Chapter 13

27 15 0
                                    

"WE ARE EXTENDING the investigation about that night para mahuli na ang nanampal sayo."

Apat na araw na rin pala ang nakalipas nang gabing iyon at hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang bigat ng kamay na dumapo sa pisngi ko. Marahil ay mahal na mahal niya si Lancet kaya niya nagawa iyon sa akin. Nagawa niya akong sampalin sa isang pampublikong lugar.

"Cisca, isang malaking kahihiyan nang tanggihan ko ang proposal ni Lancet maging ang masampal ako ng kung sinong hindi ko naman kilala. Ayaw ko nang dagdagan ang mga iyon. Gusto ko sanang iurong na lang ang kaso."

"But why?" agad na pag-alma niya. "That woman deserves to be in jail after she–"

"Okay na ako. Ayaw ko na ng isyu. Quota na ako sa isyu."

Natigilan si Cisca sa kabilang linya nang sambitin ko iyon. Siguro napaisip din siya sa mga sinabi ko. Sana naiintindihan niya kung bakit gusto kong iiwas ang sarili ko sa mata ng mga tao. Mabuti na rin ito kaysa sumama pa nang higit ang imahe ko sa kanilang lahat.

"Hindi lahat ng nagsasabing 'okay' ay tunay na okay. Okay is a feeling of uncertainty, Rosella. You know that."

Mariin akong napapikit at tanging takas na mga luha ang nag-uunahang lumabas sa aking mga mata. I am not okay. I thought I was okay but I am not okay. Maging sa sarili ko ay nagsisinungaling na rin ako. Pinipilit ang bawat kapalaluhan para lang mapatunayang ayos ang pakiramdam ko pero hindi. Hindi naman talaga.

"Uh, anyway, I already noted that you'll be cancelling the filing of the case," malumanay niyang sambit. 

Unti-unti kong tinuyo ang aking basang pisngi. "Thank you."

"You are always welcome, best friend." She sighed. "By the way, alam kong mabigat pa ang pakiramdam mo pero ipapaalala ko lang na lilipad na tayo pa-Siargao bukas. Kung gusto mo, dito ka na lang matulog o diyan na lang ako para sabay tayo bukas."

Bahagya akong napangiti. "Nah, I'll be fine for tomorrow. I'll just ask my driver to drop me by the airport.

"Hay nako, sige na nga. I'll just message you the details. Matulog ka na."

I giggled. "Hege po, Madam Cisca Marivelles."

Matapos ng tawag niya ay malungkot na naman ako at mag-isa. Tanging ang mga kuliglig na lang ang naririnig ko at ang mga iniisip kong papalakas na rin nang papalakas sa bawat segundong lalo ko pang inaalala.

Nakakalungkot mag-isa na kahit maraming taong nakapaligid at nagmamahal sayo, parang may kulang pa rin at hindi ako makuntento.

Napanguso na lang ako at agad na naisipang tawagan si Irizst. Makailang dial ang lumipas, sinagot niya rin naman ito. "Hello, Ay?"

"Uhm."

I missed her voice. I missed talking to her. I missed my friend.

"I'd be going there tomorrow."

Isang takas na luha ang biglang pumatak sa pisngi ko. Why am I overly dramatic? Parang bawat minuto na lang yata akong umiiyak.

"Okay. I'll wait–"

"I am down and slowly sinking. Hindi ko na alam kung paano umangat ulit. Hindi ko na alam kung paano mananatiling buhay ang puso ko."

Agad kong pinunas ang nagbabadyang pagpatak ng luha ko. Si Irizst na lang talaga ang matinong nakaiintindi sa akin at lagi kong nakakausap sa mga ganitong panahon.

"Lungkot na lungkot ako, Irizst. Hindi ko alam kung bakit dinadamdam ko ng sobra ang mga nangyayari ngayon. Dati naman, ayos lang sa akin na makita siya pero sa bawat pagkakataong nagtatagpo ang mga mata namin, parang gusto ko na lang umiyak. I feel so unloved."

The Lost Chapters: Romancing the TragedianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon