Kabanata 8 - Pagkamatay

13 6 0
                                    

Zeqiel Lhorde's PoV

Nakatulala pa din ako habang pinagmamasdan si Ate na tahimik na sinisira ang pader na pagitan ng kwarto ko at kwarto niya.Buti na lamang at manipis na kahoy lang ito at hindi gawa sa bato.

Nabutas na ang pader,papasok na sana si Ate ng mapansin niyang hindi ako nakasunod kaya dali-dali niya akong sinenyasang lumapit.

Pagdating namin sa kwarto ko ay nabalik na ako sa sarili ko at tinanon na si Ate

"Bakit meron ka niyan?" taka kong tanong kaya tumingin sa akin si Ate.

"Anong ibig mong sabihin?" mahinang tanong ni Ate at hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso sa kama ko at kinuha ang bagay na tinatago ko sa ilalim.Espada. Espadang kagayang kagaya ng kay Ate.

Natulala si Ate sa akin hanggang sa may narinig na naman kaming kalabog.

"HINDI PA SILA NAKAKALABAS NG BAHAY NA ITO.HALUGHUGIN NIYO ANG BAWAT SULOK!" sigaw ng isang boses na naman.

Natauhan kami ni Ate at dali daling humanap ng lugar na pwedeng paglabasan ng makita ko ang bintana.

Hinigit ko ang kamay ni Ate at dali daling lumapit dito.

"Zeqiel,delikado ang gagawin natin.Maari tayong mapilayan sa sobrang taas niyan." natatakot na ani ni Ate habang binubuksan ko ang bintana at sinusuri ang baba kung may tao ba dito o wala.

"Anong gusto mo? Mapilayan tayo o mamatay?" badtrip kong tanong kay Ate.

"Tara na tumalon na tayo." natatakot na ani ni Ate

Hinawakan ko ang kamay ni Ate at ginaya papalapit sa bintana.

"Pagbilang ko ng tatlo tatalon tayo ah.Isa.Dalawa.Ta-"

"AYON ANG MGA BATANG KASAMA!"

"TALON"

Mabato ang nilandingan namin ni Ate kaya inaasahan ko na magkakasugat kami,pero nagkatinginan kami ni Ate ng makitang pareho kaming hindi nasaktan at walang galos ni isa.

"May masakit ba sayo?" sabay naming tanong ni Ate sa isa't isa.Pareho kaming umiling at nakahinga ng malalim.

Ngunit ng may maalala ako ay bigla akong napasigaw.

"SILA MAMA AT PAPA!" sigaw ko kaya tinakpan ni Ate ang bibig ko dahil may malapit palang tatlong lalaki sa amin.Buti na lamang ay madilim sa parte ng tinalunan namin kaya hindi kami nakita.

Hinawakan ni Ate ang kamay ko bago magsalita.

"Makinig kang mabuti.Kailangan nating makalayo dito,kahit sa mismong bahay lang daw sabi nila Mama at Papa" huminto muna si Ate bago pigilan ang luha "M-mauuna daw tayo.Susunod sila...susunod sila" ani ate na animo kinukumbinsi pati ang sarili.

Pinunasan ko ang luha ni Ate at inakap siya ng mahigpit.

"Tumakas na tayo" ani ko at tumango naman si Ate.

Nilingon ko ang paligid at nakahinga ng maluwag ng makitang ala ng taong malapit sa amin.

Dahan dahan kaming tumayo at naglakad papunta sa tapat na kalsada na may malalagong puno na pwede naming pagtaguan.

Ng makarating kami don ay nagtago kami sa puno at napagpasiyahang doon intayin sina Mama at Papa ng biglang.

"MAMAAAAA! PAPAAAA!" sumabog ung bahay namin.Sumabog sila Mama at Papa sa loob.Hindi ito pwede.

Nakatingin lang ako sa nasusunog na bahay namin ng makitang nagsisilabasan ang mga lalaking nakaitim na animo hindi nasaktan.

Patuloy lang sa pagsigaw si Ate kaya tinakpan ko ang bibig niya

"Shhh buhay pa iyong mga naka itim" huminga muna ako ng malalim para pigilan ang luhang gustong kumawala "Kailangan na natin tumakas.Ate" naiiyak na sagot

"P-paano sila Mama a-at Papa?" humahagulgol na tanong ni Ate sa akin. Ala na akong nagawa maliban sa akapin si ate at sabihing

"Ala na sila.Kailangan nating tanggapin iyon."

Mherial Lhorde's PoV

Ala na sila Mama at Papa.Hindi man lang namin sila nailigtas.Wala kaming nagawa.Tumakas kami pero hindi namin sila simama,kasalanan namin ito.

Ilang minuto na rin kaming nagtatago ni Zeqiel sa puno ng maisipan kong umalis na.

"Zeqiel" tawag pansin ko kay Zeqiel na nakayuko lang habang tahimik na umiiyak.

"A-ate" namamaos na sagot ni Zeqiel kaya wala akong nagawa kundi ang maiyak ulit.

Ngunit kailangan kong maging matatag.Kaming dalawa na lang ni Zeqiel ang magkasama.Pinunasan ko ang luha ko at luha ni Zeqiel bago magsalita.

"Kaya natin ito Zeqiel.Magpakatatag ka.Para saan ang sakripisyo nina Mama at Papa kung mamatay tayo?" huminga ako ng malalim ng may luhang nagbabadyang tumulo na naman "Kailangan natin umalis.Kailangan natin tumakas" matatag na ani ko habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Zeqiel.

"Pero san tayo pupunta,Ate? Ala tayong ibang kilala.Wala tayong kamag-anak.Wala tayong alam kung ano ang meron sa labas."

Nang dahil sa sinabi ni Zeqiel na iyon ay unti-unting lumuwag ang hawak ko sa kamay niya na animo nawawalan ng pag-asa.

mag-isip ka,Xia.Wag kang mawawalan ng pag-asa.

Flixien? FLIXIEN!?! Asan ka? Magpakita kailangan ka namin.

Hindi muna ngayon.Kailangan mong malagpasana ito.ng mag-isa.

"Ate?" pukaw ni Zeqiel sa akin ng mapansing palinga linga ako.Tumingin ako kay Zeqiel at saktong nakita ang espada na nakasabit sa likod niya.

Anong maitutulong ng espada? Bat jan ako napatingin? Mag-isio ka Mherial.Mag isip ka.

Napalingon ako sa likuran ko ng may narinig na ibong humuhuni.

Ibon? Espada? anong konek? Ano gagamitin ng ibon yung espada para makipaglaban gaya ng ibong nagsusulat ng imbitasyon noon?

PUTRAGIS ANAK NG IPIS!

"ALAM KO NA ZEQIEL!" natakpan ko ang bibig ko sa sobrang lakas ng sigaw ko.

Inilabas ko ang invitation sa bulsa ko at binasa ang nakasulat.

"127th Street,Bluestrain Subdivision." basa ko dito ng biglang may kinuhang papel si Zeqiel sa bulsa niya.

"Meron din ako niyan Ate" ani Zeqiel at inabot sa akin ang papel.

Binasa ko ito at nakitang oareho ang nakasulat sa mga papel namin.Kahit ang paraan ng sulat ay magkamuka din.

"Papaano mo nakuha ito?" taka kong tanong kay Zeqiel

"May ibon na pumaso-"

"WALA NA ANG MGA BATA SA BAHAY! PERO RAMDAM KO NASA MALAPIT PA SILA!" malakas na sigaw ng lalaki na siyang leader ata ng mga lalaking sumugod sa amin.

Nagkatinginan kami ni Zeqiel at nagtanguan sa isa't isa bago dahang dahang bumaba ng puno at hinanap ang lugar na nakalagay sa papel.

Itutuloy...

A Forgotten MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon