CHAPTER 3

7 2 0
                                    

Tahimik lang kami ni Keil dito habang nakaupo sa tig isang single sofa. Nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang magsasalita.

And i admit it, wala akong balak magumpisa nang conversasion. Kung gusto nya kong kausapin or what, dapat sya ang manguna hindi ako.

"Hmm.. kailan ka pa nandito?" Pangbabasag nya sa katahimikan. Buti naman at naisipan nitong magsalita.

"Kanina lang." Walang buhay na sagot ko.

"Ahh, akala ko kase matagal ka ng nandito e." Mahina lang ang pagkakasabi nya pero dinig na dinig ko.

"E ikaw? Gaano ka na katagal dito?." Tanong ko sakanya.

"Taon narin, parang bahay ko na nga tong apartment e kaso nga lang nagbabayad ako. High school palang ako dito na ko nakatira, dati may kasama din ako dito kaso umalis din sya agad."

"Ahh" ayun nalang ang tanging nasagot ko. Wala na kong maisip na sasabihin e.

Cringg.... Cringg.... Cringg...

Agad kong kinapa ang Cellphone ko ng marinig kong nag ring iyon. Bago ko sagutin ay tinignan ko muna si Keil. At mukang nakuha naman nya.

"Sa kusina muna ako." Nag nod lang ako. Nang makaalis sya ay tinignan ko muna kung sino yung tumatawag. Si Kate.

"Hello."

[Hello Miss, umm... may sasabihin po sana ako e]

Ano naman kaya yun?
"Ano yun?"

[E kase po...katatawag lang po saakin ng may ari ng apartment.... dadating daw po kase yung dat-]

"Dating nakatira dito?." Putol ko sa sasabihin nya.

[Y-Yes Po]

"Don't worry about that, actually nandito na sya sa apartment."

[Ayus lang po sayo Miss?]

"Oo naman and besides mukang mabait naman sya e. Staka muka din syang friendly."

[Good thing to heard that Miss]

"Yeah, so don't worry its ok for me."

[Ok po Miss, kung may kailangan po kayo or else, ask or call me nalang po]

"Ok Thanks Kate. Bye" then i end the call. Tumayo ako at pumunta sa kusina.

Naabutan ko si Keil na tinitignan yung mga paper bag sa lamesa.

"Sayo lahat to?" Tanong nya.

"Yeah." Sabay lapit sakanya.

"Talaga!" Hindi makapaniwalang sabi nya. "Ang dami naman nito, sakto na to pang isang buwan para sayo ah."

"Nah. Baka one week lang abutin nyan."

"Eh? Sa dami nito paano mo mauubos to ng isang linggo lang? Muka namang hindi ka matakaw? O baka matakaw ka talag-"

"Share tayo dyan." Putol ko sa sasabihin nya. Tsk dami nyang dada e. Tapos tawagin ba naman akong matakaw! Diet kaya ako.

Nagliwag naman ang mga mata nya ng sabihin ko yun.
"Huh!? Weh? Di nga? Talaga?."

"Ayaw mo ba?." Aba sya na nga lang tong hinahatian tatagi pa ba sya!.

"Luh! Hoy hindi ah! Gusto gusto ko nga e!. Wala ng bawian yan ha!" Tumango lang ako sa kanya.

Lumapit sya saakin at mabilis akong niyakap. Yakap na subrang higpit! Hindi ako mahinga!.

"Salamat Lex ha, salamat dahil dumating ka. Akala ko isang buwan akong hindi makakakain. Pero salamat sa Diyos dahil binigay ka nya saakin." Sabi nya habang yakap yakap nya parin ako. Takte lang! Hindi na ko makahinga!.

"O-Oo na! Oo na! Bitaw na! H-Hindi ako makahinga!." Agad naman nya kong binitaw. Hooo! Habol ko tuloy ang paghinga ko ngayon dahil dun.

"Sorry, napahigpit ba?." PutCha!

"Hindi, NAPAKA LUWAG nga e. Hindi nga ako makahinga." Sarkastikong sabi ko. Tsk! Tatanong pa sya e. Halata namang mahigpit yung yakap nya. Nagpeace sign lang sya saakin sabay balik ulit ang tingin sa mga paper bags.

Ilang minuto din kaming natahimik bago sya ulit magsalita.

"Saan ka pala dati nakatira?." Tanong nya habang isa isang nilalabas ang laman ng paper bag.

"Sa Tarlac." Maikling sagot ko. "Ikaw ba saan?" Balik na tanong ko sakanya.

"Ako? Dyan lang sa Bagac. Mahirap kaseng bumyahe ng bumyahe. Kaya nanguha na ko ng apartment dito." Sagot nya. "Staka teka.. bat pala napunta ka rito sa Balanga kung taga Tarlac ka pala?."

Sasabihin ko ba? O wag nalang? Pero yaan na nga. Hindi nya naman ako kilala e.

"Mag aaral."sagot ko.

Yap! Magaaral ako. Bakit? Bakit kailangan ko pang magaaral kung mayaman naman ako? Tsk! Hindi naman basehan ang kayamanan mo kung gusto mong magaaral e. Staka wait! Take note I'm graduated in Civil Engineering. Baka isipin nyu na wala talaga akong pinag aralan.

Magaaral ako dahil gusto ko. Magaaral ako para sa PANGARAP KO.

"Ang layo naman? Kung magaaral ka edi dapat dun kana sa malapit. Sa Pampanga, di hamak na mas malapit yun kesa dito sa balanga." Si Keil. Pake nya ba kung dito ko gusto. Tss.

"Wala e. Dito ko gusto magaral, may magagawa ka pa ba?."

"Hehe sabi ko nga wala." Tsk!

Hindi na ulit sya nagsalita o nagtanong. Pinagpatuloy nya na lang ulit ang pagaayus at paglalabas ng mga laman ng mga paper bag.

Hapon na kaya lumabas muna ako sa kusina at pumunta sala. Naupo muna ako dun at nagisip nang kung ano anong pwedeng maisip. Boring kase kung tutunga nga ka lang e.

Ilang minuto lang ang lumipas at lumabas si Keil sa kusina at tinawag ako.

"Lex, tara kain na tayo. Nagkapagluto na rin ako." Aya nya saakin. Agad naman akong sumunod sakanya.

Pagpasok ko sa kusina ay kumain na din agad kami. Tahimik lang kaming nagsimula at tahimik din kaming natapos.

Sya na din ang nagpresintang maghugas ng pinggan. Kaya no choice ako kundi pumunta sa kwarto ko.

Naglinis muna ako ng katawan sa banyo bago umupo sa kama ko. Binuksan ko ang laptop ko para tignan ang update ni kate. About business at meeting lang ang mga laman nun kaya mabilis ko lang din yun tinignan.

8 pm na nung humiga ako para matulog.

Bukas ang unang pasok ko sa school. Ayus na din lahat ng kagamitan at gagamitin ko para pumasok kaya wala na kong poproblemahin.

Bukas magbabago na ang lahat. Mula sa pagiging ako at maging sa pagiging pagkasino ko.

Bagong buhay at pangalan.

Hindi bilang isang Boss at CEO ng kompanya kundi bilang isang ESTUDYANTE sa isang paaralan.





THE UNTITLED PRINCESS (On Going)Where stories live. Discover now