo nakalagay yung name at logo ng school.

Musicalista International School

What a great name.

Paaralan kung saan MUSIKA ang pangunahing pinagaaralan.
Isang paaralang ginawa para sa mga taong nangangarap maging isang mangaawit. PROFESSIONAL SINGER.

Katulad ko....

Pangarap kong maging isang magaawit. Oo alam kong iniisip nyu na kaya ko namang gawan ng paraan para maging isang ganap na singer agad ako.

Pull some string? Tsk! C'mon! Pangarap ko to, at para saakin ang isang pangarap ay dapat na pinaghihirapan. Kase hindi mo ito na matatawag na TITULO kung gumamit ka naman ng pandaraya.

THE UNTITLED PRINCESS (On Going)Where stories live. Discover now