Chapter 16

36 15 0
                                    

GUESS WHAT.

Inuwi rin nila ako kagabi sa GL at ngayon, nagising ako nang hapon dahil sa away nina Nanay at Daddy. Hindi ako informed na uuwi rin pala si Nanay dito gayong galing pa siya ng Maynila dahil hindi siya natuloy noong huling book signing.

Napangalumbaba na lang ako sa balkonahe habang pinapanood ang tanawin ng Siargao.

In fairness, medyo kalmado na ako simula pa nang matapos kaming mag-usap ni Ate Bobbie. Maybe I just don't want tolerate stressors since I already have my angel with me.

Medyo inaantok pa ako paggising ko dahil hindi ako nagkape. Coffee is a big NO for a soon to be mother. Isa pa, ibang-iba rin ang umaga ko ngayon kumpara sa noon dahil unang-una, hindi ako sumubok magsulat ng kahit isang salita sa kabanata at pangalawa, hindi ako nagising na mugto ang mga mata.

Mabuti pala ang dulot ng pagbubuntis sa akin. Araw-arawin ko kaya?

"Roustav!" Narinig ko na naman ang sigaw ni Nanay. "Kunsintidor!"

Natatawa na lang ako habang naririnig sila. Noong huling beses na nakita ko silang nag-away, as in seryosong away talaga, that was ten years ago. Pero itong pag-aaway nila ngayon, nag-e-enjoy ako.

"Ros, hindi ko naman kinunsinti si Sella kay Lancet. Ngayon ko nga lang nalaman na buntis ang anak natin," sabat ni Daddy sa kaniya.

Buti na lang, buong top floor ay sa amin lang. Kahit anong gawin nilang sigawan, hindi sila maririnig ng mga tao sa baba. Pero sana tumigil na sila sa lalong madaling panahong.

"Come on, Rosalinda. Ipapakasal na nga natin ang anak natin kay Lancet De Villenas, ayaw mo pa?"

Wow, coming from Daddy. Parang ten years ago, siya pa ang gumawa ng paraan para lang mailayo ako kay Lancet tapos ngayon, ipinagtatanggol pa niya. Ngayon ko na talaga napapatunayan na nagbabago ang mga tao. Isa pa, si Nanay na dating botong-boto kay Cet, ang siya namang umaayaw.

"Roustav, ayaw pa nga kasi ni Rosella na magpakasal," pagbibigay punto ni Nanay.

Well, she's right. Ayaw ko pa nga talagang magpakasal at hindi ko alam kung bakit.

"Ngayon pa ba aayaw si Rosella gayong magkakaanak na sila?"
Natigilan ako. Mom is right and Dad is right as well. So ano na? So sino na ang pakikinggan ko? How I wish that the sea could also say its opinion about my situation.

"Pakasal na."

Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot sa gilid si Irizst. "Hindi ko narinig ang pagpasok mo. Hindi ka man lamang kumatok," puna ko sa kaniya.

Agad akong tinabihan ni Irizst sa balkonahe at sabay naming pinagmasdan ang katubigan ng Siargao.

"Alam mo, Sella, you are very blessed to have Lancet as the father of your child. Iyong iba kasi diyan, hindi nila pinapanindigan na nakabuntis sila. Isa pa, handang-handa siyang pakasalan ka. Bakit ba ayaw mo?"

Napaisip ako. We have a lot of grounds to push the wedding but I don't have this one improtant thing – my heart. Hindi ko alam kung bakit ayaw pa ng puso kong magpatali sa puso ni Lancet. I mean, him and I already have a child, a good living, a good relationship to others. We already have everything to lead us to marriage except closure. Iyon siguro ang hinihingi ng puso ko kaya hindi siya maka-move on. Ilang taon niya rin kasing pinanghugutan ang lungkot ng isang nasaktan at naiwan kaya hanggang ngayon, hindi pa rin makawala ang puso ko sa sakit at pighati.

I love him, my brain said, but my heart questions it. Ang hirap talaga kapag nagtatalo ang isip at puso.

"Masaya ka na naman, di ba Sella?"

The Lost Chapters: Romancing the TragedianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon