Zeqiel Lhorde's POV
Zeqiel Lhorde, 17 years old. Oo tama kaya magka-edad kami ni Ate pero mas matanda siya. Hindi kasi sigurado non sila Papa at Mama nung nakita nila ako sa tapat ng bahay nila kung ilang taon ako. Ala din akong maalala non. Ang naalala ko na lang ay nasa tapat ako ng isang bahay at bahay nila Mama at Papa yun. Alam ni Ate na ampon ako pero kahit ganon ni minsan di ko narinig na sinabi o pinaalala niya yon.
"ANG SAYA NILA TIGNAN NO?" yan ang salitang nagpabalik sa diwa ko.
Nakatulog pala ako kanina habang umiiyak.Napangiti ako sa ginawa ni Ate. Makulit man yan pero napakabait niyan. At dahil dakila akong makulit pinagtripan ko si Ate"ATE! ATE ! MAY SUNOG GISING! ATE! GISING" napabalikwas ng gising si ate na siyang ikinatawa ko ng malakas
"PUNYET* KANG BATA KA!" sigaw sa akin matapos niyang magets na pinagtritripan ko siya. Pinaghahampas ako ni Ate ng unan kaya lumapit na si Papa at inawat kami.
"Tama na yan. Hali na kayo at uuwi na tayo." nakangiting ani ni Papa
Tumayo na ako at kinuha ang mga bag na iuuwi namin.Tinulungan naman nila Papa at Mama si Ate na makababa sa kama pero ang babaeng baliw nagmagaling hindi nagpahawak jaya dere-deretsong nalaglag sa sahig
"BUWAHAHAHAHAHA" hanep na yan ang sakit ng tyan ko.
"SIGEH TUMAWA PA KAYO! HUHUHUHU! FLIXIEN TULUNGAN MO KO!" at ng dahil sa sinabi ni ate na iyon matinding katahimikan ang bumalot sa amin.
"Bakit natahimik kayo?" naguguluhang tanong ni ate,napatingin na din ako kila Mama at Papa dahil bigla silang yumuko na animo may maling nasabi si Ate.
Buti na lang at pumasok ako guard ang sinabing tutulungan kami sa mga dala naming bubuhatin.
PAGDATING sa sasakyan napansin kong tahimik si Ate.Ilang beses ko siyang kinalabit pero di niya ako pinansin kaya nahalata ko ding malalim ang iniisip niya.Di ko na lang siya pinansin at tumingin sa labas ng bintana.
Bakit ganon? Iyong panaginip ko parang ang weird. Lagi na lang andun yung babaeng parang reyna saka yung batang babae na parang anak nung reyna. Idagdag pa yong sinabi ni ate na pangalan. Ano na nga ulit yon? Fli- Fliyen? Basta magulo.
Tapos kagabi habang nagcecellphone ako may nanagyring hindi kapani-paniwala.
Flashback
Nasa kwarto si Zeqiel habang nilalaro ang kanyang cellphone ng biglang mabasag ang bintana niya.Dali dali siyang tumayo at lumapit sa buntana pero ala naman siyang nakitang tao sa baba na maaring bumato sa bintana niya.
Isasara na sana niya bintana ng biglang may pumasok na ibon at dere deretsong naglanding sa kama niya.Nilapitan niya ito at tinaboy ngunit lumipad lamang ito papapunta sa study table niya.
Ngunit ang susunod na nangyari ang ikinagulat niya.Tila nagsusulat ang ibon sa isang pilas ng papel.Huli na ng mabalik siya sa sarili dahil nakalipad na paalis ang ibon.Hinabol pa niya ito pero di na niya ito inabutan.
Nilingon niya ang papel at ang nakasulat dito ang mas lalong nagpagulo sa isip niya.
January 13,2020
12:00 am
127th street,Bluestrain SubdivisionIyan ang mismong nakasulat na siyang ika-18 kaarawan ng nakakatanda niyang kapatid na babae na si Mherial.
"Halina kayo mga bata andito na tayo" sa sobrang lalim ng iniisip ko di ko na namalayan na nasa bahay na pala kami.Sinilip ko si Ate at napansin kong parang ala siyang naririnig.Malalim din siguro ang iniisip ni Ate.Niyogyog ko ng mahina ang balikat niya ang gulat siyang napatingin sa akin at nagpilit ng ngiti.Ni hindi man lang niya ako sinigawan sa ginawa ko sa kanya at lumabas na siya.
Huminga na lamang ako ng malalim at lumabas ng sasakyan at dere deretsong pumasok sa kwarto ko ng makarating ako sa bahay.Nilock ko muna ang pinto bago kunin ang bagay na nasa ilalim ng kama ko.
A sword
Ewan ko ba pero parang pamilyar sa akin itong espada, pero baka isa lang ito sa laruan ko sabi kasi ni Papa mahilig kami ni Mherial sa gantong laruan. Pero nung tinitigan ko na ung espada napansin kong kalahati ito.
I mean parang espadang hinati ganon.
Iyong panaganip ko naalala ko na naman.Parang totoo kasi.Ang sakit sakit ng nangyari sa panaginip ko.Idagdag pa na may nangyari sa Panaginip ko na nangyari talaga sa sakin.Iyong panaginip ko daw isa akong prinsipe tapos aAaAaaaaAaahhHhh ang sakit na ng utak ko.Flashback
"Ate,bakit nag aaway si Ina at Ama" tanong ng batang lalaki sa kakambal nitong babae.
"Hindi ko alam"nagkibit balikat na lang ang babae at pinagpatuloy ang pagguhit.
Lalabas sana ang batang lalaki ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto nila at pumasok ang Ina at Ama nila."Zequario,parang awa mo na wag mong sasaktan si Zhequa" naluluhang pakiusap ng Ina ng mga bata sa Ama nito.
"Mhernia,alam mo ang mangyayari pag pinagsama ang mga bata! Hindi ko nais na mawala ang kaharian sa akin!" sigaw naman ng Ama nito.
Hinatak ng Ama ang batang lalaki palayo sa batang babae.
"Zhequa!"sigaw ng batang babae sa kapatid nito
"Ama,nasasaktan ako"naluluhang ani ng batang lalaki habang pilit kumakawala sa ama nito.
"Hindi ka dapat manatili dito, ikaw ang magiging dahilan ng pagbagsak ko."galit na ani ng Ama ng mga bata.
"HINDI KO HAHAYAANG SAKTAN MO ANG ANAK KO!" sigaw ng Ina nila at may puting ilaw na lumalabas sa palad nito na nakatutok sa ama nila.
"M-Mhernia, n-nais k-ko lamang n-na ma-manatili ang kaharian s-sa atin" natatakot na ani ng Ama nila.
"NATATAKOT KA NA MAWALA ANG KAHARIAN SAYO NGUNIT KAYA MONG PATAYIN ANG ANAK MO PARA DITO?GANYAN KA NA BA KASAMA?" galit na sigaw ng Ina nila sa Ama nila.
Lumuwag ang hawak ng Ama sa anak nitong lalaki kaya nakatakbo ang bata papunta sa kapatid nitong babae.
Sa sobrang galit ng Ina nila ay hindi na nito nakontrol ang sarili at pinatama ang kapangyarihan sa pader.Hindi nito pinatama sa Ama nila dahil mahal ng Ina nila ang Ama nila
"Mahina ka pa din Mhernia" nangiinis na ani ng Ama nila.
Hinatak muli ng Ama nila ang anak nitong lalaki at bigla silang naglaho.
"Zhequa!" sigaw ng Ina
.Ginamit ng Ina nila ang natitira nitong lakas upang ang ala ala ng mga anak tungkol sa pagiging magkakambal nila ay malimutan nila.Nagawa pa din niyang burahin ang ala ala ng anak na lalaki kahit na nasa malayo ito.Babalik lamang ito kung maibabalik na ang kapayapaan sa Kaharian ng Erotixia.
Lumipas ang taon na magkalayo ang magkakambal.Wala ng nakakaalala sa batang lalaki at ang tanging alam na lamang nila ay isang batang babae lamang ang anak ng Hari at Reyna.
Hindi na muling bumalik ang Hari na siyang ikinabahala ng Reyna sapagkat alam nitong babalikan nito sila dahil sa lakas ng kapangyarihang taglay ng anak nitong babae.
Ngunit walang may alam na ang kapangyarihang tinutukoy nila ay nahati at napunta sa dalawa na magagamit lamang nila kung sila ay magkasama.
BINABASA MO ANG
A Forgotten Memory
FantasíaLosing memories is hard as rock.Imagine,living fo 18 years without knowing that a part of you just lost.What will you do? Mherial and Zeqiel asked themselves the same question.