LEX POV.
"Sigurado ka ba talaga? Hindi ka talaga nagbibiro?." Tanong ULIT saakin ni Keil.
"How many times do i have to tell you Keil that i'm serious. Staka bakit mo maiisipan na nagbibiro ako? E nandito na nga tayo sa Mall. So c'mom stop that nonesense question in your mind dahil totoo na ililibre talaga kita." Pilit kong itinago ang pagkainis ko habang sinasabi ko yun. Naiinis na kase ako e. Kanina pa sya tanong ng tanong kung totoo ba talagang ililibre ko sya sa gown na susuotin nya.
"Hayy. Nakakahiya naman kase Lex e. Susuotin ko nalang tapos aasa pa ko sayo. Ikaw na nga ang sumasagot sa mga pagkain natin tapos ikaw pa sasagot sa gown na susuotin ko." Hiyang sabi ni Keil. "Nakakahiya na talaga."
Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad dito sa loob ng mall.
Agad naman akong napatingin kay Keil ng bigla nya akong hatakin.
"Hey! Ano ba!?." Tanong ko rito. Tumigil naman ito at tumingin saakin. Kita ko sakanyang mata ang hiyang mababalot dito.
"Uwi nalang tayo Lex. Wag mo nalang akong bilhan ayus lang naman saakin na hindi nalang ako pumunta sa Party e. Kesa naman na madagdagan yung hiyang bumabalot saakin. Ikaw nalang kung gusto mo pero ako wag nalang." Huminto sya sa pagsasalita sabay malalim na bumuntong hininga. "Kung gusto mo ikaw nalang mamili para sa sarili mo. Sasamahan nalang kita."
"Keil unfair naman kung ako pupunta tapos ikaw hindi. Staka ikaw yung nagaya saakin nung nakaraan ah e bakit ngayon ikaw na yung umaatras? Wala akong pake dyan sa hiya hiya na yan Keil. I don't mind it kahit paulit ulitin mo yang sabihin yang hiya na yan. Kase alam ko sa sarili ko na bukal sa loob ko ang offer ko sayo." I paused. "Wag ka nang makulit Keil sa ayaw mo man o gusto hindi ka na pwedeng tumangi pa nandito na tayo oh kaya wala nang atrasan to. Staka kung iniisip mo mang darating ang araw na maniningil at hihingi ako ng kapalit sayo. Pinapangako ko sayong hinding hindi mangyayari yun--"
Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ang isang lalaki na matalim ang tingin saakin. Napatingin naman ako sa kamay nito.
May nasakbit sa kanyang isang sling bag at ang isang kamay naman nito ay nakapasok sa bag na yun.
Nakaramdam naman ako ng kaba dahil dun. Anong ibig sabihin nun? At bakit ang tindi makatingin saakin ang lalaking ito? At ano bang problema ng lalaki na to?.
Madaming tanong ang nagsulputan sa isip ko tungkol sa lalaki at kahit isa wala akong nasagot.
Wait... Safe pa ba ako? Kami?
Bumilog ang mata ko ng makitang dahan dahang may inilalabas na baril ang lalaki galing sa sling bag nya.
"Oh? Bat anong probelama Lex?." Rinig kong tanong Keil saakin. Hindi ko yun pinansin at mabilis na hinatak sya papuntang exit.
Shit!
Tinignan ko yung lalaki sa likod namin at laking gulat ko na lamang ng makitang nakasunod sya saamin. Isang malaking shit!
Hindi na ko nakuntento kaya mabilis kong hinatak si Keil patakbo sa exit. Nilalamom na rin ako ng matinding kaba dahil sa tuwing tumitingin ako sa likod nakikita kong nakasunod parin saamin yung lalaki.
Wala na kong pakealam sa mga taong nakakasalubong namin. Kahit yung mga sinasabi ni Keil habang hatak hatak ko sya. Isa lang kase ang laman ng isip ko.
At makatakas sa lalaking humahabol saamin.
Habang tumatakbo mabilis kong kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa ng sout kong jeans.
Mabilis kong pinindot Emergency Button ng cellphone ko. Nakakonekta iyon sa cellphone ni Kate na nagpapahiwatig na nasa panganib ako. Makikita din ang lokasyon ko dun kaya matutuntun agad ako kung saan man ako naroroon.
Napahinto naman ako sa pagtakbo ng maramdaman kong bumitaw saakin si Keil. Shit!
"Ano bang meron!? Bat ba tumatakbo tayo!?." Gulong gulong tanong nya saakin.
Gusto kong sabihin sakanya ang totoo na may humahabol saamin pero natatakot ako na baka matakot.
"Mamaya ko na ipapaliwanag sayo! Tara na bilis!." Pilit kong hinawakan ang kamay nya at iginaya muli para tumakbo.
"Ano ba kaseng meron!? Staka saan tayo pupunta!?." Tanong muli nya saakin.
Takte naman oh
"Emergency! Kaya bilisan mo sa pagtakbo!."
Naramdaman ko naman na tumahimik na sya.
Tumingin ulit ako sa likod at labis ang pasasalamat ko ng hindi ko na nakita yung lalaking humahabol saamin.
Shit! Buti naman!.
Huminto na rin ako sa pagtakbo kaya napahinto na rin si Keil.
"Ano ba talagang meron!?." Sigaw nya saakin kaya medyo napagtuonan kami ng pansin ng mga taong namimili rin.
Napailing naman ako. "Wala. Wag mo nalang isipin."
"Ano!? Takte ka! Anong wag isipin!? Hinatak hatak mo ko tapos sasabihin mo ngayon na wag ko nalang isipin--"
Napahinto naman sya sa pagsasalita ng magring ang cellphone ko. Tinignan ko muna ang caller bago ko iyon sinagot.
[Miss nahuli na po namin yung lalaki.] Aniya ng tao sa kabilang linya.
Medyo lumayo naman ako para hindi ako marinig ni Keil.
"Thanks Kate. Sabihin mo na din pala ang mga tauhan ko na magbantay saamin dito sa Mall." Utos nya sa kabilang linya.
[Saamin? May kasama kayo Miss?] Tanong saakin ni Kate.
"Yeah. I'm with Keil. Yung kasama ko sa apartment."
[K-Keil?]
"Oo Mary Keil Lopez ang buo nyang pangalan."
Bigla namang natahimik si Kate pagkatapos kong sabihin yun.
"Kate? Nandyan ka pa ba?." Tanong ko rito.
[A-ah Miss. M-May ipaguutos pa po ba kayo?.] Utal na sabi ni Kate. Anong meron?
"Hey. Ayos ka lang ba?." Hindi ko mapigilan ang pagalala dahil dun. Ramdam ko kase ang lungkot sa boses nya. At shempre bilang isang kaibigan, hindi ko mapigilang hindi mag alala. "Kate? Anong problema?."
[W-Wala po Miss. Nakakalat na din po pala yung mga tauhan nyu sa buong Mall kaya Safe na po kayong mamili. Tawagan nyu nalang po ulit ako Miss kung may kailangan kayo.] Then she hang up. Ramdam na ramdam ko ang labis na lungkot sa boses ni Kate habang nagsasalita. Ano bang meron? Anong problema nito?.
Binalingan ko naman si Keil. Nakaupo na to ngayon sa isang bench dito sa loob ng Mall. Good thing meron sila nito sa loob.
Lumapit ako kay Keil at umupo sa tabi nya.
"Ayus ka lang?." Tanong ni Keil saakin.
"Yeah." Maikling sagot ko.
"Sure ka?." Tanong ulit nito saakin. Ok nandyan nanaman ang kakulitan nya.
"Oo nga kulit. So...tara na mamili na tayo ng Gown natin." Sabi ko sabay hila ulit sakanya patayo sa bench at papunta sa mga bilihan ng mga Gown.
YOU ARE READING
THE UNTITLED PRINCESS (On Going)
TienerfictieMUSIKALISTA INTERNATIONAL SCHOOL (MIS)