Nandito ako sa kwarto ko hindi ako dumiretso sa trabaho dahil nanghihina ako baka magkamali lang ako sa gagawin ko.
Nagtext nalang ako Kay jasmine na pasabe na masama ang pakiramdam ko.Nanghihina talaga ako dahil sa mga narinig ko.
Yung sarili kong kaibigan na pinagkkwentuhan ko ng kilig ko, may gusto din pala sa taong gusto ko.
Hindi ko alam kung paano kosya papakisamahan dahil nasasaktan ako sa ginagawa nya.Biglang tumunog ang cellphone ko
Josh:kumain kana. Anong oras na wag ka puro trabaho. Iloveyou.
Wao?nagawa nya akong sabihan ng iloveyou pero dinya ako nagawang habulin?Tama bayun?napabuntong hininga ako at nag text pabalik
Me:yeah kakatapos lang.I love you too.
Ganto.Ganto ako karupok.
Siguro ganun talaga kahit sabihin mong nakakapagod na pero Kung mahal mo talaga mas matimbang yung pagmamahal mo sa tao tapos nawawala ng parang bula ang galit mo.
Natulog nalamang ako para maibsan ang nararamdam ko kahit papaano dahil bukas paasok pa ako sa trabaho.*Fast forward
*Kinabukasan"Mindy tawag ka ni manager sa office nya."Pag tawag sakin ni Alvin
"Bakit daw?"tanong ko wala naman akong ginawang kapalpakan e.
"Diko alam e basta sabe nya bilisan modaw."paliwanag nya sabay alis na.
Ano naman kaya ang problema nito.
Nag lakad na ako patungo sa office nya.nakasarado ang pinto kaya kumatok muna ako."Sir ako po ito si Mindy"
"Come in"utos nya sa mababang boses
Kaya napag pasyahan ko ng pumasok sa loob.
"Sir pinatawag nyo daw po"sabe ko ng nakatayo nakakahiya naman kung uupo agad ako.
"Yes.umupo ka."utos nito.
Pag kaupo ko tahimik sya at biglang may inabot saakin. isang invitation card. Sa isang party?
Napakunot ang noo ko at itinaas ang card."As you can see invitation card yan sa isang party and kailangan ko ng partner.dahil wala naman akong maaaya na iba,ikaw nalang."paliwanag pa nito na parang medyo naiilang pa.
"Why me? Pwede namang si Jasmine nalang or si.."inisip kopa baka kase magalit sya.
"Si? "Nakakunot ang noong tanong nya.
"May nag aya na kay Jasmine."dugtong nya pa."Ok sige.ano bang party ang meron?
Para makapag hands ako ng susuotin."tanong kopa baka Naman kase mamaya sobrang bongga pala."Susunduin ka ng driver namin at sumama kalang sakanya ako na Ang bahala sayo."Saad nya ng nakatingin na sa mga papel sa table nya.
"Ok po.babalik napo ako sa trabaho."paalam kopa tsaka pumanhik palabas.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Left Behind
Ficção AdolescenteShe is the girl who left behind. Ang babaeng piniling magmahal ng iba kahit ang sarili di na magawang mahalin. Umiyak,kinamuhian ng mga taong minamahal,nadapa at patuloy na bumabangon ng paulit ulit. Ikaw?naranasan mo nabang patayin ang sarili mo sa...