9

12 1 1
                                    

Si Carl.

"Uy, hi." Bati ko sa kanya. Nahihiya ako. Bakit ako nahihiya?

"Hindi mo ako napansin kanina dun sa booth? Kami yung last mong kinuhanan ng order bago ka magbanyo. I noticed that it was you kaya sumunod ako dito." So VIP sila dito. What a coincidence. He speaks as if nothing happened between us.

"Ay sorry. Medyo madilim kasi eh." Hingi ko ng paumanhin.

"I need to go. Madami ng customer eh. Enjoy!" Aalis na sana ako ng pinigilan niya ako.

"Wait. Why are you not answering my texts?" Kaka-hire ko lang kanina at baka last day ko na din to.

"Nawala yung dati kong phone kaya napilitan akong magpalit ng number." I explained. That day was awful, napilitan tuloy akong bumili ng bagong phone, nabawasan pa ang ipon ko.

"I see. Can I get your new digits now?" Bakit ba sobrang interesado 'tong lalaking ito sa akin?

"Sige, pero mamaya na, baka matanggal pa ako sa trabaho eh pag nakitang kausap ko isang customer." Pumayag naman siya at umalis na ako.

"Johnson. VIP table number 3 ito oh." I picked up the orders atsaka dinala sa customers. Table nila Carl.

He's looking at me while putting down there orders. Kasama niya ata mga barkada niya sa university. Nahihiya ako at hindi mapakali.

Umalis ako sa booth nila ng walang imik. Buti na lang hindi niya ako pinansin. Hanggang 2 A.M. lang ang shift ko dito dahil part-time lang naman. Mabuti at mabait ang boss at pinayagan akong mag part-time nung malaman niyang working student ako.

Kaya after 5 hours sa loob ng bar ay tapos na ang shift ko. Pumunta na ako sa locker area at kinuha ang bag ko. Nagpaalam na ako sa mga kasama ko pati na rin sa boss ko. Paglabas ko ng bar ay may tumawag sa akin.

Nilingon ko kung saan galing yung boses at nakita ko si Carl while leaning on his car at may hawak na yosi. Mayaman pala to. Nahihiya man ay lumapit ako, rude naman kung basta-basta na lang akong aalis.

"Going home ka na?" Tanong niya sa akin sabay tapon ng upos na yosi. Ayoko talaga sa amoy ng yosi.

"Oo." Coincidence lang bang naabutan ko siyang nagyoyosi dito sa labas? Eh meron namang smoking area sa loob ng club.

"Pwede ko na ba kunin ang number mo?" Naalala niya pa iyon? Inabot niya sa akin ang phone niya at nilagay ko naman ang phone number ko. Hindi ko nga ba alam kung bakit binigay ko pa sa kanya cellphone number ko.

"Nice. Sumakay ka na." Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Ano?" Taka kong tanong.

"I said sumakay ka na sa kotse. Ihahatid na kita." Seryoso ba siya?

"Hindi na, okay lang. Kaya ko naman. Saka nakainom ka na oh." Baka mapahamak pa kami.

"No I'm not. Hindi ako masyado nag-inom sa loob because I was planning to do this." He paused and looked at me.

"Amuyin mo pa hininga ko." Lumapit siya sa akin at biglang huminga sa mukha ko. Napaatras naman ako ng kaunti. Amoy alak pa rin.

"Amoy alak." Sabi ko.

"Wala ka bang tiwala sa akin. Hindi kita titigilan hangga't hindi ka pumapayag na ihatid ko." He actually does not sound and look drunk. Ayoko lang talaga magpahatid nakakahiya.

"Okay nga lang ako. Bumalik ka na sa mga kaibigan mo." Sabi ko sa kanya.

"Alam mo bang Tito ko ang may-ari ng club na yan? Isusumbong kita pag hindi ka sumama." Kinabahan ako bigla. Shit, kaya pala pamilyar sa akin ang apelyido ng may-ari nitong club.

JuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon