Ang bilis ng tibok ng puso ko.
After I gathered my thoughts together, tinungo ko kaagad ang banyo para maglinis ng katawan. May pasok pa ako bukas kaya't minadali ko nang mag gayak para makatulog na.
After doing all my night time regimen, agad na akong humiga sa aking kama. Chineck ko muna ang phone ko baka sakaling meroong nag-text. I did receive 2 texts from 2 different person. Isa galing kay Carl at isa naman ay kay Andrew.
"How was your day? I'm sorry I didn't get to personally give you the food kanina. I need to fix something eh." I read the text from Andrew.
"Matulog ka na, 'wag mo na ako isipin bukas nalang ulit." Ito namang ang text galing kay Carl. Douce talaga.
I never bothered texting back to both of them, nilagay ko na lang ang phone ko sa gilid ng kama at pinikit ang aking mga mata.
●○●○●○
Flashback
"Hoy, nasan ka?" Text sa akin ni Carl. Kakatapos lang ng shift ko sa resto kaya ngayon ko lang nabasa ang text niya.
Hindi ko muna siya nireplyan at inabala muna ang aking sarili para makauwi sa apartment ko. This day is exhausting, andaming customer. May nag-iskandalo pa kanina. Buti na lang at makakapaghinga na ako.
After several minutes I arrived sa bahay. I set aside my things and quickly washed my body sa banyo. I was about to grab my phone when it rang. Si Carl. Impatient talaga ang mokong.
"Hello!" Pagsagot ko sa tawag.
"Bakit hindi ka.nag-reply?" Bungad niya sa akin.
"Pauwi kasi ako. Bakit ba?" May pagka-iritado kong sabi sa kanya. He knows I'm working pero hindi ko sinabi sa kanya kung saan.
"Nood tayo sine." Eventhough sa phone lang kami nag-uusap, mararamdaman mo pa din ang maloko niyang way of speaking.
"I just got off from work. I need to rest." Sagot ko naman sa kanya.
"Please. Libre naman kita eh. Please. Please. Please." Parang bata niyang sabi.
"Fine. Saan ba?" Tanong ko.
"Doon pa din sa nakaraan. Antayin na lang kita sa cinema. Bye!" Sasagot pa sana ako ng bigla niyang pinatay ang tawag. Mokong talaga.
Dahil matagal-tagal na rin naman akong hindi nakakapag-sine, ay sumama na ako. At sa sitwasyon ko ngayon, na every centavo counts, baka mas matagal pa akong hindi makapanuod ng sine. Libre naman niya eh. And he's asking for my company. Bahala siya.
Nagbihis na ako at dumiretso sa mall kung saan kami nagkita noong nakaraan. Paakyat na ako ng escalator ng may tumawag sa phone ko.
"San ka na?" Barumbado nitong tanong.
"Almost there. Mag-antay ka. Ikaw 'tong nag-aya sa akin eh." Sagot ko sabay patay ng tawag. Napakamainipin.
Hindi nagtagal ay nasa top floor na ako ng mall kung saan situated ang cinema. Nakita ko na kaagad siya malayo pa man din ako. Nakapamulsa siya sa baby blue niyang maong. He looked really good sa suot niyang muscle T-shirt na kulay maroon. He spotted me at naglakad palapit sa akin.
"Ba't lumapit ka pa? Pupunta naman ako dun." Sabi ko. Amoy na amoy ko ang pabango niyang panglalaki.
"Wala lang. Masama ba?" He replied. Sabay kaming naglakad patungo sa bilihan ng ticket. He paid for everything. Sabi ko sa kanya 'wag na siya bumili ng snacks dahil masyado na malaki ang gagastusin niya pero makulit si gago. Madami naman daw siyang pera. Kaya nag-paubaya na lang ako.
"Hawakan 'mo to." Binigay niya sakin ang isang bucket ng popcorn saka kinuha ang dalawang drinks sa counter.
Pumasok na kami sa sinehan at hinanap ang designated naming upuan. Si mokong ay piniling sa bandang taas maupo. Dahil mas kita daw at mas komportable, kaya sumunod nalang din ako.
The movie started playing at pareho lang kaming nakatingin sa dambuhalang screen. Love story ang pinapalabas na pelikula. Hindi ko alam kung bakit ito yung napili niyang panuorin. Ang layo sa character niya.
Habang patuloy kaming nanunuod, namalayan ko na lang ang mga kamay niyang biglang umakbay sa akin. Tinignan ko siya pero sa monitor lang siya nakatitig. Pinabayaan ko na lang. Maya-maya pa ay bigla siyang nagsalita.
"Ang galing ni Kathryn no?" Sabi niya. Nasa parte na kasi ng movie na nag-iiyakan si Kathryn at Daniel sa ilalim ng ulan. Tumango lang ako bilang pag sang-ayon sa sinabi niya.
There are times na nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig lang siya sa akin. Pag titingin naman ako sa kanya bigla niyang ibabalik ang tingin niya sa screen.
May mga oras din na bigla hihigpit ang pagka-akbay niya sa akin.
"Hoy." Bigla niyang sabi. Nagulat naman ako. Parang baliw.
"Bakit?" Sagot ko naman.
"'Di ba sabi mo kanina pagod ka sa work?" Tanong niya.
"Oo, kaso dinarag mo ako dito." Sagot ko naman. Pero syempre biro lang yun.
"Sandal ka sa akin." He muttered.
"Ha?" Taka kong tanong.
"Sandal ka sa akin. Bingi ka ba?" Sagot niya naman.
"Hindi. Okay lang ako." Pagtanggi ko. Nakakahiya, mukha kaming mag-syota pag ganoon. Saka hindi ba siya nahihiya?
"Sige na. Ang kulit naman nito." Pagpupumilit niya saka niya hinawakan ang ulo ko at idinantay sa balikat niya. I felt my heart skipped a beat. Rinig na rinig ko din ang tibok ng puso niya. Anong nangyayari sa aming dalawa?
"Ayan." Sabi niya sabay ngiti. Amoy na amoy ko tuloy yung pabango niya.
Nanatili lamang kami sa ganoong posisyon hanggang sa matapos ang pelikula. Nagsimula ng maglabasan ang mga tao sa loob ng sinehan pero nakaupo pa rin kaming dalawa. Tatayo na sana ako ng bigla niya ako pinigilan.
"Mamaya na, madami pang tao. Paunahin muna natin sila." Sabi niya.
Hindi na ako pumalag at inantay muna naming makalabas ang nakakarami. Nung kaunti na lang ang tao ay tumayo na ako.
"Tara na." Pag-aya ko sa kanya. Kinuha ko ang mga pinag-inuman naming mga bote pati na rin ang lagayan ng popcorn. Ngunit si mokong ay nakaupo pa rin.
"Ano na? Wala kang balak umuwi?" Tanong ko sa kanya.
Hindi sumagot si gago at nanatili lang nakaupo.
"Bahala ka iiwan kita dito." Lalakad na sana ako ng bigla niyang hinila ang braso ko, na naging dahilan para bumagsak ako sa katawan niya.
●○●○●○
~Kring kring, kring kring~
Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Napanaginipan ko yung nangyari sa amin ni Carl. Ang weird, siguro dahil nagkita ulit kami kaya na recall ng utak ko yung past memory ko sa kanya.
Hindi ko na lang pinansin at chineck ko ang oras at 7:12 na ng umaga. Apat na oras lang ang tulog ko. Babawi na lang ako mamaya pagkatapos ng shift ko sa restaurant. Meron pa naman akong apat na oras bago ang shift ko sa club.
Bumangon ako at pumunta sa banyo dala-dala ang tuwalya ko. Pagkatapos maligo ay lumabas na ako mg banyo at naghalungkat ng susuotin kong damit. Habang naghahanap ng masusuot ay biglang may kumatok sa pinto ng apartment ko. Nagsuot muna ako ng pants bago tinungo ang pinto.
Binuksan ko ang pinto at bumulaga sa akin ang mukha ni Carl.
"Good morning!"
Is he gonna be a part of my life again?
BINABASA MO ANG
June
RomanceThis story is a take on reality where a lot of LGBTQIA+ members share a common experience. And it is not only about sexcapades and all the good things etched on it, but it also touches the nitty-gritty aspect of a lot of people struggles in our comm...