CHAPTER 5

4 1 0
                                    

LEX POV.

Nagulat talaga ako kanina nung biglang pumasok si Keil sa classroom namin. Nalaman ko rin pala na dito din pala sya nagaaral sa MIS. At kaklase ko pa.

"Bat di mo sinabi na dito karin pala nagaaral?" Si Keil. Nandito kami ngayon sa malawak na field ng school. Buti nga at hindi mainit kaya pwedeng tumambay dito.

"Hindi ka naman nagtanong ah. Bat ko sasabihin sayo." Sagot ko sakanya.

"Tsk! Nagtatanong ako ng maayos ha." Si Keil na mukang naiinis na." Baka nakakalimutan mo may atraso ka pa saakin!."

"Sorry na nga diba?. Di ko naman alam na sayo yun e." Yeah, sakanya pala yung bike na ginamit ko kanina. At kaya pala ganun yung itsura nya kanina nung pumasok sya sa room e tinakbo nya lang ang papunta sa school galing sa apartment.

"Tsk! Ngayon alam mo na!" Sigaw nya saakin. Tss! Di ko naman sya masisisi kung magalit sya saakin e. Pero ang OA na nya. Aishh! Bahala nga sya! Magalit sya kung magalit, basta ako magsorry na ko sa kanya.

Ilang minuto kaming natahimik ni Keil ng biglang may pumasok sa utak ko na tanong.

"Teka pala Keil, bakit pala hindi pa nagsisimula ang klase ngayon?" Tanong ko sa kanya. Bahagya naman syang tumingin saakin." Kase diba dapat nung next pa nagsimula ang klase?"

"Hindi mo alam?" Gulat na tanong nya saakin. Taka naman akong tinignan sya.

"Ha? Hindi alam ang ano?"

"Hindi ba sayo sinabi ng principal nung nagtransfer ka dito?" Eh? Sinabi ng principal? Hindi nga ko dumaan dyan sa principal principal na yan. Si Kate kase lahat ang umayos mga kakaylanganin ko sa pagpasok dito kaya wala akong alam sa mga ganyan ganyan.

"Hindi..wala syang sinabi saakin."pagsisinungaling ko. Pero don't me 1/4 lang ang kasinungalingan dyan. "Staka ano ba yon? Ano yung hindi ko alam?."

"Ing announce kase nung nakaraan ng principal na hindi pa daw magsisimula ang klase. Uunahin pa daw kase yung Acquantance Party bago magsimula ang klase."

"Ahhh Acqantance party." Tatango tango ko sabi. Kaya pala, kala ko kung ano na e. Pero teka..."Ano yung acquantance party?"

"Huh?! Hindi mo alam!" Gulat na tanong saakin Keil.

"Oo e...ano nga yun?" Kamot ulo kong tanong. Hindi ko naman talaga alam e. Sa totoo nga ngayon ko lang nalaman ma meron palang ganyan pag papasok ka sa isang paaralan.

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang si Keil.

"Muka ba kong nagbibiro?" Putcha! Kaya nga ko nagtatanong e kase hindi ko alam.

"Putik! Acquantance lang hindi mo alam." E sa hindi ko nga alam e. "Isa yung party bago magsimula ang klase. Pero minsan yung ibang school nagkaklase na bago magacquantance party."

"Oo alam kong party yun! Acquantance party nga dba? Ang tanong ko e ano ang acquantance? Bakit pa meron nun? Hindi ba pwedeng magklase nalang?." Ako

"Linawin mo kase. Tsk! Layon ng party na yon na bago magklase ay magkakilala na tayo o magkaroon ng bonding. Para pag nagsimula na ang klase e magkaroon na tayo ng clue sa mga classmate natin. Gets?" Paliwanag si Keil.

"Ahh ganun pala yun." Tatango tango kong sabi. Now i know. "Kailan pala yang party na yan? Bakit parang ang tagal naman?."

"Sa Wenesday na. Sa isang araw." Si Keil." Pupunta ka?"tanong nya saakin.

Kailangan bang pumunta dun? Pwede naman sigurong wag nalang tutal party lang yun e.

"Hindi nalanh siguro. Wala akonh hilig sa mga party e." Totoo naman e wala talaga akong hilig sa mga party party. Mas gusto ko nalang matulog kesa sa makihalubilo sa ibat ibang tao.

"Luh, pumuntan ka! Pupunta din ako." Si Keil. Pake ko naman kung pupunya sya?.

"Ano naman kung pupunta ka? Edi pumunta ka. Matutulog nalang ako."
Ako.

"Sige na kase pumunta ka na. Masaya yun promise." Si Keil.

"Bat ba pinipilit mo kong pumunta dun? Ayaw ko nga sabi e." Makainis na kase e. Bat hindi sya pumunta dinadamay nya pa ko sa mga ganyan ganyan.

"Ang sungit mo! Ikaw na nga ang inaaya e. Staka masaya naman talaga ang acquantance party e. Alam mo bang minsan lang to mangyari? At dyan sa case mo mukang ngayon ka palang makakapunta sa ganyang mga event kaya..sige na kase pumunta ka na." Paawa ni Keil saakin.

"Aishh! Bahala ka sa buhay mo. Pumunta ka kung gusto mo pumunta! Basta ako ayaw ko!." Pero deep inside saakin parang gusto ko na din pumunta at maexperience yun. Kase tama si Keil ngayon ko lang ito mararanasan. Pero parang tumututol ang utak ko kase feeling ko maboboring lang ako dun.

Lumipas ang oras at uwian na na kinukulit pa rin ako ni Keil tungkol sa Party. Pero shempre nagmatigas parin ako. Pero take note unti nalang bibigay na ko. Unti nalang mapapapayag nya na ko.

Uwian na kaya pinoproblema ko na kung ano ang gagamitin kong sasakyan pauwi. Hindi naman pwede yung bike na ginamit ko kanina kase kay Keil yun.

Ayaw ko naman maglakad, di rin pede magcommute dahil hindi ko alam kung paano.

Magkasama parin kami ngayon ni Keil at shempre hindi parin sya tumitigil sa pagpilit saakin.

"Sige na kase Lex, pumunta ka na kase." Si Keil.

Hindi ko naman sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad papuntang parking lot. Nandun kase diba yung bike.

Nakarating kami ng kinukulit nya parin ako. Hindi ba sya napapagod? Kulit sya ng kulit.

"Lex sige na kase.." pangungulit ulit ni Keil.

Bahala sya dyan. Kailangan ko ngayong makaisip kung paano ako makakauwi. Tawagan ko nalang kaya si Kate? Tama tama.

Akma ko na sanang kukunin ang cp ko ng magsalita si Keil.

"Ganto sayo na yang bike ko. Basta pumunta ka lang." Si Keil.

Hinarap ko naman syang may pagtataka sa muna. "Seryoso? Ipagpapalit mo talaga yang bike mo para lang pumunta ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Tumango lang sya. Oo naman basta pumunta kalang. Kase kung hindi ka pupunta hindi na rin ako pupunta at isa pa alam kong hindi mo pa to nararanasan. Gusto kong maexperience mo ito kaya ayus lang saakin kahit sayo na yang bike ko." Si Keil." Staka mukang kailangan mo din yang bike e. Wala kang sasakyan pauwi."

"Paano ka? Malalakad ka nalang?" Ako.

"Oo naman kaya ko naman e. Pwede din naman akong magcommute kung may pera na." Kompyansa talaga sya na ibigay saakin ang bike nya.

"Aish! Oo na Pupunta nako! At hindi ko tatangapin yang bike mo." Hindi ako makapaniwala na napapayag nya ako. At hindi din ako makapanilawa na kaya nyang magsacrifice ng bagay para makapunta ako.

"Talaga?! Yes! Yohoo!!!" Masayang sabi ni Keil. Agad naman syang lumapit saakin at yumakap ng mahigpit. Mabilis nya din akong pinakawalan.

"Wala ng bawian yan ha." As if naman na mababawi ko pa. Tumango lang ako bilang sagot.

Pauwi sa apartment, ako ang nakasakay sa bike at naglalakad naman si Keil. Bakit? Kase sabi nya ako daw muna ang sumakay at gumamit ng bike, pabor naman saakin yun. Pero dahan dahan lang ako sa pagpedal at sinasabayan si Keil sa paglalakad.

Nang makarating kami sa Apartment ay agad akong nagtungo sa kwarto ko. Inaantok na kase talaga ako e. Hindi na ako nagabalang magbihis pa. Humiga agad ako sa malambot kong kama.

Ansarap!!..

Ilang minuto din ay makatulog na ako.

******

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. And when i check it, it was Kate.

"Hello." I answer it with a sleepy tone voice.

[Sorry to disturbe you Miss but it is very impotant.] Kate said. At authomatic naman akong nagising dahil don.

"What is it?." Seryosong tanong ko rito.

[It is all about you're father Miss.] Kate inform.

And only one word that i can say "Shit!."



THE UNTITLED PRINCESS (On Going)Where stories live. Discover now