Dalawang Durog na Puso

100 56 5
                                    

Andrea POV

Pagkatapos ng isang makasaysayang araw, sa wakas ay makakauwi na rin ako. Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim habang iniisip kung ano na naman ang isasagot ko kay Santi kung sakaling tanungin kung kumusta ang araw ko. Inilabas ko ang aking cellphone at tinawagan si Willie.

"Uy," may biglang kumalabit sa likuran ko. Nang lingunin ko ay si Andrew pala.

"Oh?"

"Buhay ka pa pala," habang tinitignan ako pataas at pababa. "Okay ka lang?" pagdaragdag niya.

"I'm good, why?" Binalingan ko ang aking relos habang lumilinga linga sa paligid.

Nasan na ang two minutes mo Willie?

"Bali-balita kasi dito na di mo dapat makuha ang bad side ni Mateo, kung gusto kong makasurvive dito until graduation." Oh. So Mateo ang pangalan niya. Nice.

At sa wakas naman, dumating na si Willie after ages. "Thanks for your concern, Andrew. I really appreciate it. See you tomorrow," nginitian ko siya at saka nagpaalam.

After driving a few blocks from school, nandito na kami uli sa bahay. Sinalubong ako ni Santi pagbaba ko sa sasakyan.

"Kumusta ang araw mo, Miss."

Heto na naman tayo.

Nagpunta kami sa living room at doon kami nag usap. "So my first day didn't go as planned," pag uumpisa ko. "To cut my story short, I happened to sit on a chair a guy is so obssessed to sit onto. We ended up quarrelling over it."

"Okay, but you forgot to mention him pulling you out from the classroom."

Bummer, the old man knows.

"Oh. And that too," tumawa ako ng mahina habang seryoso pa rin siyang nakatingin sakin. Nakapinta ang bakas ng pag aalala sa kaniya.

"Santi, I'm okay.. Wag kang mag alala."

Ngumiti siya sa huling salita ko. "Mabuti sigurong pag aralan mo muli kung pano magsalita ng tagalog. After all, you're a filipino too." Binuhat niya ang aking bag at sabay kaming pumasok sa itaas.

"You're scheduled to visit Dr. Sandoval on saturday, gusto mo bang samahan kita?"

"Hindi na, Santi. I can handle my own."

"Hindi mo naman kailangang umaktong okay ka palagi, Andi. Kung kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako."

Tumango ako sa kaniya at saka nya ako iniwan mag isa sa aking kuwarto.

Bakit ba madalas na kapag nasasaktan tayo, lagi tayong tumatakbo palayo?

Lagi tayong nagtatago.

Kahit sa dulo alam nating tayo pa rin ang talo.

Hinawakan ko ang aking dibdib.
Hang on. Don't give up on me yet.

MATEO POV

Pagkagising ko mula sa ilang oras na pagkakatulog ay napansin kong wala na ang aking kasama. Hay. Di ko pa alam ang pangalan niya.

I just spent a day with stranger but it felt better today. Tahimik lang kami pareho but there is more than our silence. Hindi ko alam na kahit kaunting katahimikan lang ay mapapayapa ang aking kalooban.

Umupo ako saka tumayo. Pinagpag ang kaunting alikabok at dahon na kumapit sa aking pantalon. Naglakad ako papunta sa garage site ng school at saka hinablot ang remote ng aking sasakyan.

Bago pa man ako makapasok ay namataan ko si Lea at Erik sa loob ng isang kotse, making out. F***!

I had a pass relationship with Lea. Di naman ako nagseselos or what, pero habang pinapanood ko sila di maiwasang di masaktan ang pride ko.
Erik was a part of my team. He's just a player in my team. I used to be his captain. Mas mayaman ako. Mas gwapo rin. Di ko talaga maintindihan kung may mali sakin or sadyang malandi lang itong si Lea.

Bago pa ako mainis lalo at makagawa na naman ng ikadaragdag ng galit sa akin ng tatay kong siguradong magagalit na naman mamayang pag uwi ko, ay minabuti kong pumasok na sa kotse at umuwi.

Ugh, I really hate going home.

*beep! beep! beep!

"Ang tagal, ano ba?!" galit na salubong ko sa guwardiya habang nagmamadali niyang buksan ang bukana ng gate.

Ang kupad kumilos!

I-pinark ko na sa garahe ang kotse saka pumasok.

"Ano na namang kawalang hiyang eksenang ginawa mo sa school kanina Mateo?" kalmang tanong sakin ng tatay ko.

"Dad, bago mo pa ako tanungin alam mo na. Why bother asking me?" naiinis kong tugon. Tatay ko lang naman ang isa sa mga major shareholder ng Mountainview Properties, and that includes the school.

"Hindi mo dapat inaabuso yang status mo, nakakahiya ka!"

"Wow ha? At yang pambababae mo, hindi nakakahiya?" itinapon ko sa harap niya ang aking bag saka humahangos na naglakad papasok sa aking silid.

"Don't you dare walk out on me while I'm still talking!" pagbabanta nya. Too bad, I no longer care.

Hinanap ko ang susi ng aking Ducati bago lumabas muli ng silid. Pakiramdam ko sasabog na ako, I needed to get out and have an air.

Paglabas ng gate ay pinaharurot ko ang sasakyan.

San naman kaya ako pupunta ngayon?

ANDREA POV

Alas dose na subalit di pa rin ako ginagapangan ng antok.

God, I still have class tomorrow at 7.

I really need air, nakaka suffocate dito sa loob.

Lumabas ako at naglakad papunta sa silid ni Santi. Sa ikaapat na pagkatok ko sa pintuan ay bumungad sa akin ang itsura niyang halatang naabala ang tulog. "I'm sorry I woke you up," I looked at him apologetically. Kinamot niya ang kaniyang mga mata, "Bat gising ka pa, Andi? May problema ba?"

"I can't sleep. Magpapaalam lang sana ako. I'll just have an air outside." Akmang kukunin niya na ang kaniyang jacket subalit pinigilan ko.

"Go back to sleep. I promise I'll be fine." Hinawakan ko ang kaniyang braso at pinisil ito ng mariin. "I can always ring you if I needed something." Tumango siya at muking bumalik sa kaniyang pagtulog.

Nagmamadali kong kinuha ang aking jacket at nagsuot ng makapal na pantalon saka lumabas at nagpunta sa kotse. Binuksan ko ang google map, upang masigurong di ako mawawala.

San naman kaya ako pupunta ngayon?

Chasing Life And LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon