Chapter 17

54 15 0
                                    

"MAKE HER FALL for you again. Ibalik mo ang pag-ibig at saya sa puso ng anak ko. Pagbatiin mo kami at papayagan na kitang pakasalan siya. Ako pa mismo ang bahala sa kasal niyong dalawa."

Iyon ang mga salita ni Uncle nang hingiin ko ang kamay ni Sella. If I fail, I will lose the chance of having the best woman that I could ever be with my whole life.

Alam kong natalo ako sa usapan namin ni Uncle Roustav.

She left me once. I waited. She left me twice. I waited again. Dalawang beses na niya akong iniwan at ito na ang pangatlo. Sa bawat pagkakataong iniiwan niya ako, unti-unti akong nawawala. Unti-unti akong nauubos. Unti-unti kong nalilimutan kung sino si Lancet. Siguro ngayon naman ang panahon para hanapin ko ang sarili ko.

I know Rosella Gonzaga so much and I could see that she has already changed. Like a lot. Nawala na ang Sella na mabait. Nawala na ang Sella na mapagmahal. Nawala na ang Sella na mapagpatawad. Nawala na ang Rosella Gonzaga na nakilala ko higit sampung taon na ang nakalilipas.

Time flies and everyone knows that. There's no permanent thing in this world and everyone knows that. Ano bang hindi alam ng mundo? Anong bang hindi inaalam ng mundo? Siguro ang tanging lingid sa kaalaman ng nakararami ay ang nilalaman ng puso ng bawat isa.

Ang puso niya ay parang isang yelo. Kapag lumalamig, lalong tumitigas ngunit kapag umiinit, natutunaw ng sobra. She always put her defenses up but eventually breaks it for love. Sa isang taong nakasama ko siya, tila ba nakabisado ko na si Rosella.

But like what I have said, the only thing that world doesn't know is what each other's heart is hiding. Sa muling pagkikita namin ni Rosella, nagbago na rin ang puso niya. She had more defenses built around her heart that no one could ever break. Not even me.

Most tragedians, or writers as a whole, are really fragile. They easily get broken until nearly impossible to get fixed.

Even though I know it would be hard, I still tried to fix her. Almost fictional, I tried to romance the tragedian. I tried to make her believe in love again.

I tried to observe her, to get to know how much she have changed trough out the years. I've been reading her works and all they did was to tear me down. If that is the effect of her works to her readers, what about its effect on the writer herself?

Too much difference from her first piece, she changed over time. The thought of 'Until the Next Sunset' is obviously different from 'Hating December'. Those works are written on the same year but feeling very different.

Hindi ko rin naman siya masisisi. Umalis ako sa Pilipinas noong Disyembre, halos ilang buwan matapos niya akong iwan upang pumuntang Maynila. Iyon na siguro ang pinakapinagsisisihan ko sa lahat ng nagawa ko sa kaniya. Alam kong hindi naging sapat na minahal ko siya mula sa malayo. Minahal ko lang siya mula sa distansyang alam ko na habang tumatagal ay tila lumalayo kami sa isa't isa.

"Dude, are you really sure to go back to Australia for good?" tanong ng second cousin kong hilaw na kagagaling lang sa ibang bansa. "You're gonna leave your writer girlfriend here, eh?"

Wala sa ayos akong napasandal sa upuan ng kotse. "Claude, nagpunta ako sa Pilipinas para ayusin ang lupa namin sa Siargao. Natapos na ang kailangan kong gawin dito kaya uuwi na ako sa Australia. At isa pa, hindi ko girlfriend si Rosella."

"Isn't she the reason why you stayed for quite long?"

Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at binalingan na lang ang labas ng sasakyan. Siargao will always be unforgettable to me and Rosella will always be a part of my treasured memories. Hindi ko nakakalimutang bahagi siya ng mga dahilan kung bakit ako nabubuhay, kung bakit pinipili kong maging masaya kahit alam kong masakit na talaga.

The Lost Chapters: Romancing the TragedianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon