Chapter 14

27 15 1
                                    

MAAGANG KAMING LUMAPAG sa airport at ilang sandali lang ay nakarating na kami sa mismong lugar na pagdarausan ng event. May kaunting kirot pa rin ang mga mata ko dahil sa magdamag na pag-iyak ko kagabi. Mabuti na lang, gumagana pa rin ang pipino at yelo sa mga mata ko. Ang kaso, lalo iyong magpapalabo ng mga mata ko.

Ayon sa mga kapwa kong manunulat, pupunta rin daw si Nanay dito sa Siargao. Ang ikinakatakot ko lang, baka may mangyari na namang hindi maganda gaya noong mga nakaraang araw. At least, I already cut one thorn and that's my issue about my father. Alam ko namang darating ang panahon na magiging kaswal na lang kaming dalawa. And I am still hoping for that.

Isang tinik na lang sa buhay ko ang gusto kong tanggalin.

"Balita ko paalis na ulit si Lancet papuntang Australia."

Napalingon na lang ako sa pinanggalingan ng impormasyon. Sa telepono nakatuon ang pansin ni Careen bagaman alam kong ako ang pinariringgan niya.

"Sino namang may paki diyan sa sinasabi mo?" may pang-aasar na tanong ni Cisca.

Parang natulala na lang ako sa kalawakan ng dagat habang abala silang lahat sa pag-aayos ng kanilang mga gamit sa van. Dinig ko pa rin ang pinag-uusapan nila at alam kong pasaring lahat iyon sa akin. Ito na ba talaga ang sagot sa panalangin kong matuldukan na ang lahat ng hinaing ko sa buhay?

Biglang nabitawan ko ang bag na nakasukbit sa balikat ko, hindi pa rin naaalis ang tingin sa katubigan at wala sa sarili akong nagsabi, "pupuntahan ko siya."

Agad na napalingon sa akin ang mga kaibigan kong manunulat, laglag ang kanilang mga panga at tulala sa akin gaya ng pagtanaw ko sa kawalan.

"Seryoso ka ba diyan?" Biglang lumitaw sa kung saan si Irizst. "Walang punto para magbiro sa mga panahong ito."

Walang loob ko siyang nilingon. "Kailan ba ako hindi nagseryoso?"

"Pero two hours na lang bago ang event," agad na sambit ni Careen.

"Sampung minutong papunta, isang oras na usap, sampung minutong pabalik, aabot ako." Malakas akong napabuntong-hininga. "Kasama siya."

Nagpalakpakan ang mga kaibigan ko at walang pakundangan akong pinagtabuyan. Suportado talaga nila ang lahat ng katangahan ko sa buhay na kahit mukhang imposible, magagawa ko.

"Teka sandali," pagpigil ni Irizst na nakakuha ng atensyon naming lahat. Gulat kaming makita siyang pagod na pagod pa. Agad na bumaling ang kababata ko sa akin. "Seryoso ka na ba talaga?"

Napakunot ako ng noo. "Seryoso ako. Mahal ko, eh."

Biglang sumikdo sa saya ang puso ko nang pumasok sa isip ang lahat ng aking sinabi.

Nagtaas-baba ang kilay ni Irizst. "Sige, kapag nagkita kayo, pakasalan mo agad, ha?"

"Pero kapag hindi?" sabat naman ni Careen.

"Iyakan niya na lang hanggang sa ma-dehydrate siya," kaswal na tugon ni Cisca.

If this won't work, I would pause chasing Lancet. Hindi ko na ipipilit. Magiging kasiraan lang ng isip, ng puso at ng pagkatao ko kung paulit-ulit ko siyang hahabulin kahit paulit-ulit ko rinsiyang hindi naaabutan. Hindi maganda sa babae ang naghahabol pero minsan, hindi rin naman masamang kumilos kung ninanais mo talaga. Sabi nga, kung gusto, may paraan.

NARATING KO ANG DALAMPASIGAN kung saan malapit ang bahay nina Lancet. Bahagya akong napatigil nang may kakaibang maramdaman. Parang pamilyar ang senaryong ito sa akin, mga sampung taon na ang nakalilipas. Nandito na naman ako at naghahanap sa kaniya. Nandito na naman ako at nagsisising iniwan ko siya. 

"Tao po?" katok ko sa mismong bahay nina Lancet. "Tao po? Nandyan po ba si Lancet?"

Alam kong isnag malaking kalokohan na naman at mabilisang lunukan ng pride ang ginagawa ko pero kung para sa kaniya, bakit hindi?

The Lost Chapters: Romancing the TragedianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon