"Teka!" Nilingon ko siya. I just found out na naka uniform pala siya. Nag aaral siya sa isa sa university malapit dito. I can tell by the color of his pants. It's dark green. Though wala akong nakikitang bag na dala niya. And he has a cigarette between his middle and index finger.
He approached me. "Sorry. Di din ako nakatingin sa dinadaanan ko. Nalukot pa yung dala mong papel." Ngayon ko lang napansin na nalukot nga.
"No, it's okay."
"No it's not. Let's sip some coffee para makabawi ako sayo." Tatanggi pa sana ako when he dragged me to the nearest coffee shop.
"Carl pala." He offered his hands habang naka-upo kami at magkaharap dito sa loob ng cafe. I haven't been here for a while.
"Johnson." I shook his hands and smiled.
We talked for a bit and then I decided to go. I still have to mend this crumpled papers with me.
"I'm sorry but di na talaga ako pwede tumambay, I gotta go. Aayusin ko pa tong papers sa bahay." Sabi ko at akmang tatayo na sana.
"Oh okay. Let me take you there." What? He is going this far kahit kakakilala lang namin? Malay niya bang serial killer pala ako.
"No. No need. Thank you sa kape." I was going to head out from the coffee when he held my arm.
"Let me have your number at least?" Napaikot mata ko sa loob loob ko. I gave him my digits and left the said establishment. Aaminin ko. It is my first time. And there is a good feeling inside na na nabubuo. A good thought on my head, with Carl in it. I shook my head as I was walking down the paved sidewalk.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko ng marinig na may nag text dito.
"Hey, it's Carl. Nice meeting you. Hope this is not the last. 😘" Tsk. Fboi. Pero it left a smile on my face.
"Hoy. Johnson. Hoy!" Nagising ako sa pagiisip ng naramdaman kong niyuyogyog na ako.
"Bakit?" Tanong ko kay Clint. Ka work ko.
"Anong bakit? Nakatulala ka na naman. Ang dami natin customers oh. Andaming table na di pa nakukuha ang mga orders. Bilisan mo jan. Anjan pa naman si Sir Andrew. Papagalitan ka nun." Tsk. Nag space out na naman ako. Lumakad na ako papunta sa table na about to order na.
"Hello Sir, good afternoon. May I take your orders?" Tanong ko sa table no. 12.
Once nakuha ko na yung order ay dumiretso na ako sa kusina para sabihin sa chef yung order. Palabas na ako ng nakasalubong ko si Sir Andrew.
"Good afternoon Sir Andrew." Bati ko sa kanya. Gwapo talaga to si Sir. Ang tikas ng tindig, ang ganda ng hubog ng katawan. Pati lakad nakakapanindig balahibo.
"Hi Johnson. Looking good ah?" Sabi niya while flashing a smile. Ang puputi ng mga ngipin niya, pantay na pantay. Ang ganda ng ngiti, samahan mo pa ng isang pares ng dimples.
"Thank you, Sir. Kayo din po." I muttered at aakma na sanang dumeretso para lumabas na ng tuluyan sa kusina.
"Ah wait, Johnson." Sabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Bakit po, Sir?" Sabi ko while looking at him.
"Ah." Sabi niya sabay tawa, na may kasamang paghawak sa batok. Parang nahihiya siya sa susunod niyang sasabihin.
"Ah, can I invite you later for dinner, after your shift?" He said sabay pakawala ng awkward na ngiti. Wow! This is new, I know he likes me. Pero never siyang nagka-lakas ng loob na ayain ako, heck, even talking to me hindi niya ginagawa. Going out with your boss is of course a bit awkward. And eventhough ang gwapo ni Sir, I never liked him that way. Gawa na rin siguro na nagtatrabaho ako sa kapatid niya at sa kanya. It's not a good look you know? Pero why not hindi ba? Why not try going out with him?
Magsasalita na sana siya ng makita niyang hindi ako sumasagot. But I cut him off.
"Sure Sir." I replied then gave him a smile.
"Ayun. Nice." Sabi niya with a laugh of relief. He's as if about to jump. Gano'n ba niya ako ka gusto?
"I'll pick you up later. Ah, by the way, cab I get your number? Para ma text na lang kita later?" He timidly said. He's quite cure when he's shy.
"Sige po." I answered sabay bigay ng number ko.
I went back to my apartment na after I finished my shift. Naligo ako at nag-ayos dahil lalabas nga kami ni Sir Andrew mamaya. I don't know. I don't feel anything. Maybe because I only see him as a boss. Nothing more.
Ting!
Naputol ang aking malalim nag pag-iisip ng biglang tumunog ang aking phone. Si Sir Andrew nag text na. He's outside na. I gave the location of my apartment right before I walked out of the restaurant. So I went outside na after kung mag spray ng paborito kong pabango. Paglabas ko nakita ko kaagad ang nakaparadang puting SUV ni Sir Andrew. Alam kong ito yun dahil nakikita ko itong nakaparada araw-araw sa labas ng resto.
Bumaba siya mula sa driver's seat at lumapit sa akin. He looked dashing, exicted. Malaki ang mga ngiti siyang nagsalita.
"Good evening. You look amazing. Are you ready?" He asked passionately. If ever ma ma-inlove ako dito, hindi kaya ako masasaktan? Napapaisip din ako why not siya na lang? He likes me. He can help me through this life na niluluwa at sinusuka ako. Pero hindi ako ganun, hindi ako opurtunista. Gusto ko patunayan sa mga parents ko na kaya ko, kaya ko kahit wala sila.
"Yes Sir." He immediately cut me off.
"Come on Johnson, you don't have to call me Sir anymore. Wala na tayo sa resto. Andrew can do." I can actually feel he's loosening up. Hindi na siya nahihiya and he is seemingly extra energetic.
"Pasensiya na Si-, I mean Andrew. Hindi lang kasi ako sanay. Let's go." Pag-aya ko sa kanya. We walked towards the car. He opened the door for me. Nahiya naman ako ng kaunti, parang babae lang. Nasa passenger's seat kaming dalawa. He even insisted on putting on my seat belt. Dahil doon, napagmasdan ko ng mabuti yung mukha niya. Ang ganda din ng mga mata ni Andrew. Mapupungay, nangungusap at kumikislap. Ang makapal niyang kilay at matangos niyang ilong ay bagay na bagay sa prominente niyang mga panga. Ang mga labi niyang kay pula at mamasa-masa. Agad akong lumingon sa bintana. Masayadong malapit ang mga mukha namin.
"Salamat." I timidly smiled after matapos siya sa pag ayos ng seat belt ko.
He started the car and started driving. Minaobra niya ang manibela para palikuin ang sasakyan palabas sa masikip na kalsada kung saan ang aking apartment.
"I already booked us a place. I hope you like it there. By the way, ano ba mga pagkain ang paborito mo?" Tanong niya sabay tingin sa aki at balik sa daan.
"Filipino food is my favorite. Lutong bahay. My mom loves to cook for us before. Pero pinakagusto ko ay Menudo. I know, cliché." Sabi ko sabay tawa.
"No, no." Pagtawa din niya. "It's not. As a matter of fact, Menudo din paborito ko. Wow! Meant to be pala tayo." Dagdag niya pa. After a couple of minutes at small talk, nakarating na din kami sa sinasabi niyang restaurant. We both got out of the car and headed to the entrance door. Sinalubong kami ng waiter at tinanong if mayroon ba kaming reservation. Andrew said yes and the man guided us sa table namin. It's a nice place. Maganda ang ambiance, very romantic. The place is decorated with different french decors. The lights are a bit dimmer that gives off a fancy feeling.
Uupo na sana ako when I accidentally glanced over the next table sa harap namin. It's my mom.

BINABASA MO ANG
June
RomansaThis story is a take on reality where a lot of LGBTQIA+ members share a common experience. And it is not only about sexcapades and all the good things etched on it, but it also touches the nitty-gritty aspect of a lot of people struggles in our comm...