KAILAN MO PAKAKASALAN ang anak ko? Kailangan ko nang magkaapo.
Paulit-ulit na naman akong binabagabag ng mga sinabi ni Nanay kahapon. Honestly, I am still thinking about what happened yesterday. Ni hindi ko na nababa si Lancet kahapon dahil nagkulong na naman ako sa kwarto at hindi na pumayag na papasukin ang kahit sino sa kanila.
I know myself that we should have wedded first before we did that and again, I am guilty. Hindi ko naman ikinakaila. Pero ang ipilit sa akin ang isang bagay na hindi pa ako handang gawin, baka magkamali lang ako lalo. Baka sa huli, hiwalayan din ang tuloy namin ni Lancet.
Hanggang hindi pa buo ang puso ko, hindi pa ako handang ibigay iyon kay Lancet. I won't give him a piece of my broken heart because he doesn't deserve it. He deserves more than a fragment of me.
Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin. Should I wear this simple body hugging black dress? Hindi kaya siya magalit kung makikita niya akong ganito? Wala naman siya mamaya sa event ng AWPH kaya ayos lang. Bakit ko ba siya iniisip?
I touched the long sleeves of my dress. I about faced to see the low cut at my back. Not bad for my body shape. Humarap ako muli at saka naman tumagilid. Annoying, this whole body mirror. This exposes how imperfect my body is. Nagkaroon na ako ng kaunting belly dahil sa pagmamaktol ko ng isang linggo. Maybe I need to exercise again.
"Anak!"
Bigla akong napakilos dahil sa tinuran ni Nanay. Kinuha ko agad ang purse ko at tinungo ang labas ng kwarto. Halos matapilok pa ako dahil sa pagmamadali at sa taas ng sapatos na suot ko.
Nang makababa, agad kong pinagpag ang suot ko dahil sa bahagyang pagkalukot. Hanggang paa ang haba nito at natatakpan ang suot kong stiletto. Tumayo ako nang diretso at nakita si Nanay na nakaupo sa sofa.
"Halika na."
Umakto akong nagtataray dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin nalilimutan ang ginawa nila kahapon. Binuksan ko ang pinto at pasimpleng hinintay siyang makalabas. Ismid din akong pinagbuksan si Nanay ng pinto nang makapasok na siya sa kotse. Umikot ako sa kabila dahil ako ang magmamaneho.
"Anak naman, galit ka ba?" tanong niya sa akin nang buksan ko ang pinto ng kotse. Dumaan siya roon at umikot naman ako para pumasok sa kabilang pinto.
"Anak."
Napasandal na lang ako sa driver's seat at pinisa ang nose bridge ko. I cannot cry tonight. I won't cry tonight.
"Nay, alam mo namang ayaw kong binibigla ako, di ba? Yesterday, it happened. Siguro nga, madali akong magpatawad pero hanggang ngayon, naaalala ko pa rin kung paano tinulungan ni Lancet s-si R-Roustav, and I h-hate them seeing like that. Tapos pinilit pa ako ng letsugas na Lancet na iyan para kausapin siya. What an illogical logic."
Napairap na lang ako sa hangin habang ramdam ko ang bigat ng tingin ni Nanay sa akin. Pinaandar ko na ang makina at minaneobra ito palabas ng garahe. Makailang minuto kaming nanahimik sa buong biyahe hanggang sa marating namin ang AWPH hall kung saan idadaos ang charity ball. Profit para sa charity ang habol ko rito at hindi ang pagpapasikat.
"Anak, sana maging maayos tayo bago matapos ang gabing ito."
Napabuntong-hininga na lang ako. Marming mang dumaan sa isip ko, alam ko namang hindi ko matitiis si Nanay.
BINABASA MO ANG
The Lost Chapters: Romancing the Tragedian
RomanceWATTYS 2021 SHORTLIST Masaya pa bang magmahal kung sampung taon na ang lumipas at kumupas na rin ang mga pangako sa isa't isa? Madali pa bang magpatawad kung isang dekada na ang nakaraan at tanging poot at lungkot na lang ang nabuo sa puso sa halip...