Dalawang Pusong Lito

32 18 2
                                    

ANDREA POV

Lunes na naman.

Palibhasa yan naman sasabihin ng mga taong ayaw na ayaw sa monday dahil pasukan na naman.

Samantalang ako, I do not have the audacity to say that dahil bawat araw na maaaninag ko ang araw ay isang malaking pagpapala sa Panginoon.

Gaya ng pagpapalang magkaroon ako ng mga mabubuting tao sa paligid ko. Si tito, na maalaga. Si Santi, na maaasahan. Si Andrew, na mapagkakatiwalaan. Si Mariel, na tapat.

At si Mateo, na mahal ko.

Este. Na mapagmahal.

Naupo akong nayayamot sa sarili. Pumasok si Santi at napansing hindi maganda ang mood ko.

"Oh. Bat ganyan ang mood mo? Lika na mag breakfast, Miss," pag aaya niya.

Lumapit siya sakin at hinihintay ang paliwanag ko.

Tumingin ako sa kaniya pero nag aatubili pa rin akong magsabi. Should I tell him?

Itinuro ko sakaniya ang upuan at isinenyas na maupo muna.

"Ano kasi. I have a lady friend and there's a guy na malapit sa kaniya."

Nagtaas ang isang kilay ni Santi na tila nahuhulaan ang paroroonan ng usapin.

"It's not me, ha. Unahan na kita. Baka you'll think na ako yon."

Subalit siyempre, hindi kumbinsido si Santi. Pero minabuti kong ituloy na lang ang sasabihin.

"She's having a hard time to think kung ano bang nararamdaman niya kasi she's really confused and the feeling is foreign."

Santi crossed his legs, getting interested in the topic.

"Ano bang nararamdaman niya?" he asked.

"Uh.. she keeps thinking of the guy. She's also worried. She hates him sometimes but she also loves being around him most of the time."

"Oh, that's puppy love. She's only attracted to him."

"No way, it's not puppy love!" The sooner the words left my mouth, I immediately regretted it. Santi looked at me with knowing eyes.

"Bat kailangan mong sumigaw? Humihingi ka ng opinyon ko. Well, that's my opinion."

"Never mind!"

Naiinis akong tumayo at nagdadabog na lumabas. Puppy love? Duh!

ANDREW POV

Pangit, gising na.

Pangit, gising na.

Pangit, gising na.

Pangit, gising na.

Huh?

Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang pinaka nanggising sa diwa ko. Yung alarm na di ko naman sinet. Oh yung alarm tone na di ko rin alam.

Bumangon ako habang kinakamot ang aking ulo. Napapaisip kung panong nagkagayon samantalang ako lang naman nakahawak ng phone ko palagi.

Biglang may nag flashback sa 'king alaala.

"Drew, akin nga phone mo."

"Bakit?"

"Tang 'na, daming satsat. Bigay mo na lang!".

"Nanghihiram ka lang, kaw pa galit! Nagmumura mura pa. Oh!"

ANAK NG TIPAKLONG NAMAN MARIEEEEEEEEEL!! Ang lakas mang trip!

Napatigil ang pagmumuni muni ko nang biglang tumunog ang aking cellphone.

Sino naman kaya 'to?

Binalingan ko ang orasan at nakitang alas singko palang. Di ko talaga mapigilang di mainis. Nandito lang ako sa dorm. Just a block away from the school. Kaya kahit 6:30 ako magising, makakahabol ako. Tapos gigisingin ako ng ganito kaaga?!

Sinagot ko ang tawag. Malaas na tinig ang mas lalong gumising sa diwa ko

"Good morning, panget!"

Good morning daw. Matapos sirain ang tulog ko.

"Kung mangtitrip ka na naman, ibababa ko na ang tawag."

"WAIT!"

"Ano na naman?" Nauubos na talaga pasensya ko dito.

"May pasok na tayo mamaya. Pwede ba kitang maging driver?"

"Huh? Bakit?"

"Para ikaw na magpatakbo ng buhay ko." Sabay putol ng tawag.

Nak ng tipaklong talaga. Nakukuha pang bumanat.

Hinawakan ko ang puso ko. Mabilis ang tibok.

Ano ba 'tong ginagawa mo sakin L?

Chasing Life And LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon