Ang Pag amin

34 17 1
                                    

ANDREA POV

"Ma'am tawagan niyo lang po ako pag may kailangan kayo. Pupuntahan ko po kayo kaagad agad."

Inirapan ko si Willie. Talaga ba ha?

"Are you even sure about that? Sometimes it takes you more than five minutes to appear."

Itinaas nito ang kaniyang kanang kamay. "Promise, Ma'am!" Saka pa sumaludo.

"Okay. See you this afternoon," pamamaalam ko.

Papasok na ako ng gate nang biglang may umakbay sakin. Ang sakit, mababali na ata leeg ko.

"L?" naiinis kong salubong sa kaniya habang siya naman ay natatawang nakaakbay.

"Will you stop smacking people? It hurts." Pinipilit kong alisin ang kamay niya pero mapilit talaga.

"You'll get used to it." Hinila hila niya ako papasok. Hindi na ako makapalag pa sapagkat mas malakas talaga siya. Babae ba talaga 'to?

Pagpasok namin sa lobby ay pinagtitinginan na kami ng mga tao. I rolled my eyes.

Bakit ba everytime na papasok ako, I always ask kung ano bang meron? Nakaka intimidate na eh. Masyado na ba akong maganda? Nakakasilaw?

Tila napansin yata ni L ang aking pagiging hindi kumportable.

"You're becoming popular here."

Huh? It's not like I'm trying to gain popularity.

"They know you're rich."

I stopped and looked at L. "What?"

But she just continued walking, dragging me with her might.

"Everybody's talking about you and your wealth."

Now, I'm really so confused. "My wealth? What do they know about it?"

"Hay nako babaita. Nandito ka sa Pinas, bansa ng mga maiisyu. Reporter, stalker, detective equals Pinoy."

Inalis na niya ang pagkakaakbay sa akin at itinuro si Andrew na papalabas ng library.

"There you are!" excited nitong wika.

Kawawang Andrew. Mapagtitripan na naman.

Nang makita siya ni Andrew ay mistulang pinagbagsakan na naman ng langit at lupa ang ekspresyon niya sa kaniyang mukha. I feel you, man. I feel you.

Minamasa masahe ko ang aking leeg na hanggang ngayo'y masakit pa rin sa pagkakabatok ni L. Dahil meron na si Andrew ay leeg naman nito ang nabiktimang isunod niya.

"Kailan mo ba 'ko titigilan L?" mangiyak ngiyak na pagsusumamo ni Andrew. Hindi na siya nag atubiling alisin ang mga braso ni L sapagkat kakaiba talaga ang lakas nito. Mukhang babae lang talaga sa panlabas.

"Pag tayo na."

Yay. In fairness, ako yata ang kikiligin sa dalawang 'to.

"Are you even serious L?" I asked her.

"Oo naman!" Ginulo gulo niya ang buhok ni Andrew na hanggang ngayo'y inis na inis pa rin.

"What's wrong with confessing right? It saves time!" Itinuro niya ako, "Unlike you." Tumingin siya saking likuran, "and you."

I looked to see who she's referring at and my heart dropped when I saw Mateo.

Everything slowed down as he tried to catch up with us. He faced me and smiled.

Chasing Life And LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon