CHAPTER 10

6 1 0
                                    

LEX POV.

"Shocks! Excited na talaga ako mamaya!." Again. Makailang ulit ng sinabi yan ni Keil at sawang sawa na ko. Simula kaninang umaga ayan na ang bukang bibig nya.

Staka kahit hindi naman nya sabihin na excited sya mahahalata mo parin. Takte sino bang hindi! Para syang bulate na inasinan dahil sa sobrang gislaw.

Kanina, kababangon nya palang kung ano ano ng pinaggagawa. And gues what kung ano, nilabas nya halos lahat ng gamit nya sa kwarto at tinambak sa sala nitong apartment. Alam nyu kung bakit?

Hinahanap nya daw kase yung make up kit nya. Takte! Make up kit lang halos guluhin nya na yung buong apartment namin.

Meron pa!

Kaninang tanghali. Naligo sya, malamang sa cr sya naligo hindi naman pwedeng sa labas. Alam nyu bang ilang oras syang nasa loob ng cr. Inabot na ng kanas kanas nanduon pa rin sya sa cr. At alam nyu ba yung dahilan nya? Para daw malinis at mabango sya mamamaya. Tang inis lang. Sarap nyang isako e.

At ngayon, eto sya nasa harapan ko at tudo kulot sa buhok nya. Takte pag ako nainis ako kukulot dyan e gagamitin ko yung wire tapos isasama ko na rin yung leeg nya para magtigil sya.

"Ano ayus ba Lex? Maganda ba?." Tanong nya saakin ng matapos na sya sa pagkukulot.

"Oo ayus na ayus. Sa sobrang ayus sarap mong balikwasin." Paingap na sagot ko sakanya.

"Eto naman parang nagtatanong lang ayy." Nakangusong sabi ni Keil.

"Wag ka ngang ngumuso! Muka kang aso ayy!." Sabi ko sa kanya pero hindi nya ko pinansin at mas lalo lang ngumuso. Tsk! Sarap sapakin ayy.

"Ay! Gusto mo kulutin din kita Lex?." Putcha!

"Gusto mo to?." Tanong ko sakanya nya sabay labas ng kamao ko. "Tatama to sa muka mo pag di ka pa natahimik!. Takte ka! Anong oras pala oh kung makapag ayus ka kala mo gugunaw na ang mundo."

"Ang harsh mo naman saakin! Parang nagtatanong lang kung gusto mo e. Staka woy! Anong oras na kaya! Dapat nga nakabihis na tayo ngayon e kase 7 magsisimula yung party." Sabi ni Keil.

Taeng ina! 5Pm palang ngayon! Ka aga aga pa kung makapagmadali sya.

"Eh bat hindi ka magbihis magisa! Tutal excited na excited ka e. Staka dapat kahapon ka pa nagayus mukang kulang sayo yung isang araw lang e." Sarcastic na sabi ko.

"Panira ka na talaga! Tsk!." Huling sabi nya sabay pasok sa kwarto nya. Naiwan naman akong nakangiti dito sa sala.

Ang sarap lang kaseng asarin ni Keil e. Tapos pag asar na asar na sya ang sarap kurutin ng pisngi dahil sa sobrang cute. HAHAHA.

Napatigil naman ako ng tumunog yung Cellphone ko.

"Hello?."

[Good Afternoon, Miss] bati saakin ni Kate sa kabilang linya.

"Naayos nyu na ba?."

[Yes Miss. Kalat na din po yung mga bantay sa paligid and beside's-]

"Besides what?."

[P-Pupunta din po ako Miss. Ininvite po kase ako ng Dean ng MIS, isa din daw po ako sa magiguest sa Party.]

"O....oh? Ok sige basta remember hindi pwedeng magusap o anumang magcoconnect saatin mamaya."

[Copy that Miss.]

Pagkatapos namin magusap ni Kate ay nagtungo na agad ako sa kwarto ko. Magsisix na kase kaya medyo magaayus na ako.

(A few moments later.....HAHAHA)

6:42 PM. Oras kung kailan kami nakarating sa venue ni Keil. Medyo marami na rin ang mga tao dito kaya mukang sakto lang ang dating namin.

THE UNTITLED PRINCESS (On Going)Where stories live. Discover now