Second Chance - Chapter 3
Nang makaalis na si Mica ay parang mayroon akong nakakahawang sakit ng bigla nalang akong itinulak ni Steven palayo sa kanya. Matutumba sana ako, pero buti nalang nakakapit ako sa sofa. Napahawak ako bigla sa tiyan ko.
"I told you. Don't you ever get near me, again. Your disgusting." tila may libo-libong karayom ang tumusok sa puso ko. Ang sakit-sakit. Kahit ganon, iniisip ko ang baby ko. Para to sa baby ko at kay Steven.
Pinilit kong ngumiti at tumingin sa kanya. He look at me like nothing. Na parang hindi ako mahalaga.
Kahit gusto ko ng humagulgol sa harap niya at sabihing bumalik na kami sa dati, katulad ng dati kung paano niya ako tingnan ng may buong pagmamahal. Pero hindi pa siguro sa ngayon.
"Tss. Slut."
A sob escape in my lips. Sa mga nakalipas na mga buwan, ganyan niya akong tratuhin. Trinatrato niya ako na parang isang mababang babae. Ano bang kasalanan kong nagawa? Can someone tell me?
Dati kapag nakikita niya akong umiiyak, siya agad ang nagpapatahan sa akin. Bakit ngayon, kahit anong iyak ko parang wala lang sa kanya?
Paalis na sana siya ng pigilan ko siya sa pamamagitan ng pagsabi sa kanya ng supresa ko.
"Hon, I-i'm pregnant." pinasigla ko ang aking mukha, kahit nasasaktan ako. Alam kong matutuwa siya.
"Tss. Who's the father? Si Glenn ba?" walang gana niyang tanong sa akin.
Halos durog na durog na ang puso ko sa mga salitang lumalabas sa mga labi niya. Bakit niya naiisip yon? Bakit niya naiisip na si Glenn ang ama ng dinadala ko?
"S-steven naman! Ikaw ang ama ng dinadala ko. How many times do I have to tell you na walang nangyari sa amin ni Glenn.! Wala." ganito nalang ba palagi? Kahit anong paliwanag ko, hindi siya makikinig?
"I'm tired Megan. Matulog ka na." walang ganang sagot niya sa akin at umalis na naman at iniwan akong nag-iisa.
All my hopes vanish. Lahat ng positive thoughts ko nawala ng dahil lang sa reaksyon niya.
Akala ko he will be happy if he'll know my situation. Na buntis ako. Napahawak ako sa impis kong tiyan dahil bigla itong kumirot. Napatahan ako sa paghagulgol sa kaisipang baka mapaano ang baby ko. Ang baby ko na kakampi ko ngayon.
"Baby, pagpasensiyahan mo na si daddy ha. He's just tired kaya ganon siya. Wag mong kakaalimutang mahal ka ni daddy."
Hinimas-himas ko lang ang tiyan ko hanggang sa nawala ang sakit ng tiyan ko.
KINABUKASAN ay gumising na naman ako ng hindi katabi si Steven. Linggo ngayon kaya alam kong wala siyang pasok ngayon. Kailangan ko siyang paglutuan ng breakfast.
Napatingin ako sa unang ginagamit ni Steven dito sa kwarto. Sa mga buwan na lumipas, ito ang palagi kong ginagawa. Kapag gumigising ako, niyayakap ko ang unan niya para kahit papaano, maramdaman ko parin siya. May isang butil ng luha ang tumulo sa pisngi ko.
"Miss na miss na kita, hon. Bumalik na tayo sa dati oh." napahikbi ako.
Natigil lang ang paghikbi ko ng pabalyang bumukas ang pinto at pumasok ang walang ekspresiyong mukha ni Steven.
"H-hon." napatayo ako bigla sa kama.
"Dress up. We'll going somewhere." pagkatapos niyang sabihin yon ay lumabas din siya agad.
BINABASA MO ANG
Second Chance (On-going)
RomanceRated SPG There's a matured content so read it with your own sake😊😂☺