2 weeks later..
Nagising ako sa kahol ni Jackey. Ang sweet talaga ng baby ko hehe. Niyakap ko si Jackey.
"Good morning Jackey!" Bati ko sa kanya. Dinilaan niya at dinaganan.
"Dahil weekend ngayon, ipapasyal kita!" Sabi ko sabay yakap sa kanya.
Bigla kong naalala ang mag pinsan. Wala talaga silang ginawa sa buhay ko kundi guluhin 'tong isip ko.
Sa bagay magka dugo nga pala. Tsk!
Pagtapos nila akong ihatid n'ong nakaraan, hindi na ako ginulo ni Sander. Si Mark naman palaging naka buntot sakin kahit hindi ko siya pinapansin. Honestly, miss ko na 'yong kakulitan ni Sander. Until now naiisip ko pa din ang mga sinabi niya sakin n'ong nakaraang linggo.
And I realized na may konting feelings padin ako kay Mark. But it doesn't mean na bumalik na rin ang tiwala ko sa kanya. Ang trust kasi parang castle na gawa sa buhangin, na kapag nasira mo mahihirapan ka ng buohin ulit. Hindi pa ako handang kausapin siya.
Sobra kasi akong nasaktan..
Natigilan ako 'nong may tatlong sunod-sunod na katok sa pinto ko.
(Knock... knock... knock)
"Yes?!" Pasigaw na tugon ko.
"Bumaba kana may bisita ka." Sabi ni kuya.
Bisita? Sino naman kaya 'yon.
"Sino daw, po kuya?" Curios kong tanong.
"Bumaba kana nga lang, dami mong tanong."
"May dalaw ka ba, kuya? Oo na, b'baba na po!"
"Dalian mo!" Bossy talaga 'tong kuya ko. Naaawa ako sa mapapangasawa niya.
Narinig kong umalis na siya. Nagsimula na akong mag ayos. Nagbihis lang ako at nagsipilyo. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin.
"Ganda ko talaga," bulong ko sa sarili habang naka-ngiti.
Tinigil ko na ang pag-iilusyon at bumaba na ako. Ang aga-aga naman nitong taong 'to, kung sino man siya. Ano'ng trip neto?
Sino kaya 'to?
Habang pababa ako ng hagdan may naririnig akong nag-uusap. Parang pamilyar ang boses niya. N'ong nakababa na ako, nakita ko 'yong babaeng pinanggalingan ng boses kanina. Naka talikod siya.
"Andito na ako. Sin--," hindi ko natapos dahil humarap siya sakin.
Omg! Si Angelica na ba 'to? Ang ganda na niya, pero MAGANDA parin ako sa kanya.
Kaya pala ang init ng ulo ni kuya kanina. May peste pala sa bahay.
"ALLY!" Tumakbo siya papunta sakin at agad niya 'kong niyakap.
Miss na miss ako ng lukarets. 'Di bale na miss ko din naman siya, e. Miss ko ang plastic na kagaya niya. Niyakap ko din siya pabalik.
Plastikan lang pala, e. Pwes, pagbigyan!
"Oo na, i missed you too!" Sabi ko.
"Parang napipilitan ka lang, Ally, e?!" Nag pout siya. Kahit kailan talaganapaka galing niyang umarte. Pshh!
"Tigilan mo nga ako. Why are you here?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Nginisihan niya ako. Syempre 'di ako papa-awat, noh. Tinaasan kopa ang kilay ko sabay ngisi.
"I'm staying here for good. Dito kasi mag-aaral." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.
"Okay!" Tipid kong sagot 'tsaka tumalikod na sa inis. "Mom, Dad, ipapasyal ko po si Jackey." Sambit ko habang umaakyat sa hagdan.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With That Naughty Boy (On-going)
Teen FictionWhat if....... bumalik si ex? Tapos nahuhulog ka na pala sa pinsan niya. (A/n: this is my firstime. Support nyo po, ako kahit hindi masyadong maganda yung story ko. Pasensya din sa grammatical errors.) Thankyouuuuu guys!❤