Chapter 11

29 14 0
                                    

IBANG-IBA ANG UMAGA KO NGAYON mula sa lahat ng mga umagang gumigising ako. Dalawa, tatlo o apat yata, hindi ko na mabilang kung ilang linggo na akong nakahilata sa kama ko at walang ibang ginagawa kundi bumangon para kumain at sumulat bago matulog. Minsan, hindi ko na alam kung anong pinagkaiba ng araw sa gabi dahil madaling araw na ako natutulog at pahapon nang gumigising.

My soul is not safe. My heart is not sound. I hope for something but I know nothing. Everything is blurry and insufficient for me. Ang hirap muling bumangon kapag broken-hearted.

Ilang araw akong nakapagsusulat ng istorya ko kahit hindi gumagana ng ayos ang isip ko. Tamang sapi lang ng mga karakter ko na may halong katamaran ang dumadaloy sa katawan ko. Minsan na lang ako kung uminom ng kape dahil parang lagi akong acidic. Bilang resulta, isang oras lang talaga ang iginugugol ko sa pagsusulat.

At hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko pa rin ang ibinigay niya sa akin sa Siargao. Ang bawat higpit ng pagkapit niya sa kamay ko, ang bawat paghaplos niya sa pisngi, leeg, balikat, na sa bawat pagkakataong ginagawa niya iyon, parang dumadaloy ang kuryente sa buong katawan ko. Ang pinakahindi ko malilimutan ay ang lambot ng labing sa kalupitan niya ginagamit. Malupit na malupit. 

Pinaghalo-halong saya, sakit, lungkot, sarap? 

Lagot ako kay Nanay kapag nalaman niya lahat ng ginawa ko roon. Masisisi niya ba ako na sa una pa lang, ayaw ko naman talagang pumunta roon pero pinilit pa rin nila ako.

Kung anu-ano nang sinasabi ko. Basta may kakaibang pakiramdam ang nananalaytay sa buong katawan ko na tinatawag na sakit.

Tamad kong kinuha ang tumutunog kong telepono na nakapatong sa lamesita sa gilid ng kama. Nang malaman kong si Francisca iyon, parang ayaw ko na lang sagutin, subalit sa kadahilanang baka trabaho iyon, kailangan ko pa rin siyang kausapin.

"Cisca," tamad kong sambit.

"Oh God, Rosella, buti naman naisipang mong sumagot." She sighed in relief. "Ano bang balak mo sa buhay mo?"

"Sa tingin mo?" Tumulala ako sa bintanang natatakpan ng blinds na pinapasukan din ng kaunting liwanag. Malamang umaga na. 

"Sino kayang nagplano ng nakababaliw na bakasyon para sa akin, hindi ba kayo? You gave me sixty days of freedom and I have consumed only half of it."

Natawa si Cisca sa kabilang linya. "LOL, ano bang pinaglalaban mo? Gaga ka. Mangangamusta lang naman ako."

"But you opened up with a statement, 'anong balak mo sa buhay mo?' bitch you can't jest me. Ano na naman bang gusto niyo sa akin?"

Sa sobrang tagal na naming magkakasama, alam na alam ko na ang hilatsa ng mga bituka niyang mga iyan. They won't call me with no reason or just because they wanted to ask how well I am. Palaging may kailangan sila sa akin at hindi nila iyon maikakaila.

"Fine," buong pagsuko niya. "I just want to inform you about the charity ball tomorrow night."

Agad akong bumuntong-hininga habang nakatanaw pa rin sa bintana. Show me a little light.

"Can't you just tell Sir Malachi that I won't be around? O kaya sabihin mo na lang kay Nanay na sabihin kay Sir na ayaw ko munang sumama sa mga gathering habang naka-leave ako."

Surely, Nanay could convince Mr. De Leon. Inaanak niya naman si Sir Malachi at gaya ng maitim nilang plano tungkol sa bakasyon ko, baka mapag-usapan din nila ang excuse ko.

"Sir Malachi wants you there. Tita Rosalinda wants you there. We need you there. Isa ka sa mga panghatak ng buyers. The profit from our sales would be used for the upcoming charity event."

My brain doesn't care but my heart wants to give a damn. Sabi ko nga, wala ako sa mood na maging ako ngayon. Ang hirap muling buuin ng sarili matapos ang isang nakawawasak na pangyayari.

The Lost Chapters: Romancing the TragedianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon