LUMAPAG ANG EROPLANO at saktong nagising ako. Inunat ko ang aking mga braso at napahikab. Sumilip ako sa bintana at muli kong nakita ang kakaibang hugis ng isla ng Siargao. Narito sa lugar kung saan ko naranasang umiyak nang mahabang oras hanggang sa makatulog ako. Narito ulit ako sa lugar kung saan ginising ako ng tadhana na mahirap talagang siguraduhing puro saya ang buhay.
Siargao, a tear-shape island located in Surigao del Norte, is the place where I found myself crying under the beauty of the night sky because of him. This is the island where I felt the greatest heartbreak that I had. Hindi naging maganda ang karanasan ko sa islang ito.
The deep blue free water bids me a welcome as soon as I landed my feet on the shore of Dapa. The sultry winds of the island caress my nearly tanned skin. The fine sand of the beach drowns my toes as I walk my way to the transport terminal. The summer just begun but it feels like solstice is coming. This is a very different vacation that I ever had. Though I haven't had my vacation since I entered AWPH.
I slowly removed my sunglasses then suddenly, a camera flashed. Bigla akong napahanap sa paligid.
"Still gorgeous as always." I heard her familiar boyish voice from my left. Tumingin ako ng tuluyan sa kinaroroonan niya. Doon ko nakita ang isang astiging dalaga na nakasuot ng jumper suit na kinapapalooban ng t-shirt na may print na gitara. Kulay abo ang dulo ng buhok niya na bumabagay sa abuhin niya ring mga mata. Sa kaniyang leeg ay nakasabit ang kaniyang camera.
"Irizst!" Inilang hakbang ko ang distansya sa pagitan namin at saka binigyan siya ng mahigpit na yakap. "Oh God, I miss you so much!"
Sinagot niya ako ng mahigpit ding yakap habang hawak niya sa kanang kamay ang kaniyang camera. "Rosella, I miss you, too."
Dahan-dahan kaming nagbitaw at saka niya ako inakbayan. Kalaunan ay naglakad kaming dalawa at naghati sa pagdadala ng mga gamit ko. Nilakad namin ang daan patungo sa pila ng mga traysikel.
Dinarama ko ang ihip ng hangin na yumayakap sa akin at nagbibigay init sa nilalamig kong puso. Pinipilit kong painitin ang puso ko pero hindi rin pala ito sapat. Sa bawat pagyapak ng aking mga paa papalapit sa dating tirahan namin, higit pa akong nilalamig. Alaala ng kahapon ang bumabalot sa nagyeyelo kong puso.
Inobserbahan ko ang kahabaan ng dalampasigan ng isla. "Marami na rin palang resort dito," ani ko sa kaniya nang makasakay na kaming dalawa. Nasa kabilang panig kami ng Siargao na hindi gaanong matao.
"Abueva, Montellano, Fetalver, Pimentel, Buenaflor, De Villenas, karamihan sa kanila, may chains of hotels and restaurants din sa ibang isla," aniya.
Napakamot ako sa aking tainga na parang may narinig akong hindi kaaya-aya. "Pakiulit nga ang sinabi mo."
Tinignan ako ni Irizst habanv maluwag kaming nakakaupo sa loob ng traysikel. "Abueva, Montellano, Fe-"
Napakunot ang noo ko. "Hindi iyan, iyong huling sinabi mo."
"May chains of hotels and restaurants din sa ibang isla."
Hindi ako naiinitindihan ni Irizst. Hindi ko rin naintidihan ang mga huli niyang sinabi dahil para bang nabingi ako bigla.
"Ulitin mo na lang lahat ng sinabi mo," ani ko sa kaniya.
Napakamot siya sa noo. "Ang dami-daming apelyidong binanggit ko," reklamo niya.
"Irizst please, ulitin mo lang kahit ang huling mga apelyidong sinabi mo," pakiusap ko sa kaniya.
"Abueva, Montellano, Fetalver, Pimentel-".
Habang binabagtas namin ang daan patungo sa mismong harap ng hotel, dinadala ng hangin ang aking kulot-kulot na buhok. Hindi ko na napakinggan si Irizst nang biglang napako ang tingin ko sa isang lalaking may hawak na surfing board at naglalakad patungo sa pier. Wala siyang damit na pang-itaas at tila ba kaaahon lang sa dagat dahil sa basa niyang katawan.
BINABASA MO ANG
The Lost Chapters: Romancing the Tragedian
RomanceWATTYS 2021 SHORTLIST Masaya pa bang magmahal kung sampung taon na ang lumipas at kumupas na rin ang mga pangako sa isa't isa? Madali pa bang magpatawad kung isang dekada na ang nakaraan at tanging poot at lungkot na lang ang nabuo sa puso sa halip...