Tukso ng Katotohanan

81 49 3
                                    

ANDREA POV

"Nagdala ka ng extra shirt mo?" tanong ni Andrew. Pabalik kami ngayon sa classroom galing sa cafeteria.

"Extra shirt? For what?"

"P.E natin mamaya."

Natigilan ako "Ha?"

"P.E." pag uulit niya. "I think mag wa-warm up muna tayo before the game."

"G-Game?" I can't play sports.

"Bat parang di ka updated?" nagtataka niyang tanong sakin. Pati si Mateo'y nakatingin na sakin.

"I'm sorry I have no idea. I'm home schooled."

"Your life must've been boring," buntong hininga ni Matt.

Tumingin ako sa kaniya, "Ikaw, do you play?" tanong ko. Pero iniwan niya lang kami ni Andrew nang walang kasagot sagot at nagpunta sa labas. Problema nun?

Siniko ako ni Andrew. "Makinig ka sakin Andrea. Of all people here sa classroom, si Mateo ang pinaka athletic." Talaga ba?

Muli siyang nagkwento sapagkat hindi pa ako kumbinsido.

"Volleyball Captain siya dati ng Thunders. Kaso mula nung nangyari yung cheating ni Lea at ni Eric, wala na. Umalis na siya. Ever since then, di na din siya naglaro."

"I don't get it. Even after the cheating, why would he left his team?" hindi ko makuha ang koneksyon kung bakit pa niya kinakailangang umalis.

Tiningnan ako ng seryoso ni Andrew saka ako sinenyasang ilapit ang aking tenga.

Lumapit ako, "Si Lea ang cheerleader. Tapos si Eric, team mate niya. Can you imagine going to practice everyday tapos makikita mo sila?"

Oo nga naman.

Napabuntong hininga ako ng malalim. I couldn't even imagine the torment that Matt has undergone.

"Mula nung dumating ka, ito lang ulit yung time na nakikihalubilo na ulit si Mateo. Dati rati kasi palagi siyang mag isa. Tyaka laging grumpy. Lahat pinag iinitan niya ng ulo."

"Bat ang dami mo atang alam ha? Diba you're also a transferee here?" tumingin ako sa kaniya nang makahulugan.

San kaya 'to nakakahagap ng balita? Ang lakas ng radar ha.

Tinapik nya ang aking balikat. "So they say, news has wings and land has ears," makahulugan niyang sambit bago ako iniwan at naupo sa kaniyang upuan. Meron na kasi si Ma'am.

"Okay guys, today we will play Volleyball pero warm up muna konti. Proceed na kayo sa lockers niyo to get change. I'll give you six minutes. Pagkatapos na pagkatapos niyo diretso agad sa gym, I will be waiting there," she instructed ago niya kami iniwan. Nilingon ako ni Andrew at sumenyas na mauuna na siyang magpalit.

Sa locker...

"Buti ka pa, sexy ka pa rin."

"Of course, nag wowork out kaya siya everyday."

"Kailangan ko na magpapalit ng P.E shirt. Halatang may itinaba ako."

Sumilip ako ng kaunti sa mga babaeng nag uumpunan at namataan ko si Lea.

Shit. Classmate ko?

"Ganon na ba ako ka preoccupied lately at di ko pa namumukhaan lahat ng classmates ko," mahinang bulong ko sa aking sarili sabay marahang hinaplos haplos ang buhok.

Tapos na ako magpalit at lalabas na sana nang biglang may humablot at humila sakin sa gilid. Napakabilis ng pangyayari kaya ako rin ay nagtataka kung bakit nasa harap ko ngayon si Mateo. Tiningnan ko siya nang may pagtataka habang nakakulong ako sa kaniyang mga bisig. Tiningnan lamang niya ako at saka binitawan.

"Next time, play at the gym," galit niyang sabi sa mga tao sa likuran sabay pulot at bato ng bola sakanila. Nagpatuloy na siya ng paglalakad pagkatapos.

Muli akong lumingon at nakita si Lea, nakatingin ng may pagbabanta. Hinayaan ko lang siya at nagpatuloy nang maglakad.

So much for many drama, pangaral ko sa sarili.

Dumaan ako saglit sa cafeteria upang bumili ng bottled water. Binuksan ko ang aking bag at hinablot ang gamot. I will have to take two to make sure I can bear the physical activities we'll have to do today.

Sa gym..

"Okay everyone, gather here. You will have to make one line," humablot siya ng isang estudyante. "Seth here will lead everyone. You will jog for four laps ha? After niyan balik kayo uli dito and we will begin to play." Hinipan niya na ang kaniyang pito at kami ay nagsimula na.


You can do it! It's only four laps.

Ikalawang rounds palang sa palibot ng gym, hingal na hingal at hinang hina na mga tuhod ko. Nararamdaman ko na rin ang pag iinit at paninikip ng puso ko. Luminga ako sa paligid. "Looks like everyone's having a good time," bulong ko sa aking sarili habang pinupunasan ang mamasa masang pawis na bumuo sa aking noo.

"Okay, cut! Four laps done!" Pag a-announce ng aming P.E instructor.

Sa wakas naman.

Para na akong gulay na naglulupaypay sa pagod. I slowly walked to the nearest bench at saka pagod na bumagsak.

It was so exhausting!

Habang humihingal na nagpapahinga ay walang lakas kong kinapa kapa ang aking tuwalya sa loob ng bag. "I am dripping with sweat, eew!" pandidiri ko sa aking sarili. Tumabi sakin si Andrew at iniabot ang malamig na mineral water. Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat.

Nagsimulang pumalakpak ang aming guro upang manakaw ang aming atensyon. Lahat ay tumigil sa kani-kanilang gawain at nakinig sa kaniya.

"Today everyone of you will be divided into two teams. Girls muna." Hinati niya ang grupo at pinatuloy kami sa gitna.

I don't even know how to play volleyball much less throw a f*cking ball.

Magkatapat kami ngayon ni Lea at may isang malaking net lamang ang namamagitan sa aming dalawa at sila ang mauunang magseserve.

Habang sinusubukan kong mag focus ng maigi sa galaw ng bola, nakita kong ngumiti si Lea ng tipid ngunit makahulugan. Ilang sandali pa ay nakita ko siyang lumundag ng mataas at inihampas sa hangin ang kaniyang kanang kamay. Nang bumaba ang kaniyang kamay ay saka ko napagtanto ang malaking bolang mabilis na paparating sa akin.

Nakahiga na ako sa malamig na sahig nang masilayan ko ang bola sa aking tabi. Kahit hilong hilo at nanlalabo ang aking paningin ay pinilit kong buksan ang aking mga mata habang nagpupumilit na bumangon.

Hindi pa ako nakakabangon nang may matitipunong bisig ang humablot sa aking kamay at ako ay maingat na inalalayang tumayo. Walang paliwanag na ako ay tinulungan maglakad palayo sa gym. Tumingin ako sa aking knight in shinning armor at nagulat nang malamang si Mateo ito.

Sumilay sa aking mga labi ang ngiti. "You're so charming when you help people," sabi ko. Umiwas lamang siya ng tingin at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Hinawakan ko ang kaniyang braso, "Can we stop for a bit?" umupo ako sa malapit na upuan sa hallway.

I can't breathe...

Huminga ako ng malalim. Paulit ulit.

"Mahihigop mo na ata ako sa sobrang lalim ng paghinga mo ha?" pagbibiro ni Mateo.

Tinabihan niya ako sa pag upo. Hindi ko na pinansin ang kaniyang sinabi, sa halip ay nagpatuloy na lamang ako sa paghahabol ng aking hininga.

"Let's just stay here for a bit," mahina at tipid kong sabi.

It's becoming a habit, pero basta kasama ko si Mateo, silence is more than enough.

Sapat na basta kasama ko siya..

Chasing Life And LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon