*kriiiing!
God. I really hate morning!
Hindi pa ba weekend? Mangiyak ngiyak ako sa kama habang pinipilit na bumangon.
"You're making it a habit to sleep late."
Seryoso kong tiningnan si Santi. "You told me to have a life. For the first time in my life, I'm having fun," buong pagtatapat ko sakanya.
Umupo sya sa dulo ng aking higaan. "I just hope you're not forgetting to look after yourself." Tumango ako at itinaas ang tatlong daliri.
"I'll be downstairs, breakfast's ready," saka niya marahang isinara ang pinto.
Napangiti ako bigla nang maalala ang mga nangyari kagabi. It was so fun.
Naligo na ako. Nagbihis at kumain.
"It's a wonder I'm early today," ngiti ko nang malamang 7:00 palang pagkarating ko sa school.
Isinabit ko na ang aking bag at nagsimulang maglakad sa corridor.
"Excuse me, girl." Lumingon ako upang tingnan kung sino ang nagsalita. Oh. The ex girlfriend.
"Well, hi," bati ko. Huminto ako ng bahagya upang makahabol siya.
Tiningnan nya ako mula sa ibaba at pataas. Nilaro laro ang kaniyang kulot na buhok at saka ako hinarap. "I don't think we've formally met." Aba, ang arte."I'm Azaleah."
Tumango ako at mag uumpisa na sanang maglakad nang magsalita siya ulit. "Mateo's ex girlfriend."
Girl, does it seem like I care?
"You sounds jealous," I told her.
Tumawa siya ng bahagya. "Consider this an advise but you should stop your fantasies for Mateo. It's not like he would be interested with the likes of you."
Ako nga ang nagtataka na pumatol pa siya sayo.
"Thank you for the threat, ah, the advise pala," hinawakan ko ang aking dibdib. "I will remember it by heart." At saka ko siya iniwan.
Uma-attitude ka girl? Sorry, mas maattitude ako.
Hindi ko na malaman kung sinundan niya ba ako o ano pero sukang suka na talaga akong lumayo sa kanya. Seriously, ano bang nakita sakanya ni Mateo?
Pumasok na ako sa room at saka umupo. I looked at my watch. 10 minutes before time. Antagal.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mateo. He looks dashing.
Is that really him?
No hood. No jacket. New haircut. Shaved face.
Pinag titinginan rin siya ng mga classmates namin. Good gracious Lord, may igugwapo pa talaga siya.
"Ganyan na ba talaga ako ka irresistible?" sabay takip niya ng aking panga.
"Why the sudden change of face? You interested in me?" pagbibirong tanong ko sakaniya.
"Will you approve?" seryosong pagbabalik niya ng tanong.
Naramdaman kong biglang nag init ang aking mukha. God!
Tumawa siya nang bahagya, "I'm just kidding! Hahaha."
"... it's not like he's interested with the likes of you."
Nalungkot ako nang bigla kong maalala ang mga sinabi ni Azaleah.
He's out of your league, Andrea. He deserves someone better. Focus. I reminded myself.
At nagsimula na nga kaming mag aral..
MATEO POV
Habang naghihiyawan at nagpapalakpakan ang mga tao, hawak hawak ko ang kamay ni Andrea. Palihim ko siyang sinulyapan at mas lalo akong natuwa sa nakita. Punong puno ng putik ang kaniyang buhok. Ilan sa mga ito ay tumulo sa kaniyang mukha.
Napakaganda niya pa rin. Hinawi ko ang kaniyang buhok na nalalaglag sa kaniyang pisngi. Ngumiti siya sakin at muling tumingin sa mga tao at sumabay sakanilang halakhak. She's enjoying it.
And I didn't know, I ended up enjoying it as well..
Inaya na kami ni Andrew na bumalik sa kanilang tahanan. Pinahiraman kami ng mga damit na magagamit namin ni Andrea. Nagpunta kami sa poso upang alisin ang mga putik na kumapit sa aming katawan. The water is freezing cold.
Tumingin ako kay Andrea, nag aalalang baka giniginaw na ito sa tubig. Subalit hanggang sa paliligo at sa kabila ng lamig na dulot ng tubig ay nakapinta pa rin sakaniya ang saya.
This girl is really something.
Nagpalit na kami pagkatapos; mag aala una na. Kailangan na din naming umuwi. Ilang araw ko palang nakikilala si Andrea, palagi na akong napupuyat. Nagpaiwan na si Andrew kaya kami na lang ni Andrea ang uuwi.
Akmang sasakay na siya sa likuran ng kotse subalit pinigilan ko siya, "You can take the front seat."
"Thank you," masaya at malambing niyang sabi. She made herself comfortable in the chair. Tumingin siya sakin at nagtanong, "Is it okay if catch a sleep for a bit?"
I nodded, "San kita ihahatid?"
"Sa Elite Residences, Block 4. Malapit lang sa school."
Magkapitbahay kami??
Kakausapin ko pa sana siya subalit nakatulog na. Kinuha ko ang travel pillow at dahan dahan ko itong inilagay sa kaniyang leeg. Pinigilan ko ang aking mga kamay na hawakan ang kaniyang pisngi. She looks so fragile. But the way she handled herself when we first met proves that she's a brave one.
This girl is definitely a catch.
I looked at the road and started the engine. Napapangiti na lang ako.
Sinong mag aakalang magkakapit bahay pa pala kami?
Hindi naman ako naniniwala sa tadhana. Subalit sa mga ganitong pagkakataon, I can't help but wonder.
Are we destined?
BINABASA MO ANG
Chasing Life And Love
RomanceAndrea Lee came from an elite family in Amsterdam, Netherlands, orphaned at 7 and only travelled the world through books. When she found out about acquiring Arrhythmia, a severe heart disease, she is bound to come back to Philippines to recall her m...