Mherial Lhorde's POV
"ATE MHERIAL LHORDE!"please lang Zeqiel wag ngayon ala ako sa mood.
"Anong gusto mo?"bored kong sagot
"Ay? Himala di ka nakipagsigawan.By the way ate,pinapatanong ni Mama kung gusto mo maghanda sa debut mo.Tatlong araw na lang kasi" isa pa yang debut na yan eh nadamay oa sa invitation na binigay nung ibong sumusulat.
Gulong gulo na buhay ko.
"Hello may kausap ba ako?"nababadtrip na tong Zeqiel na ito.
"Labas!"sigaw ko pata magulat siya.Tinignan niya ako ng nagtataka kaya
"Labas na!"sigaw ko ulit at dali daling tumakbo si Zeqiel dahil minsan lang ako sumigaw ng seryoso.
Hindi ko na maintindihan.Naguguluhan na ako.Sino ba ako? Yung mga ala ala,ano ba talaga iyon? Sino ung bumubulong sa akin.Gulong gulo na ako.
"AAAAAAHHHHHH" ayoko na sa eaaaaarth!
Tumayo ako at dinampot ang selpon ko pero nasagi ko ito at nahulog sa baba.Yumuko ako para kunin ito saktong napalingon ako sa espada.Dinampot ko ito at tinitigan.
Ano bang nangyayari sakin? Ayoko ng ganito.Ayoko ng ganitong gulong gulo ako.Na parang akong tanga na wala kamuwang muwang sa mundo.
Nagulat ako ng may tumulong luha sa mga mata 'ko.
Dalawang araw na lang,kaarawan ko na.Yun din ung araw sa invitation,Anong gagawin ko?
Follow your heart,Meriah
Flixien? Sino ka ba talaga? No,Sino ba talaga ako? Gusto ko ng malaman.Ayoko ng ganito.
"Gaya ng sinabi ko,sundin mo yang puso mo." ani ng isang boses ni Flixien .Pero this time parang malapit siya sa akin.Hindi na niya ako sa isip kinakausap
"Nasan ka?Magpakita ka sa akin!" nilingon-lingon ko ang paligid nagbabaka-sakaling makikita ko siya.Ngunit sa halip na isang tao ang inaasahan kong makita,isang napakalaking lobo ang bumungad sakin. A red wolf with some white on it's body. Puti ang katawan ngunit pula ang paa nito at bundot.
"W-w-wag k-ka...ka-ng la-lapit."nauutak at nanginginig ang boses kong sambit.
Ngumiti ang lobo at biglang nagsalita na siyang ikinatakot at dahilan ng pag-atras ko ng bahagya.
"Ako ito Xia,si Flixien" sa sobrang takot ko ay naihagis ko ang espadang hawak at biglang nawalan ng malay.
"DOC,kamusta naman po si Mherial?" nagising ang diwa ko ng marinig ko ang boses ni Mama
Teka? Asan ba ako? Ano bang nangyari ? Unti-unti kong idinilat ang mata at ang kwarto ng hospital ang bumungad sa akin.
"ATE!" sigaw ni Zeqiel na siyang naging dahilan para mapunta ang atensyon ng lahat sa akin.
"Mabuti naman gising ka na,hija" nakangiting ani ng Doctor.
Ngumiti na lang ako ng pilit at hinanap si Mama.
"Ate,ok ka na ba?Masama ba pakiramdam mo? Nahihilo ka ba? Nagugutom? Gusto mo kumain? May pagkain dito. Ano gusto mo prut-" tinaas ko ang kamay ko kay Zeqiel at winagayway dahil napakabilis magsalita ng batang halimaw at napakalapit pa sa akin.Amoy ana amoy ko ung mint niyang toothpaste
"M-ma...m-mam-a" namamaos kong sambit.
Lumapit si Mama sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"A-ano po-pong"tumikhim ako para mawala ang pagkapaos ng boses ko "a-ano pong nangyari?"
Flashback
Papatulog na sana ang mga magulang ni Mherial ng may marinig itong kalabog sa kaniyang kwarto.Dali daling tumakbo ang mag asawa at nagulat sa nadatnan.
Si Flixien,ang tagapagbantay ng apoy.
Yumuko at nagbigay pugay ang dalawa rito.
"A-ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" kinakabahang ani ng ama-amahan ni Mherial
"Nais ko lamang makita ang tagapangalaga ng apoy kung nasa mabuti itong kalagayan"mataray na sagot ni Flixien
"A-ayos naman po siya."nanginginig na sagot naman ng ina-inahan ni Mherial.
"Kung ganon hindi na din ako magtatagal.Wag niyo ng ipaalala kay Meriah Fexia ang nangyaru.Sabihin niyo na lamang na nawalan siya ng malay ng madulas siya. Hindi pa kinakaya ng katawan niyang maalala ang lahat lalo pa at malapit na niyang mailabas ang kapangyarihan niya." ani ni Flixien at biglang naglaho.Nagkatinginan ang mag asawa at dali daling dinala si Mherial sa ospital.
"Patulog na sana kami anak ng ano... ng marinig namin na may kumalabog sa ano... sa kwarto mo oo tama may kumalabog tas pumunta kami sayo nakita ka namin na ano... na walang malay!" tarantang sagot ni Mama
Alam kong nagsisinungaling sila pero kahit ganon at tinanggap ko ito.Malay mo ito ang makakabuti sa akin.Pero ang akin lang bakit kailangan nila magsinungaling? Hayst malay mo may suprise sila!
Putragis anak ng ipis!
BIRTHDAY KO NA SA MAKALAWA!
DALAWANG TULOG NA LANG SELF! WAG NA KAYA AKO MATULOG? EXCITED NA AKO!
Luminga linga ako sa paligid at tanging si Zeqiel na lang ang nakita.
"Asan-" bastos ng bata na ito magsasalita ako biglang nagsalita
"Lumabas sina Mama at Papa kasama yung doctor masyadong malalim yang iniisip mo kaya di na sila nagpaalam.Aayusin lang daw ung mga babayaran at uuwi na din tayo mamaya sabi nung doctor" makatingin naman si Zeqiel wagas.
Kumunot ang noo ko ng makitang lumalapit si Zeqiel sa akin at pinitik ang noo ko.Handa na sana akong manigaw ng makita ko siyang huminga ng malalim
"ate..."pabulong na tawag sa akin ni Zeqiel at tumingin sa akin ng seryoso. "Lately kasi...ang weird ng mga panaginip ko. May kakambal daw ako tapos... tapos pinaglayo kami kasi daw nagalit yung tatay ko kasi masama daw na magkakamabal ang lalaki at babae ayon sa propesiya.Basta parang ganon.Nasa palasyo kami nung kakambal ko tapos...tapos ipinamigay ako ." nagulat ako ng makitang umiiyak si Zeqiel.
"Shhh tahan na... Andito lang si Ate" pagpapatahan ko sa kanya kahit naguguluhan ako. Iyong panaginip ni Zeqiel parang napanaginipan ko na na ewan..
"Ate gulong gulo na ako.Hindi ko na kaya Ate"
"Shhh tahan na... Hindi ka pababayaan ni Ate... Shhh" pagpapatahan ko kay Zeqiel dahil humagulgol na ito sa iyak.
Pinalipat ko si Zeqiel sa tabi ko habang inaantay sila Mama at Papa, hindi ko na namalayan na nakatulog na si Zeqiel sa dami ng iniisip ko.
Bakit ganon? Parang napanaginipan ko na iyon? Saka bakit...bakit hindi ko maalala iyong nangyari sa akin kagabi? Minsan naman pagnawawalan ako ng malay na aalala ko agad? Iyong panaginip ni Zeqiel bakit parang katugma ng sa akin? Ang gulo gulo na.
Sa sobrang dami ng iniisip ko ay di ko na namalayan na nakatulog na din ako.
BINABASA MO ANG
A Forgotten Memory
FantasyLosing memories is hard as rock.Imagine,living fo 18 years without knowing that a part of you just lost.What will you do? Mherial and Zeqiel asked themselves the same question.
