Zeqiel Lhorde's PoV
Naglalakad kami ni Ate ngayon ng mapansin ko na parang may sumusunod sa amin.Kanina ko pa naririnig ang kaluskos sa paligid kaya ng tumingin ako kay Ate para magtanong ng makitang nakayuko lang siya at parang ala namang napapansin.Sigh.
Napansin ata ni Ate ang paghingang malalim ko kaya napahinto siya sa paglalakad ganon din ako.
"Malayo pa ba tayo?" tanong ni Ate na ipinagtaka ko.
"Huh? Aba ewan ko sayo.Ikaw tong sinusundan ko eh" naiinis kong sagot.
Tinignan ako ni Ate na animo di makapaniwala
"Anong ako? Abay hindi ko alam iyon hano" naiinis na sagot ni Ate.
"Tsk. Jusmiyo, sampong minuto na tayonh naglalakad ate.SAMPO" nababadtrip kong ani. grRr
Huminga ng malalim si Ate bago luminga linga sa paligid
"Tumingin tingin ka at hanapin na lang natin ung nakalagay sa invitation nakakairita"
Sinunod ko na lang ang sinabi ni Ate at ilang segundo lang ay may itinuro si Ate sa kawalan.
"Ayun un oh! Yung street na nakalagay sa invitation" ani ni Ate habang nakaturo sa kawalan
"Asan ba? Di ko naman makita" naguguluhang tanong ko
"Bobplaks! Ayun oh! 127th Street,Bluestrain Subdivision ung nakalagay" naiinis na ani ni Tae habang nakaturo pa din sa kawalan.
"Ate ala akong makita" nababadtrip na ani ko
"Tsk bulag ka ba ha? Ayun oh! Ayun!" naiinis na sigaw ni Ate.
Sinisigawan pa ako ni Ate ng makarinig na naman ako ng kaluskos.
"ZEQIEL ANO NA!?! TARA N-"
Tinakpan ko ang bibig ni Ate dahil narinig ko na papalapit ako kaluskos.
"Shhh... may tao malapit satin" pabulong kong ani.
Natahimik si Ate kaya dahan dahan kong tinanggal ang kamay kong nakatakip sa bibig niya.
"Anong kaluskos? Ala akong marinig" pabulong na tanong ni Ate.
"Shh... tumahimik ka na lang jan basta merong nakatingin satin" ng dahil don ay naalerto si Ate at nilabas ang espada niya,ganon din ang ginawa ko kahit na hindi ko namam namin alam kung paano ito gamitin.
Magkatalikod kami ni Ate ng may lumabas na dalawang malalaking lalaki. Kung ako ang tatanungin para silang mga siga sa kanto.
Ang isa sa kanila ay madaming tattoo sa katawan na siyang pinakamatangkad habang ang isa naman na mas maliit sa kanya ay mas kakaunti ang tattoo.
"Boss, mukang swerte tayo ah. Gandang babae oh!" sigaw ng mas maliit na lalaki dun sa isa.
Mga Manyakis.
Humarap ako kay Ate para ilagay siya ko at maprotrektahan.Mga nakangiting aso naman ung mga lalaki habang nasa harap ko at winawagayway ko ang espada.
Napatingin ako kay Ate ng bumuntong hininga siya habang nakayuko.Ngunit mas nagulat ako ng pagangat niya ng ulo ay sobrang pula ng mata niya.Alam kong pula ang natural na kulay ng mata ni Ate,pero mas pula ngayon.
Nawala din bigla ang sobrang pulang mata ni Ate at bumalik ito sa normal.
Inalis ako ni Ate sa harap niya at para maharap din niya ang mga lalaki"Tsk.Maganda?Mag-ingat kayo ah baka ung gandang to ang pumatay sa inyo." Nakangising at mayabang na ani ni Ate.
Hindi ko alam pero kinilabutan ako.Parang hindi siya ung ate ko.
Mherial Lhorde's PoV
Nasa likod ako ni Zeqiel habang pilit niyang pinapakitang matapang siya,habang ako ay nanginginig.Hindi dahil sa takot kundi dahil nag iinit ang katawan ko.May gustong kumawala sa katawan ko na hindi ko alam kung ano.
Yumuko ako upang kahit papaano ay kumalma ako.Ngunit mas lalo lang nag-init ang katawan ko.
Iniangat ko ang ulo at ang gulat na muka ni Zeqiel ang nakatingin sa akin.
Mas umiinit ang katawan ko ng magsalita ako
"Tsk.Maganda?Mag-ingat kayo ah baka ung gandang to ang pumatay sa inyo."
Salitang hindi ko alam kung bakit ko sinabi.Pero gusto ko ang pakiramdam ng masabi ko to.Para bang ang lakas lakas ko.
Unti-unti kong inangat ang espada na nagiinit.Nakakagulat na hindi ako napapaso dito.
Napatingin ako kay Zeqiel na ngayon ay nakangisi na at nakaangat na din ang espadang animo umiinit din.
"Hindi lang ang ganda ang pumapatay.Malay niyo ako din" mayabang na ani ng kapatid ko.
Nakangiti ako kay Zeqiel at laking gulat na sobrang pula ng mata niya.Sa aming apat nila Mama at Papa kaming dalawa ni Zeqiel ang may pulang mata samantang kila Mama at Papa ay berde.
"Ha Ha Ha. Sa tingin niyo matatakot niyo kami? May espada nga kayo mukang di niyo naman alam gamitin" ani ng matangkad na lalaki at naglabas ng kutsilyo na siyang ginawa din ng kasama niya.
Sumugod ang isa samin ni Zeqiel kaya umatras kami sa gilid.Inikutan kami ng dalawa kaya wala kaming nagawa ni Zeqiel kundi ang tumalikod sa isa't isa.
Mas lalong nag-init ang espadang hawak ko ganon din ang kamay ko ng magdikit kami ni Zeqiel.
Naguguluhan man ay wala na akong nagawa ng sumugod sa akin ang isa at kay Zeqiel naman ang isa.
"Ahhhhhh!!!"
Hinarang ko ang espada ng sinubukan niya akong saksakin.
Lumapit muli ang lalaki sa akin kaya sinipa ko ang kamay nito para mabitawan ang kutsilyong hawak.
Nang wala na itong hawak na kutsilyo sy sinubukan niya akong suntukin kaya umiwas ako.Umatras itong muli at susugod na sa akin ng
"aaaaAaaAaaaHhhhhhH"
Nasaksak ko siya.Napatay ko siya
"aaAaaaaAaahhh"
Napatingin ako kay Zeqiel.Nasaksak niya din ang lalaki.Nagkatitigan kami ni Zeqiel.Takot at nakikita ko sa kanyang mata,sigurado akong natatakot din siya ngayon.
Lumapit ako kay Zeqiel at niyakap siya ng makitang nanginginig siya sa takot.
"A-ate h-hindi ko sinasadyan yon" naiiyak na ani ni Zeqiel.
"Shhh...alam ko di mo yun sinasadya" di natin un sinasadya.
"ATE! PAPARATING UNG MGA LALAKING NAKAITIM KANINA NARIRINIG KO SILA!" tarangtang sigaw ni Zeqiel kahit na umiiyak.
Napalingon ako sa paligid at nakitang nasa malayo sila, siguro 5 kanto mula sa amin.
Hinatak ko si Zeqiel at tumakbo papunta sa lugar na nasa invitation na pitong kanto mula dito.
Itutuloy...
A/N: Wow naman Zeqiel at Mherial.Hearing at Sight? char
BINABASA MO ANG
A Forgotten Memory
FantasyLosing memories is hard as rock.Imagine,living fo 18 years without knowing that a part of you just lost.What will you do? Mherial and Zeqiel asked themselves the same question.