Chapter 19 - Officially yours

20 4 0
                                    

Ilang buwan ang lumipas patuloy pa din ang panliligaw ni Sander sa'kin. Araw-araw niyang pinaparamdam na mahalaga at kamahal-mahal ako. Ingget kayo, 'noh? Lagi niya akong hatid at sundo. He always makes me laugh. Kaya lang nalulungkot ako kasi two days left, babalik na si kuya sa States. How I wish, dito nalang siya. Nagkakamabutihan nadin sila ng bruha and I know na nalulungkot din si kuya na iwan si Athena dito. Sina kuya Tian at Aerah naman ay sila na ulet.

"Ally, gising ka na ba?" - kuya.

"Yup!"

"Sander's waiting...downstairs." what? Anong ginagawa niya sa baba?

Dali-dali akong bumangon at inayos ang sarili. Tapos kong ayusin ang sarili ko bumaba na ako. Pagkababa ko nakita kong nag-uusap sila nila mommy't daddy. Natigil ang pag-uusap nila ng makita nila ako.

"Andiyan na pala si Ally." anunsyo ni mom.

Napalingon naman si Sander sa gawi ko at ngumit, awtomatiko akong napangiti.

"Hi.." bati niya.

"Hello...anong meron?" nakangiwing tanong ko.

"Nabanggit kasi ni Andy...na birthday mo na tomorrow." nakangiting aniya.

"Then?" naghihintay ng sagot niya.

"Ally, ganiyan ka ba makipag-usap kay Sander?" suway ni mommy, napakamot ako ng ulo. "Sige, na... we have to go na." she said then she kissed me on my forehead. "Bye, anak!" paalam niya.

"Bye, Mom," paalam ko saka lumapit at yumakap kay dad "Bye, Dad!" paalam ko.

"Bye, Ally!" he said then he kissed me on my forehead.

"Take care!" habol ko.

"We will..." sabay nilang sabi.

Work na naman. Ini-imagine ko ngayon palang ang buhay ko kung babalik na ulit si kuya States. Boring! Walang asaran, pikonan...walang kuya walang kasama.

"Fix yourself...may pupuntahan tayo." sabi niya, naguguluhan man pero sumunod nalang.

"Okay, just wait me here." sabi ko.

"Ano kala mo sa'kin? Maninilip?" tatawa-tawang aniya.

Nginisihan ko siya, "Malay natin, 'diba?"

"Hindi ako gano'ng...lalaki, okay?"

"Okay!" sabi ko saka ko siya tinalikuran.

"Wait.." napalingon ako agad, may inihagis siyang paper bag. Binuksan ko iyon.

Dress? Ngumiwi ako, "Ano 'to?" tanong ko.

"Dress?" patanong na tugon niya.

"I know..." binalik ko ang paper bag sakanya, "But I am not...wearing dresses." sabi ko, animo'y diring-diri. Nakakadiri talaga! Swear.

Pasuotin niyo lang ako ng short shorts, 'wag lang 'to. Iww!

Narinig kong bumuntong hininga siya, "Kahit ngayon lang? Please..." akmang luluhod siya ngunit pinigilan ko.

"What do you think... you are doin'? Huh?" asik ko.

"Hindi mo talaga susuotin?" sabi niya, animo'y parang batang inagawan ng kendi. "Kahit para sa'kin...hindi mo talaga susuotin?" dagdag niya.

Napapikit ako sa inis, "Sige na, sige na!"

"Yes!" sigaw pa niya, "Go na!" sabi niya sabay tulak sa'kin. Aba! Loko 'to, ah?!

I'm In Love With That Naughty Boy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon