LEX POV.
Ilang araw na ang lumipas mula ng mangyari ang lahat ng pangyayari sa acquaintace party.
Monday.
Lunes ngayon at ito na rin ang araw kung saan magsisimula ang klase sa MIS.
"Goodmorning class." Masiglang bati ni Mrs. Pineda saamin ng makapasok ito sa room. "So bago tayo magsimula sa klase natin, may nais sana akong ipakilala sainyo."
Nagkaroon ng munting bulong bulungan ang buong klase dahil doon.
Napabaling naman ang tingin ko kay Keil na nasa tabi ko. Tahimik lang ito habang nakakunot ang noo. Napatingin naman saakin si Keil ng maramdaman siguro na nakatingin ako sa kanya.
"Ayus ka lang?." Tanong nito saakin.
Tumango lang ako sa kanya at ibinaling muli ang tingin sa harapan.
"Silent please..." pagpapatahimik ni Mrs. Pineda sa mga kaklase ko. "Bago ko muna ipakilala sainyo ang tao na yun. May isa lang akong kahilingan. Please tahimik muna kayo. Makita o makilala nyu man ang tao na yun tumahimik lang kayo. Understand?."
"Yes Mrs. Pineda." Pagsangayon ng mga uto uto kong kaklase.
"Ok...alam kong pagnakilala nyu ang tao na to ay talaga namang hindi kayo makakapaniwala. Kase ako hindi rin ako makapaniwala e. So...everyone please meet your new teacher in theater Mr. Joseph Simson." Mrs. Pineda.
W-what!
Ang lahat ay hindi makapaniwala at ang lahat ay naghiyawan at nagtilian specially yung mga babae.
Hindi katulad ko. What the fudge lang! What the hell is he doing here!? And wait! Teacher? Theater teacher namin? What the hell!
Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol ko kay Joseph. Takte! Akala ko pa naman magiging maayos ang pagaaral ko ngayon. Hindi pala!
Sa kamalas malasan nga naman agad akong nahagip sa paningin nya.
Kung gaano ako kagulat kanina ay sya ring gulat ng makita nya ako.
So it means na hindi nya rin ako iniexpect na makikita rito? Ano yun? Nakatadhana? Fuck you tadhana!.
Napairap na lang ako ng hindi pa rin inaalis ni Joseph ang paningin nya saakin. The hell with that stare! Akala mo isa akong taong matagal na nawala at bigla nalang nagpakita dahil sa gulat na tingin nya saakin.
Tss..
Ilang minuto din ay parang nagising na si Joseph sa katotoohan dahil nagsimula na syang magsalita sa harapan. At shempre alam na! Yung mga kaklase kong haliparot ayun! Akala mo nakakita ng isang artista kung makatili at magpantasya sa kanya. Tsk!
Wala naman kaming ginawa ngayong first day of school na ito dahil puro paliwanag at paalala lang ang pinagsasabi ni Mrs. Pineda at Joseph.
And worst, dalawa lang daw silang magiging teacher namin since about music lang naman ang pagaaralan namin. Malamang! Musikalista nga diba? So ibig sabihin puro music lang ang pagaaralan. Tsk.
Si Mrs. Reana Pineda, ang magiging teacher namin sa lahat ng antas ng Music. Like, Cultural standards, The key People, Historical of music and etc.
Si Joseph naman ang magiging teacher namin sa theater. Tsk. Sabagay bagay naman sa kanya yan. Tutal magaling naman syang umarte at magpanggap e.
Ilang oras din silang nagsalita sa harapan namin. At sa ilang oras na iyon wala akong ginawa kundi patayin at batuhin si Joseph ng matatalim na tingin.
Pagpatak ng oras ng lunch break agad kong hinatak si Keil papunta sa canteen. Buti nalang at hindi ito umangal.
Tahimik lang kaming kumakain ni Keil dito sa canteen. Pero teka...tahimik?.
YOU ARE READING
THE UNTITLED PRINCESS (On Going)
Teen FictionMUSIKALISTA INTERNATIONAL SCHOOL (MIS)