LEX POV.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin dahil sa sitwasyon ko ngayon.
Sana bumukas ang sahig na kinatatayuan ko ngayon at lamunin ako dahil sa sobrang pagkapahiya.
Halos pigil ko na rin ang hininga ko habang pinapalibot ang tingin sa paligid ko. At isa lang ang masasabi ko.
Lahat sila saakin ang tingin. At para akong binabato at kinukutya ng mga tingin nilang yun.
Center of attention...
Lahat nasaakin ang tingin ng mga mata. At hindi ko gusto iyon. Ayaw na ayaw ko ang maging sentro ng atensyon ng mga taong nasa paligid ko.
Pero hindi ko naman sila masisisi dahil ako ang dahilan kung bakit nangyayari ito- teka hindi ako kundi yung bwesit na lalaki na yun!.
Masama ang tingin na tumingin ako sa kinaroroonan nang bwesit na lalaki na yun.
May unting ngisi ang nakapinta sa mga labi nito at halatang may saya sa muka dahil sa nangyayari saakin ngayon.
Bwesit! Kung hindi dahil sa mokong na yun hindi ako tatayo at makapaglalakad papunta sa gitna nitong kwartong ito! Hindi sana ako makikita ng iba at higit sa lahat hindi sana ako MAPAPAHIYA!.
Fuck!
Ililibing ko talaga ng buhay ang lalaki na yan! Nakakayamot!.
"Uhm..Miss, you okay?." Boses na nagpatigil saakin. Boses iyon ni Kate.
Shit!.
Kitang kita ko ang pagaalala sa mga mata ni Kate habang nakatingin ako sakanya.
Nagmamakaawa naman akong tumingin sa kanya.
Help me..
Mukang nakuha naman nya iyon.
"Uhm..Miss you can sit now, if you want. And Everyone" kuha nito sa atensyon ng lahat. Binalingan ako nito na parang nagsasabing maglakad na ko. Tumango lang ako at naglakad na papunta kay Keil.
"Please out your sight off in this beautiful lady in the center, Thank you." Pagpapatuloy nito.
And Thank God! Naka alis din ako sa lintikang sentro na yun! Bullshit! Akala ko mananatili nalang ako doon hanggang sa magsawa ang mga taong nasapaligid ko sa kakabulong at pangungutya nito.
Pagkaupo ko sa bakanteng upuan kung nasaan si Keil ay agad kong idinukduk ang muka ko sa table.
Nakakahiya talaga! Mukang pagkatapos ng gabing ito wala na kong mukang maihaharap sa ibang tao.
Medyo tumahimik na rin ang paligid at nagpatuloy ulit ang emcee sa pagsasalita sa harapan.
Napamuglat naman ako ng may maramdamang tumapik sa balikat ko.
"Ayus ka lang?." Si Keil. Bakas sa muka nito ang pagaalala. Inirapan ko lang sya at natahimik.
May kasalanan pa to saakin diba? Kaya bahala sya dyan. Isa rin to sa dahilan kung bakit ako na pahiya kanina e. Kung hindi nya ako iniwan hindi ko sana nakilala yung lalaki na yun at kung hindi ko sana nakilala ang lalaki na yun hindi sana ako napahiya!.
Damn! Nakakainis! Eto pa yung sinasabi nilang party na masaya? Kase para saakin nakakainis ang party na to! Sa tangang buhay ko hindi pa ko nakaranas na pagkapahiya sa mga tao.
Nakakainis!.
"Gusto mo umuwi na tayo?." Kuha ng atensyon nya ni Keil.
Napakunot naman ang noo ko dun.
YOU ARE READING
THE UNTITLED PRINCESS (On Going)
Teen FictionMUSIKALISTA INTERNATIONAL SCHOOL (MIS)