Chapter 5

41 15 0
                                    

HINDI ako maayos na nakatulog kagabi. Panay lang naman ang isip ko sa mga sinabi ni Lancet sa dalampasigan nang magkausap kami. Alam kong ako ang may problema at hindi siya. Masisisi niya ba ako kung hindi ko pa kaya?

Taking risk at us again will just hurt us both. Minsan kasi, may mga bagay na hindi talaga worth it dahil masakit. Bakit pa kailangang subukan kung alam na namang sa sakit lang mauuwi ang lahat?

Tumayo na ako at nagtungo sa maliit na kitchen upang magtimpla ng kape. Just like my every day in Manila, I wake up with a cup of coffee then face my laptop to write a story. Naupo ako sa maliit na table setting sa sulok ng kwarto ko at doon sinimulan ang aking kwento.

Nasanay na lang siguro ako na sa sampung taon ko ng pagsusulat, ganito na ang naging bawat umaga ko. Nang makatanggap ako ng offer sa AWPH, agad ko na itong kinuha kahit part-time lang. Magsusulat lang naman ako ng mga istorya, mag-e-edit, at ipapasa sa kanila. Kaya kong isabay ito sa pag-aaral ko kaya kahit civil engineering ang natapos ko, manunulat pa rin ang trabaho ko.

I remembered when I used to be asked about my course, I always say, "I would take up civil engineering, then accountancy, then I want to teach."

Lumipas ang panahon at nagbago ang takbo ng buhay ko nang makapagsulat ako ng isang nobelang kalaunan ay nailathala. I consider it as my big break then. If I wasn't offered a freelance contract that time, I wouldn't pursue writing.

Sabi ko rin dati, "I won't be writing as my main source of income except if I had it as my career." And it happened. Matapos ng offer na mailathala ang nobela ko, nasundan na ng iba pang offer sa pagpublish ng iba kong akda.

Imagine, I was seventeen back then. I am very much drowning in the limelight of writing. I am excellent in school and I managed to be a published author, only without boyfriend.

Wait, I've been talking to much though, writers do.

"Sella!"

I was surprised when I heard a guy screamed from outside. Napatayo akong bigla at napasilip sa balkonahe ng kwarto.

Nagpalakpakan ang mga taong nakatingala at tila ba naghihintay sa pagdungaw ko. Isang malaking kahihiyan ito lalo pa at nakapantulog pa ako.

"Ms. Roseate!" Lancet screamed. "They want your signature in their books."

Sira ulong Lancet talaga. Kung wala lang ang mga taong nakapaligid at naghihintay sa baba, minura ko na ang isang ito. Oh God, bigyan niyo po ako ng mahabang pasensiya.

"S-sige po, I'll schedule meet up for everyone. It will happen here in Gonzaga Lieu. Just wait for further details but one thing's for sure, it is free. Thank you!" I bid them a goodbye and immediately enter my room.

Bigla namang may kumatok sa pinto ko na agad ko ring binuksan. Habol-hininga ako nang harapin ang nakangiti pang si Ate Bobbie. Her short curls falls perfect on her shoulders. Magpinsan nga kaming dalawa.

"How's your morning?" Itinulak niya ang pinto at agad na pumasok. Wala na rin akong nagawa kundi ang hayaan na lang siya.

"May kinalaman ka ba roon?" Itinuro ko ang labas ng balkonahe.

Nagkibit-balikat naman si Ate Bobbie. "Tanong mo kay Lancet. Kanina sa bayan, ibinibida ka niyan sa mga tao roon. Syempre, nalaman nilang bumalik ka rito sa Siargao kaya hayun, sumama sa magaling mong boyfriend para makita ka."

"Hindi ko boyfriend si Lancet," agad kong alma sa sinabi niya. Inisang inom ko ang malamig na kapeng kanina ko pa tinimpla.

"Edi dating boyfriend," she said with the emphasis on dating boyfriend.

The Lost Chapters: Romancing the TragedianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon