Kinabukasan, late na ako nagising, almost 12 pm narin, actually. Boyfriend ko kasi, e. Nakipag late night talked pa kagabi. Kakapuyat pala mag boyfriend, but...masarap sa pakiramdam kung mayroong nagmamahal at nag-aalaga sa'yo. Baby amp!
I picked up my phone and I checked it, if there's a messages from Sander. Gano'n nalang ang paglaylay ng balikat at pagkadismaya ko nung...wala man lang akong natanggap galing sa kanya. Hindi man lang niya ako binati ng Happy birthday... kahapon lakas makasabi na "nabanggit kasi sakin ni Andy na birthday mo na bukas" nyee, nyee, nyee! Pati sina Mom at Dad, hindi man lang ako pinuntahan sa kwato ko at binati. Tapos si Kuya, si Aerah at si Athena :< huhu! Last birthday ko maaga nila akong ginising at binati, tapos ngayon...kinalimutan na nila! Malaki 'ata kasalanan ko sa mundo, e.
Problema mo sa'kin, Earth? Psh!
Bumangon na ako sa kama at dumeritso sa banyo, humarap sa salamin. "Good morning, Beautiful-----ayy! Afternoon na pala!" bati ko sa sarili kong repleksyon at wala sa sariling naihilamos ang kamay sa mukha. "Happy birthday, self! Ako nalang babati sa'yo kasi mukhang...kinalimutan na nilang birthday mo ngayon. Smile, self." sabi ko at pinilit ang sarili na ngumiti.
Tapos kong magdrama, naligo na ako. Habang naliligo ako, may kumatok sa pinto ko.
"Sandali lang! Sino 'yan?" sigaw ko, ngunit hindi siya sumagot sa halip ay kumatok lang ng kumatok. "Heto na. Nakakainis naman, e! Tinatanong hindi sumasagot...tapos katok ng katok!" reklamo ko.
Tinapos ko na ang pagligo ko, binalot ko muna ng bathrobe ang katawan ko. Basa-basa pa ang buhok ko, hindi ko na napatuyo dahil sa pagmamadali ko. Pagbukas ko ng pinto wala namang tao. Pinagtitripan 'ata ako, e!
Akmang aalis na ako ng biglang tumahol si Jackey dahilan para makita ko ang box sa baba...sa harap ng pinto ko. Ano na namang pakulo 'to? Pinulot ko iyon saka pumasok sa kwarto at sinara ang pinto. Umupo ako sa kama...I saw a letter outside the box. Binuklat ko iyon.
Happy birthday, my princess! Hope you like it. Suotin mo 'yan, ah? See you later. I love you!
Love,
AllesanderAutomatic akong napangiti, abot hanggang tenga.
I love you, too! I replied kahit na wala siya dito.
Nanlaki ang mata ko sa laman nito. Gown? Ang ganda! Purple naman ang kulay ngayon, tube style and yeah! Ball gown siya. Pero paano niya nalaman ang mga paborito kong kulay? Yesterday peach din.
Simula kahapon lang ako namangha sa ganitong klase ng mga suot. Noon halos mandiri ako kapag sinabi ni Mom na magsusuot ako ng mga ganito...ngunit ngayon, halos excited akong suotin 'to.
Pinatuyo ko na ang buhok ko at sinuot na ang gown. I looked at myself in the mirror. I can't believe it. I'm like a princess without a crown. Hala! Wala pala akong susuotin para sa paa ko. Pulos tennis, tsinelas, at flat shoes lang ang meron ako. Nasira na ang heels ko dahil luma na at hindi na ako nagpabili kasi...ngalay lang ang makukuha ko do'n.
Bumalik ako doon sa kama at umupo malapit sa box ng gown. Parang may bumubulong sa'kin na buksan ko ulit 'yong box. Na tempted na ako, binuksan ko ulet ang kahon. Wala sa sariling napangiti. Heels ang laman purple din ang kulay. Naks! May pinagtanongan, ah?
Problem solved!
Sinuot ko na ang heels. Parang sinukat na, coke sakto lang sa'kin.
"Done. Make up at hairdos nalang ang kulang."
Tumungo na ako sa table ko kung saan ako nag ma-make-up. I putted light make-up...na nababagay sa purple gown ko, then plinantsa ko lang ang buhok ko.
No'ng natapos na ako, tinawag ko na si Jackey para lumabas. Nauna na ako't sumunod naman siya. Guess what? Naka purple din siya. May sariling closet din kasi si Jackey ko hehe!
Namilog ang mata ko at umawang ang labi sa pagkamangha sa hagdan namin. The stairs were covered with red carpet with rose petals, tapos may purple balloons na naka kalat sa sahig.
Dahan-dahan akong bumaba sa staircase. Wala namang ka tao-tao. Pinagtri-tripan ba nila ako? Kakainis naman! Sinunod ko lang ang red carpet at ang mga petals. Hanggang saan ba 'to? Plaza? Palengke? Scool? Mall? Aish!
Umabot na ako sa pool namin, napahiinto ako ng makita ko ang mala-prinsesang upuan. May petals of roses din na naka kalat sa gilid ng chair. Namasa ang mata ko no'ng may lalaking lumabas, may bitbit na isang rose...kasama ang pinakamagandang babae sa buhay ko.
"Mom!----Dad!" mangiyak-ngiyak kong tawag.
"Happy birthday, anak!" Bati ni Mommy saka ako niyakap. She looks at me and smiled. "You look stunning, baby!"
"Thank you, Mom!"
"Happy birthday, our princess!" Dad greeted me then he hugged me tight and he kissed my forehead.
"Thanks, Dad!" I replied.
"I love you, both!"
"We love you, too!" niyakap nila ako.
Kumalas na sila sa pagkakayakap sa'kin at binigay na ni Dad ang rose sa'kin. May lumabas na namang couple. Couple na parehong importante sa'kin. Hindi ko na napigilan ang pagluha.
"Happy birthday, Ally!" sabay bati nila Kuya at Athena.
Niyakap ko sila, niyakap din nila ako pabalik, "Thank you, guys!" kumalas na ako.
Nginiti'an ako ni kuya saka pinahiran ang luha sa pisngi ko. "Enjoy your day!" he said then he kissed my forehead.
"Nagseselos ako!" parang batang saad ni Athena, nagpapadyak pa.
"Sira!" hinampas ko siya ng mahina at dahil loka-loka itong best friend ko, kunwari'y napakalakas ng hampas ko para masandalan si kuya.
Natawa naman si kuya, "Halika na nga!" sabi ni kuya, binigyan niya din ako ng rosas saka hinila na paalis si Thenay.
Narinig kong humagikhik ito, "Talaga? Hahalikan mo ko?" iba talaga utak neto. Napailing akong nakangiti.
Lumabas na din sina kuya Tian and Aerah. They both smiling at me. Bagay na bagay talaga sila. Eto na sila sa harap ko, magkahawak-kamay.
"Happy birthday, Allyssandrah maldita, alaskador, walang modo!" nakangisi niyang bati. I glared at him, nag peace sign siya, "Sometimes hehe!" sabi niya pa.
Nagpout ako saka niyakap ko siya, "Thank you, lola Aerah!" pagkasabi ko nun, kinurot niya ang tagiliran ko.
Tumawa ako ng malakas, "Pasalamat ka at araw mo ngayon! Kung hindi...hindi lang kurot ang makukuha mo saken." banta niya, binelatan ko siya.
Hinapit ni kuya Tian ang bewang ni Aerah palapit sa kanya. I've been notice na simula no'ng naging sila ulit ni kuya...hindi na siya nagsusungit, then palangiti na siya...basta hindi na mainitin ang ulo. I'm happy for her.
"Hi, kapatid ni Andy!" natawa naman ako, hanggang ngayon kasi 'kapatid ni Andy' parin ang tawag niya sa'kin.
"Kuya naman, e! May pangalan kaya ako. Hello?" kunwari'y galit kong reklamo.
"Joke lang HAHAHA!" sabi niya saka tumawa ng malakas.
Lakas din ng topak neto!
"Joke pala 'yon? Well, it's not funny." biro ko rin sa kanya, binatukan niya ako. Nagkamot ako ng ulo habang tinitingnan siya ng masama, "Alam niyo? Ang sama niyo!"
Niyakap ako ni kuya, "Happy birthday, Ally!" bati niya. Humarap siya sa'kin para ibigay ang rosas.
"Thank you, Kuya Tiyan!" nakangiti kong sabi.
Pinaharap niya ako sa mala-prinsesang chair kanina, then I saw Sander standing there, holding microphone. Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Hindi luha ng lungkot kundi...luha dahil sa sobrang saya.
____________
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
I'm In Love With That Naughty Boy (On-going)
Dla nastolatkówWhat if....... bumalik si ex? Tapos nahuhulog ka na pala sa pinsan niya. (A/n: this is my firstime. Support nyo po, ako kahit hindi masyadong maganda yung story ko. Pasensya din sa grammatical errors.) Thankyouuuuu guys!❤