Second Chance - Chapter 16
"Is everything ready?" tanong ni Steven habang tinitingnan ang mga damit na inaayos ko. Ngayon na kasi lalabas ng hospital si Sofia. Tapos na din ang pagbayad ng bills kaya pwede na kaming umalis ano mang oras.
"Y-yeah. Tapos na naman to." balik ko sa kanya bago ko isarado ang zipper ng bag.
Hindi ko alam kung paano sasabihin to kay Steven pero kailangan. Napag-usapan na din naman namin to, kailangan ko pa din ng time and space para makapag-isip. Sa mga nagdaang araw ay grabe ang napagdaanan namin, okay kami pero nagkaroon na ng bakod simula ng maaksidente si Sofia.
Akmang kukunin ni Steven ang bag ng iiwas ko to sa kanya. Nabalot ng pagtataka at pagtatanong ang kanyang gwapong mukha.
"Steven, hindi kami uuwi ni Sofia sa bahay." walang pag-aalinlangang sagot ko sa kanya.
"W-what do you m-mean? Hon, please." kita ang pagkataranta sa kanyang mukha, tila pa itong nagsusumamo.
Kasama nina nanay at kuya si Sofia sa labas ng kwarto kaya kami lang ang nandito si Steven. Malaya kaming makakapag-usap dito.
"Steven, ang dami ng nangyari. Gusto ko muna ng space and time para makahinga sa relasiyon na ito. I did told you na hindi na ako magpafile ng annulment pero hindi ibig sabihin non kakalimutan ko na ang mga nangyare. Sana maintindihan mo Steven." kahit masakit sa akin ay nakaya ko pa ding sabihin yon sa kanya. I think, this is all we need. Me and Steven needs space and time.
Sinasabi niyang mahal niya ako pero hindi ko yon naramdaman ng limang taon. Kailangan namin to kung gusto naming makahinga sa ganitong pagsasama. Kami lang din ang mahihirapan or worst si Sofia na naman. Ayoko ng maulit ang nangyaring aksidente.
"Is this all about Malan? Hon please, believe me. Nothings happened. Ang nakita mo sa office? wala lang yon. I'm drunk that time, I thought it was you I am kissing. Please don't do this to me, Megan." ayokong maawa sakanya at baka hindi ko na mapanindigan ang desisyon ko.
Gusto ko mang matuwa sa sinabi niyang walang namamagitan sa kanila ni Malan, pero hindi parin ako magpapatinag. We need this.
"Steven, we both need time and space to make this relationship better. Kailangan muna natin pag-isipan ang mga bagay-bagay na nangyare sa atin. I don't want to think this, pero bakit ngayon lang Steven? Bakit ngayon pa kung saan nangyare na tong lahat. Hindi ka naman matatauhan kong hindi kita hihiwalayan diba. Sa anim na taong pagsasama natin Steven, bakit ngayon lang." hindi ko naiwasang pumatak ang isang butil ng luha ko.
"I-i'm sorry. I'm sorry."
__________________
We end up here sa bahay. Yeah, sa bahay namin ni Steven. Napag-usapan namin ni Steven na he'll give me time and space pero dito pa din kami ni Sofia uuwi sa bahay. Siya nalang daw and aalis at sa office or hotel nalang daw siya tutuloy pansamantala habang kailangan ko pa daw ang mga iyon.
I didn't agree at first pero siya ang nag-insist na doon nalang daw kami ni Sofia. Kaya hito, dito din pansamantalang tumutuloy si kuya. Si nanay naman ay nakabalik na ng probinsiya. Kailangan kasi naghihintay din doon ang dalawa ko pang kapatid.
"So what's really happening between you and your hasband, Meg?" basag ni kuya sa katahimikan.
Nandito kami ngayon sa dining at nag-aalmusal. Si Sofia naman ay busy sa kinakaing pancake.
"K-kuya...." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay kuya. Kahapon ko pa napapansin na gusto niya akong tanungin tungkol sa aming mag-asawa pero parang ngayon lang nagkalakas ng loob.
"I don't want to middle with your issue. I know you're old enough to handle this problem between you and your hasband but.... don't forget that I am here. Nandito ako't handang makinig sa mga problema mo. Alam kong, alam mo na una palang ayoko na kay Taylor para sayo." sandaling tumigil si kuya sa pagsasalita at tiningnan ako at si Sofia na wala talagang pakialam sa usapan namin ng tito niya. Ako naman ay nakayoko lang, hindi alam at hindi kayang makipagtitigan.
"I'm sorry kuya." nilaro-laro ko ang pagkain na nasa plato ko.
"Ayoko parin kay Steven pero gusto kong malaman mo na ayoko din namang mawalan ng ama ang pamangkin ko." napaangat ako ng tingin kay kuya.
Tulad nga ng sabi ko, hindi siya boto kay Steven para sa akin sa simula palang. Hindi ko alam ang dahilan pero parang matagal na silang magkakilala ni Steven. Kahit ano namang tanong ko noon kay Steven kung anong meron sa kanila ni kuya noong magkasintahan palang kami, ang palagi niyang sagot ay wala lang. Kaya hindi ko nalang siya kinulit noon.
"Masyado pa kasing magulo kuya. Mahal ko siya pero masyado ng masakit dito." sabi ko sabay turo sa puso ko.
"Loving someone and hurting at the sametime is part of love. Hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. You choose to love him so face the consequences of it." yon lang at nagpaalam na si kuya na aalis para pumunta ng trabaho.
Ilang buwan lang mamamalagi si kuya dito at aalis din pabalik ng ibang bansa. Pero bago daw yon ay dadalaw muna siya ng probinsya para dalawin naman ang dalawa pa naming kapatid doon.
"Mama, is dada going home later?" inosenting tanong ng anak ko. Mayroon pa itong chocolate syrup sa gilid ng bibig.
"Uhmm. Ano, k-kasi anak. Dada is still busy right now. Don't worry, we'll call dada later." pagsagot ko sa inosente kong anak.
Ang totoo ay hindi ko alam kung kailan siya dadalaw dito. Kahit humingi naman ako ng space and time kay Steven ay free naman niyang dalawin dito ang anak namin. Labas si Sofia sa usapan namin dahil, gusto ko din naman siyang makabawi sa anak namin.
"Awww. I miss dada already." nakapout na sagot nito. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang kurutin siya sa pisngi.
___________________
MAVERICK's POV (Megan's Brother)
"Good morning sir." bati sa akin ng security guard ng pumasok ako ng building niya. I want to talk to him man to man.
"Morning." balik bati ko at saka nagtungo ng information desk.
"Good morning sir, how may I help you?" tanong nito na may kasamang panlalandi. What can I say, gwapo naman kasi ako.
"May I know what floor mr. Steven Lucas Taylor's office is?" tanong ko dito sabay kindat. Napahagikhik naman ito. Halatang kinilig.
"Do you have appointment sir?" tanong ulit nito.
"No, I don't have. But you can call him and tell him that I want to talk to him right now." ngayon ay seryoso na ang mukha ko. Wala na ang pakikipagflirt na ngiti kaya nakita kong mukhang napatikhim din ang babae.
"W-what's your name s-sir?" nauutal nitong tanong. Naku, natakot ko ata.
"Maverick Santos." yon lang at narinig ko ng may tinawagan ito. Maya-maya pa ay sinabi na din nito ang floor.
"Mr. Taylor's office is in the 25th floor. That way to the elevator sir." turo nito sa elevator.
"Thanks." pagkatapos non ay nagtungo na ako papuntang sakayan ng elevator.
I need to talk to him. Kung ano man ang problema nilang mag-asawa, dapat nilang ayosin yon. Hindi ko ipinagkatiwala ang kapatid ko sa kanya para maghiwalay lang sila sa huli. Hindi man ako boto sa kanya, ang importante ay ang kaligayahan ng kapatid at pamangkin ko.
Kaya humanda sakin yang Steven na yan. Hindi ko pa siya nabibigyan ng isang malakas na suntok katulad ng pangako ko sa kanya oras na saktan niya ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Second Chance (On-going)
RomanceRated SPG There's a matured content so read it with your own sake😊😂☺
