CHAPTER 12

88 20 0
                                        


Second Chance - Chapter 12



Nagising ako ng feeling kong may humahaplos-haplos sa ulo ko. Masarap sa pakiramdam kaya mas lalo pa akong nagsumiksik sa taong kanina pa humahaplos sa ulo ko.






"Wake up sleepy head." sabi ng taong katabi ko sa kama. Nang lingunin ko ay ang nakangiting mukha nito ang sumalubong sa akin.







"S-steven." nauutal kong sabi. Nginitian niya lang ako at hinalikan sa noo.






"I love you, hon. Don't forget it." sabi niya at tumayo na sa kama.









Napabangon ako at pilit pinipigilan si Steven. Hinawakan ko siya sa kamay pero tinitigan niya lang ako.






"Babe, come on. Let's go." napatingin ako sa likod ni Steven kung saan nakatayo si Malan at nakasandig sa hamba ng pinto.







Nalilito kong tinignan si Steven. Gusto kong maiyak pero walang luha na gustong lumabas.






"S-steven. H-hon, anong i-ibig sabihin n-nito?" nanginginig kong tanong. Tumingin ito kay Malan at sa akin ulit.





"Mahal na mahal kita. Kayo ni Sofia." ang mga luhang ayaw lumabas kanina ay nag-una-unahan sa pagpatak.




"N-no! No Steven, no! Bumalik ka! Wag mo kaming iwan ni Sofia!" kahit anong tawag ko sa kanya ay parang wala siyang naririnig.


Patuloy lang sila si Malan sa pag-alis. Napaupo ako sa sahig at napahagulgol ng iyak. Unti-unti silang nawala sa paningin ko.



"Steven!"




"Mama! Mama wake up. Wake up!" napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko si Sofia na ginigising ako.




Isang panaginip.






"Baby, good morning." hinalikan ko si Sofia sa noo. Nginitian ko siya at kinuha sa drawer malapit sa kama ang regalo niya.




"Happy birthday baby." bakas sa mukha niya ang saya.





"Wow! Thank you mama. Your the best mama in the world po." sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.



"Come on, i'll put it on you." kinuha ko sa kanya ang box ng kwintas na regalo ko sa kanya.





"I wish kuya Lucas is here with me, celebrating our 5th birthday po." napangiti ako ng mapait sa tinuran ni Sofia. Ever since nagkaisip na si Sofia, hindi ko nakakaligtaan na ikwento sa kanya ang kuya niyang si Lucas. I'm happy kasi, kahit na hindi niya nakita ang kapatid, mahal na mahal niya ito.






"I'm sure your kuya Lucas is happy right now kung saan man siya ngayon. He's your guardian angel na nagpoprotect sayo." pinunasan ko ang ilang butil ng luha na naglandas sa pisngi niya.




Sofia is one intelligent girl. Sa edad na lima, naiintindihan na niya ang mga bagay-bagay. I'm so lucky to have her as my daughter. We give hug each other. A tight one.





Gumaan ang loob ko dahil sa yakap lang ng anak ko. Medyo nawala na din sa isip ko ang tungkol sa napanaginipan ko.










Exactly 1pm nagsimula ang birthday party ni Sofia, maraming dumalo na mga kaklasi niya sa day care. Even Steven's friends is here.




Second Chance (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon