"Kaya pala may gano'ng tinginan!" nang-aasar na tinig ni Thenay.
"Paano?" naguguluhang tanong ko, hindi ko ma gets.
Lumapit naman sakin si Sander at umakbay, "Don't mind them, focus ka nalang sa'kin." nagulat ako ng kunin ni kuya ang kamay niyang naka akbay sakin.
Pinanlisikan niya ng mata si Sander, "No. Touching!" asik niya.
Natawa naman ako sa inasta niya, at itong abno na Sander bigla-biglang nagbabago ang mood. Napaka-abnormal talaga! Kanina ang sungit, ngayon ang clingy. He's really a makulet.
"OA naman neto,...parang akbay lang, e." reklamo ni Sander.
"Kung sakalin kita ngayon?...tas, sasabihin kong parang sakal lang, e," panggagaya ni kuya.
"Boys, paki-kuha naman 'yong mga foods sa kotse." utos ko.
Wala naman na silang isang salita, sumunod na lamang sila. Nang maramdaman kong wala na nga sila agad kong nilapitan si Aerah.
"Mahal mo pa ba siya?" tanong ko.
Agad naman siyang pinangiliran ng luha, todo hagod naman si Thenay ng likod niya.
"Hindi ko alam." bulalas niya.
"Mag-usap kaya kayo?" ani Athena, sumang-ayon naman ako sa suhestiyon ni Thenay.
"Natatakot ako..." doon na siya humikbi, niyakap siya namin.
"Bakit? Ano ba ang nangyari?"
"I broke up with him, nang walang rason," panimula niya. "Natakot ako noon... na baka sa huli ay masaktan niya lang ako... napaka-selfish ko!" sabi niya habang umiiyak.
"Kailangan niyong mag-usap, Rah."
"Hindi ko alam ang sasabihin..."
"Gusto mo pa ba?" tanon ko.
Tumango-tango siya, "Pero, paano kung may girlfriend na siya?" binatukan siya ni Thenay, na ikinatawa ko.
"Paano mo malalaman kung...iiyak ka lang diyan?!" angil ni Thenay.
"'Kala ko pa naman, matalino ka..." tatawa-tawang ani ko.
"Akalain mo 'yon... si Aerah Angela Garcia, na pinakamatalino sa klase... may pagkabobo rin, pala?!" nagtinginan kami ni Thenay.
"Bobo sa pag-ibig---"
"Sinong bobo sa pag-ibig?" sabay tanong nilang tatlo.
"Eto, oh!" sabay namin tinuro si Aerah.
"Huh?" -Aerah, sinamaan niya kami ng tingin.
Lumapit si kuya Tian sa kanya, "Umiyak ka ba?" seryosong tanong niya na may halong pag-aalala.
Iling lang ang tanging na isagot ni Aerah. 'Great Pretender'
"Ahh, guys. Tulungan niyo ako mag prepare ng foods para mamaya." masiglang sabi ko.
Tumayo sila at sumunod sa'kin, nakita kong pati si kuya Tian at Aerah ay sumunod rin.
"Bumalik kayo doon, guys," tiningnan nila akong dalawa, "Kuya Tian, please take care of her... she's sick." he looked at Aerah.
"Totoo ba?" tanong nito. Tango lang ang naisagot ni Aerah.
"Sige, na, kami na ang bahala sa pagkain." hinatak ko si Aerah papunta sa'kin, "Pagkakataon mo na 'tong tanongin ang gusto mong tanongin... at sabihin ang gusto mong sabihin... don't waste your time. Go!" bulong ko sa kanya saka ko siya tinalikuran.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With That Naughty Boy (On-going)
Fiksi RemajaWhat if....... bumalik si ex? Tapos nahuhulog ka na pala sa pinsan niya. (A/n: this is my firstime. Support nyo po, ako kahit hindi masyadong maganda yung story ko. Pasensya din sa grammatical errors.) Thankyouuuuu guys!❤