Chapter 15 - Ex's sister

23 6 6
                                    

Hindi maipinta ang itsura ni Mark. Hindi siya nakatingin sa'min, focus siya sa kamay namin ni Sander. Ngayon, wala na akong pake..... may pa bawi-bawi pa siyang nalalaman. Kung nalaman ko na sana noong una pa, hindi na ako pumayag sa second chance.... second chance niyang bulok!

"Upo na tayo, love?" tanong ni Sander, pinandilatan ko naman siya ng mata, "What?" tatawa-tawa niyang tanong.

Pinalo ko siya ng mahina, "Anong love?"

"Kasi mahal kita!"  dahil sa sinabi niya naghiyawan ulet ang mga kaklase namin.

'Ayiiiiiiii!'

'Wushuuuuu!'

'Yiiii! Bagay na bagay, oh!'

'Kainggit naman'

'Team AlexSandrah! Yiiiii!'

"Hep, hep! Anong kaguluhan ito? Go back to your seats!" suway ng prof. dahilan upang tumahimik ang lahat.

"We're sorry, Mr. Quimba!" paumanhin naming lahat.

"Apology accepted. Anyways, Good morning!" bati niya.

"Good morning, Mr. Quimba!" bati naming lahat.

Discuss
.
Discuss
.
Discuss
.
Discuss
.
Dismissal

Niyaya namin si Athena na sumama sa tambayan namin tapos namin bumili ng snacks sa cafeteria. Ayaw ko namang mag-isa lang siya, noh? Love ko kaya 'tong mga bessy ko.

Habang naglalakad kami papuntang cafeteria napahinto kami sa nakita namin. Ang mean girls at si Angelica ay binubully ang isang nerd. Biglang umakyat ang kumukulo kong dugo sa ulo ko.

Ayaw ko talaga sa lahat ay ang mga taong na nanapak ng tao! Humanda kayo....

Humakbang ako palapit sa kanila, sinubukan akong pigilan ni Sander ngunit hindi ako nag patinag. Sumunod na lamang sila sa'kin.

"Loser!" ani Beatriz, ang lider ng mean girls.

"Panget!" - Kaye.

"Witch" - Charisse.

"Oh, ano? Bakit hindi ka lumaban?" sabi ni Angelica sabay gulo sa buhok ng nerd, hindi pa nakontento ang walang hiya, kinuha niya pa ang salamin at pinag pasa-pasa sa kasama niya.

Mukhang lider na siya!

Umiiyak na ang nerd hindi pa rin nila tinitigilan. Hindi ko na napigilang ang sarili ko.

"Shaenn, be careful." paalala ni Sander.

"Kaya ko ang sarili ko." sabi ko at dumeritso sa direksyon ng nerd.

Tinulungan ko siyang tumayo. Tumawa naman ang mga pangit. They're looks like clown. Dzuh!

"Oh, her hero, huh?!" ngisi ni Angelica.

"Ibalik niyo ang salamin niya!" kalmadong utos ko.

"Paano kung ayaw ko?" ahh, ayaw?

Humakbang ako palapit sa kanilang apat. Hindi natinag si Angelica, ngunit takot na takot na ang kasama niya. Well, ako lang naman nakalaban nila nung binully nila si Aerah at Athena, kaya naging best friends kaming tatlo.

"T-tara na, Angelica." utal na sabi ni Kaye.

"Bakit? Natatakot kayo dito?" sabi pa ni Angelica habang ngumingisi.

"Ibibigay niyo o ibibigay niyo?" angas na tanong ko, nagtinginan sila maliban kay Angelica, "ANOO?!" sigaw ko sa kanila.

"E-eto na...." sabi ni Beatriz habang inaabot sakin ang salamin.

I'm In Love With That Naughty Boy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon