CHAPTER 8

119 40 0
                                        

Second Chance - Chapter 8


One month.




One month had past at ni anino ni Steven hindi ko parin nakikita.




Nanatili pa ako ng dalawang araw sa hospital ng mga panahong kakapanganak ko palang. Gusto ko sanang makita ang baby Matt Lucas ko kahit sa huling pagkakataon pero, wala na daw. Ang pagkakaalam ko, si Steven daw ang kumuha ng bangkay ng baby.




I named my baby boy Matt Lucas and ang baby girl naman is Sofia Margarette.





Masakit sa akin na hindi ko manlang nakita yong baby ko bago siya nilibing.





At sa one month na nakalipas, si baby Sofia ang kasama ko. Kasama ko din sina Leah at mommy Stella. Umuwi siya galing state ng malaman nito ang nangyari sa akin. Alam na din ni mommy Stella ang lahat. Pati na din ang about sa nangyari sa aming tatlo nina Glenn.



Iniisip ko nalang ngayon na labis lang na nasaktan si Steven sa nangyari sa baby namin kaya wala siya ngayon dito at kailangan niya ng panahon para makapag luksa.




Ang masakit lang, sana kasama ko siya at sabay naming harapin ang pagsubok na to.



Sa isang buwan na iyon ay panay ang tanong ko sa mga kaibigan niya kung may balita na ba sila. Pero wala daw. Tanga na siguro ako dahil ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na sisihin si Steven sa nangyari sa anak namin.





Nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang iyak ni baby Sofia. Kahit wala na si baby Matt, hindi pa rin siya mawawala sa isip at puso ko.




Sa nakalipas na isang buwan, binuhos ko ang oras ko sa anak ko. Ayokong isipin ang mga negatives dahil baka mapabayaan ko siya. Siya nalang ang may meron ako sa ngayon.





Siguro iniisip niyo na napakawalang kwenta kong ina. Hindi ko kayang kasuklaman ang lalaking may dahilan kung bakit ako napaanak ng wala sa oras.




Anong magagawa ko? Mahal na mahal ko si Steven. At alam kong hindi niya yon sinasadya.




"Gutom ka na ba baby?" pagkausap ko kay baby Sofia.




Kinuha ko siya sa crib nito at naupo ako sa kama. Hindi mapag-kakailang anak ni Steven si Sofia. Ang tanging nakuha lang ata ni Sofia sa akin ay ilong at bilogang mata and the rest is kay Steven.



"Sweety, kumain na tayo sa baba." pumasok ng kwarto ko si mommy Stella. Bakas dito ang lungkot sa mga mata.




Alam kong galit parin si mommy Stella kay Steven dahil sa mga ginawa nito. Pero ako ito, pinagtanggol ko siya para humupa na ang galit niya kay Steven.



"Wait lang mommy." sagot ko. Bini-breast feed ko kasi si baby Sofia.



Naupo si mommy Stella sa tabi ko. Tahimik lang siya hanggang maya-maya ay narinig ko galing sa kanya ang mga mahihinang hikbi.





"M-mommy Stella, what happened?" nag-aalalang tanong ko. Baka kung anong nangyari kay Steven. Wag naman po sana panginoon.





"N-nothing, sweety. It's just that...... I'm so thankful na ikaw ang napangasawa ng anak ko. You always think of him despite of what happened." for the first time, ngayon ko lang nakitang umiyak si mommy Stella.



"M-mommy." niyakap ko siya kahit hawak ko si baby Sofia. "In the day of our marriage, I vows to the altar that no matter what happen, I will stay." hindi ko naiwasang maluha sa harap ni mommy Stella.





Sa nakalipas na isang buwan ay ngayon lang ako umiyak sa harap niya.





"Sana lang talaga ay wag kang magsawa sa anak ko. Dahil kapag dumating man ang araw na yon, hindi kita pipigilan. You know why?" tinitigan ko si mommy Stella.


"W-why?"




"Because I know, you had enough. I know my son is kind of asshole for treating you like this." natawa ako sa huling sinabi ni mommy. Pinahid niya ang mga luhang nasa mga pisngi ko.





"Sana lang ay hindi pa huli ang lahat kapag dumating ang araw na magsawa ka na sa anak ko." pagkatapos niyang sabihin yon lahat ay bumaba na kami sa salas. Si mommy Stella na din ang humawak kay Sofia.





The next day ay maagang umalis ni mommy Stella dahil siya ang pansamantalang nagpapalakad ng kompanya na iniwan ni Steven.


Busy ako sa paglilinis ng living room. Tulog pa naman kasi si baby Sofia. Dala-dala ang panlinis ay nagulat ako sa biglaang pagbukas ng front door. Akala ko ay si mommy Stella ang pumasok, pero hindi.




Looking at him right now ay masasabi mong nag-iba ang anyo niya. Nagkaroon na ng whisker ang mukha niya na wala naman dati. Ang matipunong katawan ay nangayayat. Ibang-iba siya sa Steven na nakilala kong malinis sa katawan.





"S-steven, a-nong nangyari sayo?" dinaluhan ko siya dahil kamuntikan na siyang matumba.





Nang makalapit ako sa kanya ay naamoy ko na agad ang alak at lasing ito ng tanghaling tapat.








"I'm sorry." yan ang sabi niya bago ito mawalan ng malay. Sinipat ko ang noo ni Steven at inaapoy ito ng lagnat.




Napaluha ako sa ayos niya ngayon. Ang payat-payat na niya.




Dinala ko siya sa kwarto at pinahiga sa kama. Kumuha ako ng basin at pamunas. Pinunasan ko lahat ng parte ng katawan niya.





"Uhmmm...... H-hon...... S-sorry. I-i didn't m-mean to k-kill him." napahikbi ako sa sinabi niya.






Seeing him unconscious while saying those word with tears in his eyes is a heart breaking.




Kaya ba hindi siya umuwi ng isang buwan dahil sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa isa naming anak?



Pigil ko ang iyak ko habang tinatapos ang pagpupunas sa kanya. Pagkatapos ay nagpunta na ako ng kusina para makapagluto ng soup para kay Steven.





Bandang 11:45 am na ko natapos sa pagluluto. Tinawagan ko na din si mommy Stella at pinaalam na umuwi na si Steven. Pero hindi siya makakauwi agad dahil my importanting meeting na aatenan.






Napatingala ako sa itaas ng marinig ko ang iyak ni baby Sofia. Dali-dali kong tinapos ang pag-aayos sa dinning area at naghugas ng kamay.




Malapit na ako sa pinto ng kwarto ng wala na akong marinig na iyak ni baby Sofia. Nakaawang ng kaunti ang pinto kaya sinilip ko.




Kita dito sa pwesto ko ang crib ni baby Sofia. And what I saw touch my heart.






I saw Steven, standing near the crib. Hinahaplos-halos nito ang pisngi ni Sofia. At nakikita kong nagugustuhan ito ni Sofia.




Ilang minuto akong nakatitig lang sa kanila. Ang hindi ko inaasahan ay makikita kong umiiyak si Steven habang sinasabi ang salitang "I'm sorry" ng paulit-ulit.




Parang bumalik sa akin ang lahat ng sakit. Makita ko lang siyang nahihirapan ng ganito parang pinipiga ng paulit-ulit ang puso ko. Ganito na ba ako ka martyr sa pagmamahal kay Steven?

Second Chance (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon