Chapter 8

32 14 0
                                    

I FELT light-headed the moment I got into my consciousness. Probably, it is an aftereffect of my happiness yesterday. A part of me was thankful for every effort that Lancet did though the other piece was reluctant about our situation. 

First of all, it was just a verbal agreement to treat each other as if we are in a relationship. Oral truces are often left broken and should have been unsaid once it is over.

Secondly, what if he is just doing this because he wants vengeance? I cannot fully read his mind to know if he is truthful in all hours of yesterday and I could still see anger in his eyes whenever I directly look at them. Those butterscotch eyes of his are liars on my perspective. 

Thirdly, I am not yet ready for this.

Mga tamang hinala at haka-haka lang ang mga nasa isip ko sa ngayon. Hindi rin naman masamang ingatan ang puso mula sa muling posibilidad ng pagkawasak nito. Mabuti nang maagapan bago masaktan.

"Yes Pa, I already told you. Our land here is fine. Give me weeks to finish this one."

Iniiwasan kong mag-eavesdrop sa pag-uusap nila ni Uncle Lance pero sa lakas ng boses ni Lancet, baka hindi ko rin mapigilan. Naalala ko na naman ang mga panahong pinatahan ako ni Uncle nang hindi ako siputin ng anak niya sa palagi naming tambayan. Of course, I was crying too hard that time because he did not tell me any goodbye. Iyon pala ang unang beses na pumalaot si Lancet kasama ang iba nilang kamag-anak upang kahit papaano ay mamulat sila sa buhay ng pagkayod ng mag-isa. Labingpitong taong gulang na ako noon subalit di ko pa nalalaman kung gaano kahirap ang buhay. Doon ko naman napagtanto na napakabuti ni Uncle at dugo nga niya ang dumadaloy kay Lancet. Mula sa mga mata nilang nangungusap hanggang sa karahanan ng kanilang pananalita, parang si Lancet din ang kausap ko nang mga panahong iyon.

"Pa, I know you need me there. Of course I'll go there soon but not sooner than next week."

And now, I am partially clueless about Lancet's family. Balita ko, wala na sila rito sa Siargao at tanging ang bahay na lang nila at mga ari-arian ang natitira. Ni hindi ko rin nalalaman kung nasaan sila ngayon, basta si Lancet lang ang narito pa rin na marahil ang siyang tumitingin sa mga naiwan nila.

"Papa please, huwag mo munang papuntahin sina Claudio rito. Wala ring mag-aasikaso sa kanila dahil nasa site ako palagi."

Site? He must be talking about their house. Ano naman kaya ang ginagawa sa bahay nila? I mean, I do not get why he is in Gonzaga Lieu or what site is he talking about. The thing is, Uncle Lance wants him to go somewhere there.

"Pa, sige na. Mamaya na ulit. May importante akong ginagawa rito. Kailangan ko nang ibaba ito."

Nagmadali akong ipikit ang mga mata at magkunwaring natutulog. Makailang segundo, narinig kong pumasok na rin si Lancet mula sa balkonahe at hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari. Pinakiramdaman ko na lang ang mga yabag niya na kumikilos sa loob ng kwarto.

Though I don't mean to look sneaky, I feel like I am being one. Ayaw ko lang namang akusahan niya akong nanghihimasok o nakikinig sa usapan nila ni Uncle.

I suddenly felt his thumb, gently caressing my cheeks, and all it had to do with me is to react because of partial shock. Tulog-tulugan ba. Bahagya akong kumilos at akmang naalimpungatan kunwari nang makabangon na.

"Good morning, my lovely tragedian," he whispered as he slowly pressed his lips on my forehead. "Wake up sleepy head."

Unti-unti kong ibinuka ang aking mga mata hanggang sa makita ko ang malumanay niyang pagngiti. Sinuklian ko siya ng kaparehong lumanay at napahawak sa kaniyang kamay na humaplos sa aking pisngi.

"Good morning, jowa," makulit na usal ko bago nagpa-cute sa kaniya.

"Good morning," he retorted then smiled. "Pinabuksan ko na pala ang kwarto mo kanina."

The Lost Chapters: Romancing the TragedianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon