Chapter 4 - Kuya

32 17 0
                                    

Sander's POV

Pinulot ko na din yung bag ko at naka ngiting umalis.

Damn that girl, ngayon lang ako naging makulet. Simula nung nakita ko sya.

Iiling-iling kong sabi gamit utak ko.

Oh, ha? Ano kayo? Hahaha!

Habang naglalakad ako papuntang parking lot may nabangga akong lalaki. Tinitigan ko siyang mabuti. Naka shades siya kaya hindi ko siya nakilala ka agad.

"MARRKKKK? Ikawww ba 'yann?" Halos pasigaw kong tanong sa kanya. Fvck! I missed him. He's my cousin, by the way.

"Uyyy, insannn! Ikaw pala?" Niyakap niya ako.

"Na miss kita, insan" pi-nat ko yung likod niya.

"Ako din, insan. Wahhhh!" Hindi pa rin nagbabago parang bading pa rin hahaha

"Tssss! Badinggg hahahaha kamusta?" Umakbay ako sa kanya

"Hoyyy, hindi ako bading loko! Okay, lang naman. Dito ka ba nag-aaral?" Tanong niya. I just nodded. "Great! Dito din ako. So, ikaw kamusta na?"

"Life's good. Unfair minsan but challenging. Hahaha!" Sabi ko. "San ka puputa? Samahan na kita." Presinta ko.

"Actually, pauwi na sana ako kaso nakalimutan kong itanong kung anong section ako." Kunot noo niyang sabi.

"Ganon, ba? Sige samahan na kita. May dala kang kotse?" Sabi ko.

Nagsimula na kaming mag lakad sa Dean's office.

"Wala, e. Nag commute lang ako, nasira kasi yung kotse ko. Badtrip nga e!" Halanta ang pag ka-irita sa kanyang tono.

"Hahaha! eksakto, i have my car pwede kang sumabay sakin. Pwede din na, dun kanalng din sa condo ko para sabay tayong pumasok" sabay gulo ko sa buhok niya.

"Talaga? Magpapa alam muna ako kay mama. Salamat , insan ah! But if she's not aware, kukuha nalang din ako ng condominium, dun malapit sayo" Niyakap niya ako.

"Aasahan ko yan, ah!"

When we got here, kumatok muna si Mark bago pumasok. Hinintay ko nalang siya sa labas.

After a few minutes, bumukas na ang pinto. Lumabas na si Mark.

"Oh, ano daw section mo?" Tanong ko agad sa kanya.

"Section 1, tol" sagot niya.

"Talaga? YESSS! We're classmates!" Masayang sabi ko sa kanya.

"Weehhhh? Dami bang chickababes dun?" Ngumiti siya nang nakakaloko.

"Yeah, madami but there's a girl who captures all of my attentions. Teka nga, let me remind you boy. Nandito ka para mag-aral haha puro ka kalokohan" pangagaral ko sa kanya. Para ko na rin sya kasing kapatid.

"I know haha! Tell me, who's that lucky one?" Taas kilay niyang tanong.

Tss! Bakla talaga.

"You'll meet her tomorrow, ipakikilala kita sa kanya. But... don't you dare, insann! Hahaha, don't you dare!" Tatawa-tawa kong sabi habang tinuturo-turo sya.

"We'll see." Sinamaan ko sya ng tingin, "easy, bruhh. Di ka naman mabiro haha! I am here to take my princess back to me, cous. Naduwag kasi ako, e." malungkot nyang pagkasabi.

"Drama, hali ka na nga." Inakbayan ko sya at bumalik sa parking lot.

Ally's POV

I'm In Love With That Naughty Boy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon