May hinala na ako kung anong tumatakbo sa'yong isip.
Tanaw ko ang lugmok sa iyong mukha,
Rinig ko ang lungkot sa'yong mga tinig,
Ang nginig sa bawat letrang bibigkasin,
Ang mapupungay na mga matang di makatitig sa akin,
At ang galit na namumuo sa'yong mga kamao.
Ngunit sabik pa rin akong ito'y marinig.
Gusto kong magmula ang mga ito sa iyo.
Gusto kong malaman kung gaano mo ito kagusto.
Ikaw ba 'to?
O may ibang may gusto nito?
Kasi 'di ko mahanap ang dahilan bakit mo ito gustong gawin.
Dahil ramdam ko ang 'yong pagaalangan sa bawat katagang sasabihin.
Ramdam ko ang galit, pagsisisi, pagatubili, at ang sakit na pinagdadaanan mo.
Gayon pa ma'y napananatili ko pa ring ngumiti.
Sa kabila ng nangingilid kong mga luha.
Umaasang hindi ito gaya ng aking naiisip.
Ayaw kong marinig ang mga katagang...
...
...
...
...
Ayan...
At nasabi mo na nga, sa wakas!
Ngunit... Bakit tila ako ang nagsisisi?
Nagiisip na sana...
Sana hindi ko nalang narinig.
Na sana tumakbo na ako habang may oras pa.Ang hirap isipin ngunit wala na akong magagawa.
Gagawin ko nalang ang isang bagay kung saan ako magaling.
Kahit masakit at kahit wala nang maidudulot.
Gagawin. Dahil kailangan.~Ang humingi ng isa pang pagkakataon~
Maari bang hawakan mo muli ang aking kamay
Bago mabuo ang huli mong mga kawayMaaari bang hagkan mo ako ng mahigpit
Bago ang paglisan mong palapit nang palapitMaari ko bang higpitan ang aking kapit
Bago ka tuluyang manakitMaari bang puriin mo ako ng daan-daan
Bago mo sabihin ang iyong mga kasinungalinganMaari bang sabihin mong "Mahal kita"
Bago mo sambitin ang mga salitang "Ayoko na"Ngunit ang lahat ng ito'y huwag mong mamasamain...
Dahil hindi kita hinawakan
Para sa huli'y ako'y iyong bibitawanDahil hindi kita niyapos
Para sa huli'y ika'y pumiglasDahil hindi kita hinawakan ng mahigpit
Para sa huli'y ika'y mag mistulang naipitDahil hindi ako humingi ng pagpuna
Para sa huli'y makatanggap ako ng puro muraDahil hindi kita pinilit para mahalin ako
Para sa huli'y tatalikuran at iiwanan mo.At heto ako ngayon,
Nagbabaka-sakaling sagipin ang meron noon
Patuloy pa ring umaasang magkaroon ng huling pagkakataon,
Kahit na paulit-ulit mong sinasaktan hanggang ngayon.

BINABASA MO ANG
Baka Sakali
ŞiirOriginal idea came up from the English lines (the draft one) because of a K-Drama (forgot the title). And nagsunod sunod nalang yung lines. Sorry kung pilit, had to post 😅. Peace! (1/5/20 23:00) (54 lines) Enjoy! And thank you!