CHAPTER 6

5 1 0
                                    

LEX POV.

The day after tomorrow na ang Acquantance Party namin. I have a little bit excitement in me but not really.

At isa pa wala naman akong hilig sa party e. Actually it is my first time to attend this kind of party. So i feel a little nervous and excitement.

Tahimik lang akong nakaupo ngayon sa sofa ng lumabas si Keil galing sa kwarto nya. Halos kadadating lang namin ngayon galing sa school.

"Yow! Ano gusto mong ulam ngayon?." Tanong saakin ni Keil. Mukang good mood ito ngayon ah.

"Ikaw bahala, kung anong gusto mong ulam lutuin mo nalang. Bahala ka sa gusto mo."

Umupo naman ito sa katabi kong single sofa at tinignan ako.

"Eh? Kaya nga tinanong kita kase gusto kong yung gusto mong ulam ang lutuin ko." Pagpoprotesta ni Keil saakin.

"Sinusumpong ka nanaman ba ng kakulitan mo? Ikaw na nga ang bahala diba? Because i don't know what i want." Hindi ko napigilang mainis sakanya. Ewan ko kung saan galing inis na yun.

Nakita ko namang humaba ang nguso nya. Tss. "Sige ikaw bahala. Basta wag kang magrereklamo paghindi mo nagustuhan ang iluluto ko ha. Pagnagreklamo ka hindi na ko magluluto!." Sabi nya sabay tayo at lumakad na puntang kusina.

Ilang minuto lang ang nakalipas ng tawagin ako ni Keil para kumain. Pagpasok ko sa kusina ay agad akong umupo sa isang upuan paharap sa kinauupuan ni Keil.

Kunot noo naman akong tumingin kay Keil ng makita ang pagkaing nakahapag sa kainan.

"Ano to?." Turo sa sa isang uri ng isda na pinirito.

"Eh? Pati ba naman ito hindi mo alam!?." Gulat na tanong saakin ni Keil " Takte! Saang planeta ka ba nanggaling at hindi mo alam ang tuyo? Lahat ng tao alam ang ulam na yan!."

"Hindi ko nga alam yan e. Staka uyy! Hindi ako alien! Tao ako sadyang hindi ko lang alam yan!." Aba! Anong tingin nya saakin hindi tao? Staka porket ba na hindi alam ang pagkain na to hindi na agad tao? Kasalanan ko bang ngayon ko lang ito nakita at nalaman. Tsk!

"Aish! Basta yan ang ulam natin! Takte ka wag kang magreklamo ngayon! Tinanong kita kanina. Sabi mo bahala ako kaya kainin mo nalang kung ano ang nakahain ngayon." Sigaw saakin ni Keil.

Pinagmasdan ko naman ang ulam na nakahain sa harapan ko. Tuyo daw ang tawag dito e rinig akong tawag dito ni Keil kanina.

Pinagmasdan ko naman si Keil habang sarap na sarap na kumakain.

"Keil." Kuha ko ng atensyon kay Keil. Binigyan lang nya ako ng nagtatanong ng tingin habang patuloy na ngumunguya." Panu kainin to?" Tanong ko rito.

Rinig ko naman na parang nauubo o tumawa si Keil. Tinignan ko sya ng masama pero tuluyan na itong tumawa ng malakas.

Ano bang nakakatawa sa tanong ko?.

"HAHAHAHA!." Malakas na tawa ni Keil.

"Hey! Ano bang nakakatawa!?." Inis na sigaw ko rito. "Tumigil ka nga!."

Pero hindi parin sya tumigil at patuloy parin itong tumawa ng tumawa. Hindi ko nalang ito pinansin at nanguha nalang ng isang piraso ng tuyo at inamoy ito.

At sa totoo lang ambaho ng amoy nito. Tapos dry na dry pa. Sinuri ko itong maigi para malaman kung kinakain ba talaga to. Parang hindi ko kayang kainin.

"Wag mong katitigan yan. Hindi naman magsasalita yang si Mr. Tuyo kunh masarap ba sya o hindi. Staka try mo kaya muna bago mo husgahan yan sa isip mo. Tss. Try mo masarap yan promise." Rinig kong sabi ni Keil.

THE UNTITLED PRINCESS (On Going)Where stories live. Discover now