Umuwi muna kami sa mga bahay namin bago bisitahin si Aerah. Bumili narin kami ng foods kanina bago umuwi. Wala siyang kaalam-alam na pupuntahan siya namin sa bahay nila. For sure magagalit 'yon, she really hates surprises. Ewan ko ba sa babaeng iyon.
Tomboy 'ata, e... joke lang!
May naging boyfriend na'yon. Christian daw ang name pero never pa siya namin nakita. Ano kaya itsura non? Psh!
I am wearing my favorite purple oversized shirt and ripped jeans. Honestly, I hate dresses. Wala lang, di ko alam.
Lumabas na ako sa kwarto para puntahan si kuya. Tinext ko na rin sina mom and dad na pupunta kami sa bahay ng best friend ko kasama si kuya, then they agreed without a doubt.
"Kuya, are you done?" sigaw ko sa harap ng pinto niya.
"You're not excited, aren't you?" may sarcasmo sa pananalita niya.
Imbes na magsalita, tumungo nalamang ako sa sala para hintayin sina Sander at Athena. Binuksan ko muna ang TV at nanood ng Peppa Pig. Ang cute talaga ni Peppa. Eheee!
Mayamaya pa ay tumunog ang doorbell.
"Ya, please open the door." pasigaw na utos ko habang ang paningin ay sa TV.
"WAHHHH--- punyeta ka!" sigaw ko ng gulatin ako ni Athena.
Binato ko sa kanya ang throw pillow. Sapul HAHAHA! Kala niya makakatakas siya sa'kin. Agad akong tumakbo papunta sa kanya 'tsaka siya dinambahan at kiniliti.
"ALLY, STOP!.....HAHAHA! Kapag ako nakawala dito, human--- HAHAHAHA!" hindi siya nakapagsalita ng maayos dahil sa pagkikiliti ko sa kanya.
Umalis na ako sa pagkadamba sa kanya at nagsimulang tumakbo. Hinabol niya ako, iiwas-iwas akong tumakbo. Naramdaman kong bumukas ang pinto ngunit hindi ko pinansin iyon, patuloy akong umiiwas kapag sasalubungin ako ni Athena.
"Hi!" narinig kong sabi nung isang pamilyar na boses dahilan para lingunin iyon.
Napanganga ako sa ngiti nito at dahan-daha ding ngumiti. Shet! Bakit napakagwapo ng nilalang na ito? Eto na naman yong slow motion.
"Hoii!" noon lang bumalik ang wisyo ko, "Ahh, kaya pala....nandiyan pala si Mr. Makulet mo." nang-aasar na tinig ni Athena dahilan para ma siko ko siya.
"H-hi pogi---- este S-sander..." ginagawa mo? Napapikit ako sa kahihiyan.
"Hello! Nakita kong bukas, kaya pumasok na ako hehe." sabi niya pa.
"O-okay lang... upo ka."
"Anong ginagawa niyo?" tatawa-tawang tanong niya.
"Eto kasi, e! Parang kabuteng bigla nalang sumusulpot.....parang ikaw." nakanguso kong dahilan.
Tinawanan niya lang ako. Maya-maya lang ay bumaba na si kuya.
"Let's go?" bungad niya.
"Si Tian....tinext mo na?" ani Sander.
"Yup...he's on his way." bigla namang pumulupot sa braso niya si Athena, "Ano ba?!" asik niya.
"Who's Tian?" I asked.
"Our best friend!" sagot ni Sander, I just nodded.
Tumunog na ang doorbell, dali-daling lumabas si Sander upang tingnan kung si Tian na ba iyon. Mukhang siya na nga.
"He's here...let's go." anyaya ni Sander. Sino ka ba talaga, Tian?
Hindi na kasi pumasok si Tian, hinintay niya nalang kami sa labas.
"Athena, kay kuya ka sasakay." seryoso kong saad. Lumapad na naman ang ngiti ng bruha. "Arat na" sigaw ko, binatukan naman ako ni kuya, napakamot nlng ako ng ulo.
Lumabas na kami. I saw Tian, nakasandal sa kotse niya. Gwapo, ah! Pinasadahan niya ako ng tingin saka ngumiti, ngumiti din ako sa kanya. Ayaw ko naman maging bastos sa kaibigan ng kuya ko.
"Hi, little sister ni Andy!" bati niya sakin.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Do I know you?"
"Hindi mo na ako maalala, huh?" binatukan niya ako. Ilan pa kaya ang makukuha kong batok ngayong araw? Buisett! "So, hindi mo talaga ako naaalala." sabi pa ni Tian.
"Sino ka nga? Bakit kilala mo ako?" Tanga, Ally, Tian nga! Aish!
"Ako ito... si Natoy... na mahal na mahal ka HAHAHAHA!" nagsitawanan silang lahat maliban sa'kin.
"HA HA HA HA! Nakakatawa 'yon?" inis na tanong ko.
"Biro lang," I rolled my eyes. "Sobrang gwapo na ba ni kuya Tian mo....kaya hindi mo na maalala?" sabi niya ng naka akbay sa'kin.
Unti-unting nag process sa utak ko. Siya iyong bestfriend ni kuya noong elementarya pa lang siya. Si kuya Tian, hala! Sobrang gwapo niya na nga ngayon. Hindi ako maka paniwala.
"KYAHHHH! KUYAAA TIANNNNN!" sigaw ko sabay yakap sa kanya, tumawa naman siya. "Na miss kita kuya Tian!" Tian as 'Chan' pero ang pag pronounce ko ng name niya is Tiyan!
"I missed you, too!" hahalikan niya sana ang noo ko kasu hinila ako ni Sander palapit sa kanya. "Selosong....manliligaw." tatawa-tawa niyang ani.
'Buang ni ya!'
"Psh! Whatever." -Sander.
Nagseselos ba siya? Ganda ko naman HAHAHA!
"Let's go!" - Kuya
Inalalayan ako ni Sander papasok sa kotse niya. Nagsimula na siyang magmaneho, naninibago ako dahil hindi niya ako kinikibo. Selos parin siya? Tumikhim ako ngunit hindi niya man lang pinansin iyon.
Hindi ko na napigilan, "May problema ka ba?" tanong ko, umiling lang siya.
Napabuntong hininga nalang ako saka tumingin sa labas ng bintana. Problema nito? Bahala nga siya.
Hanggang sa makararing kami sa bahay nila Aerah ay hindi siya kumibo.
Nagdoorbell si Athena. Nakita namin na bumukas ang pinto. Bumungad samin ang tamad na tingin ni Aerah.
"What the hell are you doing here?" pagsusungit niya. See?
"Masama ba'ng dalawin ng kaibigan namin na....nagsasakit-sakitan?" pagsasarkastika ko sa kanya.
"Bakit ang dami niyo?" hindi talaga nauubusan ng tanong. Napipikon talaga ako dito minsan, e.
"Papasukin mo na kami!" asik ni Athena.
"Sig---"
"Sorry, guys maydinaanan pa kasi ak---" hindi natapos ni kuya Tian ang sasabihin niya nung nakita niya si Aerah, at natigilan din si Aerah.
What's happening?
"Kasama niyo siya?" walang ganang tanong ni Aerah.
"Yeah, are you guys, know each other?" ani Athena.
"Sobra!" sagot ni Aerah habang ang mata kay kuya Tian, "Let's get inside." sabi niya pa at nauna ng pumasok sa loob.
Sumunod naman kami sa loob. Alam kong alam nina kuya ang nagyari kanina. Nagkatinginan kami ni Athena, she gaves me a anong-eksena-iyon-look. Nagkibit balikat ako na ang ibig-sabihin ay hindi ko rin alam.
______________
Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
I'm In Love With That Naughty Boy (On-going)
Genç KurguWhat if....... bumalik si ex? Tapos nahuhulog ka na pala sa pinsan niya. (A/n: this is my firstime. Support nyo po, ako kahit hindi masyadong maganda yung story ko. Pasensya din sa grammatical errors.) Thankyouuuuu guys!❤