He is definitely getting attached.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa apartment ko. Nilapag ko sa lamesa ang paper bag na binigay ni Andrew sa akin.
"Mamaya ko na lang 'to kakainin." Sabi ko sa sarili ako at saglit na hinubad ang aling mga damit ay dumiretso sa banyo.
After several minutes ay natapos na rin akong maligo. I immediately slipped into something presentable para mamaya sa pupuntahan kong job hiring. Simple lang ang sinuot ko, fitted polo shirt na kulay baby blue at fitted na maong. Lumabas na ako at dumiretso sa katapat na computer shop para saglit na magpa-print ng resumé.
Hindi naglaon ay nakarating na rin ako sa lugar kung saan yung bar na pag-aapplyan ko. Alas-singko-y-medya pa lang ng hapon kaya't sarado pa ang bar.
Nagtanong ako sa naka-tokang sekyu sa may gilid ng bar kung saan yung office ng may-ari para sa job interview. Agad naman niya akong sinamahan sa loob at 'di nagtagal ay nakarating na rin kami sa office ng may-ari nitong bar.
"Thank you po." Pasasalamat ko sa guard na saka namang lumabas.
Kinatok ko ang pinto ng naturang office.
"Come in." Sambit ng boses sa likod ng pinto.
Pumasok ako and I saw a medium-built man in his late 30s.
"Good day po. Hiring daw po kayo ng waiter?" Sambit ko pagkatapos maisara ang pinto.
"Ah yes. Halika upo ka." Pag-aya niya sa akin. Agad naman akong umupo sa kaharap niyang silya. Kinuha niya ang dala-dala kobg resume saka ito binasa. Maya-maya lang ay nagsalita siya.
"You're lucky kasi isa na lang yung available position. Mabuti na lang you came on time. You're hired." Napangiti naman ako sa narinig ko. Buti na lang natanggap ako.
"You can start mamaya. 9 P.M. ang bukas ng bar, so you should be here 30 minutes before." Dagdag niya pa. Magsisimula na pala ako kaagad. I thought tomorrow pa.
"Okay po sir. Maraming salamat po." Lumabas na ako ng office, pero bago yun binigay niya muna sa akin ang isang black na polo shirt para sa aking uniform.
Alas otso na nga gabi ng umalis ako ng aking Apartment. Pumara ako ng jeep sa sa unahang kanto at binaybay ang daan patungo sa aking bagong trabaho.
Buti na lang talaga at natanggap ako. Makakapag-ipon na ako ng malaki-laki kahit pang dalawang sem sa school. Gagawan ko na lang ulit ng paraan kung paano tutustusan yung natirang kong taon sa kolehiyo.
Hindi naglaon ay nakababa na rin ako ng jeep. Saktong 8:15 ng gabi ako nakarating sa bago kong trabaho.
Pumasok na ako ng club at dumiretso sa may waiting area para sa mga crew. May dalawang lalaki ang nadatnan ko dun. Pareho kami ng suot na damit kaya I'm sure mga waiters din sila dito.
Umupo lang ako sa gilid at kinalikot ang phone ko.
"Pre, kumusta. Ian pala. Bago ka rito no?" Bati sa akin nung matangkad na lalaki.
"Johnson. Oo, kakatanggap ko lang kanina." Sagot ko sabay abot ng kamay niya. Ang friendly naman niya.
"Greg. Bago lang din ako dito. Wala pang isang linggo." Sabat naman nung isa pang lalaki na medyo may pagka-chubby.
Lumabas ako ng waiting area at tinignan ang kabuuan ng club. Ang laki pala neto. Sa gitna ay may dance floor na pinapaligiran ng mga booth at tables. Sa harap naman ay may stage para sa mga DJ at banda. While on the right side of the stage ay naroon ang bar kung saan pwedeng bumili ng drinks.
Mukhang mamahalin yung club kasi may entrance fee. Hindi din pipitsugin ang mga alak sa bar. Idagdag mo pa na malapit to sa isa sa premier school sa pilipinas. Kaya't madami talagang mga mayayamang lumalagi dito.
Hindi nagtagal ay nagbukas na din ang bar. Hindi pa masyado madaming tao pero sabi sa akin ni Ian punuan daw ngayon kasi sabado. Kaya ihanda ko daw sarili ko para hindi ako ma-overwhelm sa trabaho.
Sa kabuuan, walo kamong waiters sa club. Kami yung nagdadala ng mga alak sa mga customer, pati na rin pulutan at kung ano pang gusto nilang bilhin.
"Johnson, table 12 itong dalawang bucket." Utos sa akin ng lalaki sa bar. Dinala ko ang dalawang bucket ng redhorse sa table malapit sa sulok ng bar. Wala pa masyadong ginagawa dahil kakaunti pa lang ang tao kung kaya't panay lang ang usapan naming mga waiter.
Quarter to 12 ay dumami na ang customer. Halos mapuno na ang mga booth at halos occupied na lahat ng tables. Marami-rami na rin ang nag sasayawan sa dance floor. Hindi na rin magkamayaw sa pag kuha ng orders kaming mga waiters. Andami pang mga babaeng matataray kaya kailangan talagang mag pasensya.
Maya-maya ay may pumasok ng grupo ng kalalakihan sa bar. Ang sabi sa akin ay VIP daw sila dito sa club kaya't may sarili silang booth.Ako lang ang available na waiter kaya ako na ang kumuha ng order nila. Inabot ko sa bar counter yung menu at mabilis na tinungi yung booth nila.
"Hi sir, ano po order nila?" Sabi ko sabay abot ng menu. Hindi ko masyado maaninag ang mga mukha nila dahil sa likot ng mga ilaw dito sa loob.
Matapos makuha ang order nila ay dumiretso na ako sa counter at binigay ang kanilang order. Nagpaalam ako at sinabing magbabanyo lang. Nagmadali akong pumasok ng banyo at nagmadaling umihi. Kahit dito sa banyo ay rinig na rinig pa din ang tugtog galing sa labas. Agad kong inayos ang aking zipper at lumabas ng banyo.
"Johnson! I know it's you!" Nabigla ako ng may tumawag sa akin. I immediately recognized his face. Ang liit nga talaga ng mundo.
Si Carl.
BINABASA MO ANG
June
RomanceThis story is a take on reality where a lot of LGBTQIA+ members share a common experience. And it is not only about sexcapades and all the good things etched on it, but it also touches the nitty-gritty aspect of a lot of people struggles in our comm...