I think he is getting attached.
After taking a very satisfying bath, I came out of my comfort room with just a towel around my waist.
"Looking fresh and tasty ah?" Agad na pahayag ni Andrew ng makita niya ako. I just laughed and went to my durabox.
"Sorry, nakalimutan ko magdala ng pampalit sa loob." I said habang kinuha yung nakatupi kong uniform pati na rin underwear sa loob ng maliit kong lalagyan.
"You could've asked for me to get it." He answered. Natapos na niyang ihanda ang mga pagkain niyang dala kaya nakaupo na lang siya sa isang silya sa may sulok ng apartment ko.
"Kaya ko naman." Sabi ko sabay pasok ulit sa banyo.
"Gusto mo lang akong akitin eh." Pahabol niya bago ako tuluyang makapasok sa banyo. Tumawa na lang ako.
It's 7:20 in the morning at kasalukuyan kaming kumakain ni Andrew. Magkaharap kami ngayon dito sa pangdalawahan kong lamesa.
"Masarap ba?" Tanong niya pertaining about the food.
"Oo sobra. Saan mo 'to binili?" It's really good. Dalawang putahe lang naman dinala niya dito, bingaoongan atsaka bicol express. Syempre pati na rin kanin.
"I cooked that. Dumaan muna ko sa resto kanina para saglit lutuin yan." Wow, A for effort. Pero hindi ko alam magaling pala siya magluto. Atsaka ang aga niya 'tong niluto just for me? Nag-abala pa talagang siyang gumising ng maaga. Napangiti nalang ako sa thoughtful gestures niya.
"I didn't know magaling ka magluto?" Nagtataka kong tanong. Baka mahalata niyang kinilig ako.
"Bonding kasi namin ng dad ko yun dati. You know, he's preparing me daw para sa business nga namin." I see sadness in his eyes while saying those words.
"Kaya ayon, napilitan akong magluto." Pabiro niyang sabi, changing his mood.
"Well, ako naman ang pinakawalang kwenta pagdating sa kusina." I said opening up an aspect of my life to him
"Talaga? I can teach you." He enthusiastically replied.
"Parang wala na talagang pag-asa." Sabi ko sabay tawa. Nagpatuloy na kami sa pagkain habang nagkukuwentuhan ng kung ano-ano.
●○●○●○
It's already 8:15 A.M. na ng makarating kami sa restaurant. Sabay na kami ni Andrew sa pagpunta dito, syempre dito rin naman siya nagtatrabaho.
Mabuti na lang at may kalayuan ang parking space sa entrance ng restaurant. Baka machismis pag nakita kaming magkasabay na bumaba ng sasakyan. At sasakyan pa ng isa sa mga boss ko.
"Good morning Jasmine." Bati ko kay Jasmine na nasa kahera ng restaurant. Tumaas ang kilay niya at tunignan ako ng nakakaloko.
"Saan ka galing kagabi ha?" Tanong niya na may halong pang-aalaska.
"Sa apartment." Sagot ko naman habang sinusuot ang apron ko. Maliban kasi sa slacks, black 3/4 shirt na may logo ng restaurant, ay kailangan din naman magsuot ng maroon nga apron, kasama sa uniform namin.
"Talaga lang ha? Sabi ng receptionist ng condo ni Andrew magkasama daw kayong pumasok at lumabas ng condo niya. Are you dating my brother?" Nanliit ang mata niya at tinuro ako. Nagulat ako ng kaunti sa sinabi niya. Shit, magagalit ba siya sa akin?
Magsasalita na sana ako ng biglang may nagsalit sa likuran ko.
"Hey Jaz, quit it." Sabay kaming napatingin kay Andrew.
"Ito naman, iiyak na sana siya eh." Biglang tawa ni Jasmine. She obviusly know. I mean hello, staff at crew nga dito alam na gusto ako ni Sir Andrew, siya pa na kapatid.
BINABASA MO ANG
June
Любовные романыThis story is a take on reality where a lot of LGBTQIA+ members share a common experience. And it is not only about sexcapades and all the good things etched on it, but it also touches the nitty-gritty aspect of a lot of people struggles in our comm...