Second Chance - Chapter 14
Hindi ko alam kong paano kami nakarating ni Steven ng hospital ng hindi na-aaksidente. Alam kung lasing siya pero nang marinig niya ang nangyari kay Sofia halos lumipad ang kotse ni Steven makarating lang kami kung saan dinala si Sofia. Ang baby ko. All I want right now is to see my daughter. Oh Diyos ko, sana okay lang ang anak ko.
Pagkababa ng sasakyan ay nagtungo agad ako sa information desk. Nakasunod lang si Steven sakin.
"S-sofia Margarette Taylor" I saw shock in the nurse face. Maybe sa ayos ko ngayon. Namamaga ang mga mata at nanginginig.
"The patient is in the OR right now ma'am. That way in the OR." turo ng nurse sa OR.
Lakad-takbo na ang ginagawa ko. Gusto ko ng makita ang anak ko.
"H-hey, Megan slow down. Baka madapa ka." masamang tingin ang ibinigay ko kay Steven.
"Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa anak ko, naisip mo pang may pakialam ako kung madapa ako?" napapikit ako ng madiin.
"I'm just....... I'm sorry." napayoko siya ng ulo.
Hindi ko na siya inisip pa at dumiretso na sa OR. Nang makarating doon ay tamang-tama naman ang paglabas ni Glenn? Nakasuot ito ng lab coat at stethoscope. Kung hindi niyo alam ay isang doktor si Glenn na bestfriend ni Steven, hindi ko lang alam na dito pala siyang ospital na nagtatrabaho.
"G-glenn? Glenn, tell me how's my daughter? Please tell me she's okay." kinakabahang tanong ko kay Glenn. Ano mang oras ay parang mawawalan na ako ng ulirat sa kaba at pag-aalala.
"We need blood for your daugther...." hindi pa natatapos ni Glenn ang sinasabi ay sumabat na si Steven.
"Take all my bloods, just please save my daughter. Please save her. I don't want to lost a child again." kita ang sakit sa mga mata ni Steven habang sinasabi niya iyon.
Bigla nalang akong napangiti ng mapait. After six years, ngayon niya lang inako si Sofia as his daughter. Ngayon pa kung saan may nangyaring masama kay Sofia.
Ipinasama ni Glenn sa isang nurse si Steven para itest ang dugo nito kung compatible ba ito kay Sofia at salamat sa Diyos dahil madaling nasalinan ng dugo si Sofia.
NANDITO ako ngayon sa isang maliit na praying room o chapel dito sa loob ng hospital. Tudo ang pasasalamat ko sa Panginoon at naging maayos ang operasyon nito. Nagtungo ako dito pagkatapos sabihin ni Glenn na okay na si Sofia.
"Lord, thank you for saving my daughter's life. Thank you, dahil hindi niyo siya kinuha sakin. Minsan na po akong nawalan ng anak at ayoko na pong maramdaman ang sakit na dulot noon. I know I'm not a perfect mother but I'll do everything just to make sure na okay si Sofia. " habang nakapikit at nagdarasal ay naramdaman ko na may tumabi ng pag-upo sakin.
"Sofia is already in the private room." turan nito.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Tinitigan ko siya ng walang eksprisyon.
"Why now?" yan ang unang salita na lumabas sakin.
"M-megan, hon I wan......"
BINABASA MO ANG
Second Chance (On-going)
Storie d'amoreRated SPG There's a matured content so read it with your own sake😊😂☺