Mherial Lhorde's POV
Hindi ko maintindihan,hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nila magsinungaling? Bakit hindi nalang nila sinabi sa akin ung totoo?
Bakit kailangan pa nila itago?Isikreto? Alam kong masyadong oa pero hindi ko kasi gets eh.Pwede namang sabihin na lang nila na 'anak naabutan ka namin na kausap ang isang lobo'
Diba pwede naman yon? Naiirita talaga ako eh.Nakakabanas! Birthday ko na bukas pero badtrip na badtri-
"ATE!ATE!ATE!ATE!ATE"sunod-sunod na sigaw sa akin ni Zeqiel na siyang nagbalik sa akin sa realidad.
Masyado pala akong nagulo ng iniisip ko.
"Ano?" bored kong sagot kay Zeqiel
"Ano? Yan lang sasabihin mo? Sa dinami dami ng sinatsat ko dito? Hindi mo man lang binigyan ng pansi-"
"PWEDE BA ZEQIEL! ALA AKO SA MOOD NGAYON! KAYA DIRETSUHIN MO NA! ANO BANG GUSTO MO!" tuluyan na akong nainis.Alam kong maling ibuhos ang inis ko sa kanya dahil unang una ay ala siyang kasalan pero naiinis talaga ako.
Napayuko si Zeqiel na animo napahiya kaya medyo nakonsenya ako.Hinawakan ko ang balikat niya ngunit iniwas niya ito.
"Tinatanong ko l-lang kasi kung anong gusto mong regalo saka theme para sa birthday mo bukas.A-pat lang kasi tayo.Gusto ko kasi na kahit onti lang medyo sumaya ka pa din" nauutal-utal na sagot ni Zeqiel na para bang naluluha na.Tumingala sa akin si Zeqiel at tama nga ako dahil nanggigilid ang luha niya.
Magsasalita pa sana ako para manghingi ng tawad pero iniwan na niya ako sa kwarto ko.
Masyado naba akong naging masama sa kanya? Hindi ko naman sinasadya.
Nang dahil sa panlulumo ay naisipan ko na lang matulog.
Zeqiel Lhorde's POV
Magdamag tulog si Ate kaya halos buong umaga siyang tulog.Napabuntomg hininga ako ng maalala ko ang pagsigaw niya sa akin.Yon palang ang unang beses na sinigawan niya ako ng ganon.Oo nagsisigawan kami pero hindi ganon.Para bang galit na galit siya sa akin.
Tumingala ako para pigilan ang luhang gustong kumawala.Huminga muna ako ng malalim bago maisipang tumayo para pumunta sa kwarto ni Ate.Nang nasa tapat na ako ng pinto ay naririnig ko siyang sumigaw.
"ZHEQUA! ZHEQUA! ZHEQUA!" paulit-ulit na sigaw ni ate sa pangalang Zhequa.Pinihit ko ang doorknob at nagpasalamat dahil hindi ito naka-lock.
Lumapit ako kay Ate at nakitang pawis na pawis at nanlalamig ang kanyang katawan.
"MAMA! PAPA! MAMA! SI ATE!" taranta kong tawag kila Mama at Papa dahil nanginginig na ang katawan ni ate at tumigil na siya sa kakasigaw.
"Anong nangyayari?"kinakabahang tanong ni Papa.Umiling na lang ako habang lumuluha.Masyado akong natatakot.
"Zhequa"bulong ni Ate na ako lang ang nakarinig.Matapos marinig ay nahirapan akong makahinga, namumutla at pinagpasiwan ang katawan ko dahil doon.Napaupo ako sa sahig at nagsimulang manginig ang katawan ko kasabay ng panginig ng katawan ni Ate.Unti-unti ay nawalan ako ng malay kasabay ng pagkawala ng malay ni Ate,ngunit bago ako mawalan ng malay ay merong sinabi sila Mama at Papa na hindi ko masyadong naintindihan
"Ano'ng nangyayari sa Prinsesa?"
NAGISING ako ng marinig si Ate na umiiyak sa isang sulok.
"A-ate?" namamaos ang boses kong tawag kay Ate.
"B-bunso?" sagot naman ni Ate habang pinupunasan ang luha niya bago lumapit sa akin.
"B-bakit.."tumikhim muna ako upang mawala ang pagkapaos ko "b-bakit ka umiiyak?" ngumiti si ate habang umiiling sa akin.Ngunit ng maalalang hindi pa kami ayos ay yumuko na lang ako.
"Wala ito,alis muna ko sasabihin ko lang kila Mama na gising ka na" naiilang na sagot ni Ate sa akin bago tumayo.
Baka naiilang siya dahil nasigawan niya ako.
Mherial Lhorde's PoV
Kaarawan ko na bukas.Pero hindi ko man lang magawang maging masaya.Alam mo ung feeling na gusto mong maging masaya na gusto mong ma-excite pero may pumupigil sayo.Na parang sinasabing wag kang magsaya kasi may masamang mangyayari.Nalilito na ako.
Idagdag pa na di pa din kami ayos ni Zeqiel.Huminga muna ako ng malim bago bumaba ng hagdan para tawagin sina Mama at Papa at sabihing gising na si Zeqiel.Nalaman kong nawalan kami pareho ng malay pero di na kami dinala sa hospital sa hindi ko malaman na kadahilanan.
Nasa tapat na ako ng pinto nila Mama at Papa ng marinig ko silang nag-uusap.
"Anong gagawin natin?"tanong ni Mama kay Papa
"Hindi ko din alam,natatakot din ako"sagot ni Papa.
Natatakot? Saan sila natatakot? Idinikit ko pa lalo ang tenga ko sa pintuan para mas marinig sila.
"Ramdam ko,Vhelor. Paparating na sila.Nalaman na nila kung asan ang prinsesa"tarantang sagot ni Mama kay Papa
Vhelor? Sino si Vhelor? Vhen ang pangalan ni Papa.Saka sinong prinsesa?
"Nherixia,wala tayong ibang magagawa kundi gawin ang responsibilidad natin" sagot naman ni Papa ngunit kalmado na
Nherixia? Sino siya? Nhery ang pangalan ni Mama.Saka anong responsibilidad? Ang gulo nila.
"Gagawin natin ito para sa kanila.Para sa reyna.Alam kong napamahal na sila sayo ngunit alalahanin mong di natin sila kadugo.Hindi natin sila anak" ani pa ni Papa
Huh? Sino ang hindi anak? Ang alam ko si Zeqiel lang ang ampon ah.Bakit naging sila? Saka sinong reyna?
"Kailangan nating gawin yon.Iyon ang itinakda ng tadhana"huminto muna si Papa at sandaling katahimikan ang namayani hanggang sa " Itinakda ng tadhanang mamatay tayo para sa Prinsesa."
Nang dahil sa narinig ay pinihit ko ang pinto
"MAMAMATAY?!?! SINONG MAMAMATAY!?!? MAMA!?! PAPA!?!WALANG MAMATAY!!!"lumuluhang sigaw ko.
"A-anak" naiiyak na ani ni Mama habang si Papa ay nakangiti sa akin habang lumuluha.Lumapit si Mama sa akin at inakap ako ng mahigpit.
Ano bang nangyayari? Bakit ganito? Sinong prinsesa? Bakit kailangang mamatay nila Papa at Mama para sa kaniya? Bakit hindi na lang siya ang mamatay.
"a-anak,makinig ka.Mamayang gabi,mag-impake ka.Aalis ka" naluluhang ani ni Mama habang pinupunasan ang luha ko.Tanging pag-iling na lang ang ginawa ko dahil hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari.
"M-may mga taong gustong k-kumuha sayo.Kailangan mong tumakas."ani ni Papa na nakayuko at nasa likod ni Mama
"Po? H-hindi ko kaya m-maintindihan.Saka kung totoo man yan.P-pano kayo? Pano si Zeqiel?" naguguluhang tanong ko
"A-anak wala ng i-ibang paraan.P-pakiusap makinig k-ka na lang" naluluhang pakiusap ni Mama tanging pag-iling na lang ang ginawa ko.
"Alam namin a-anak na n-nakatanggap ka ng i-imbitasyon g-galing s-sa ibon.Kailangan mong pumunta don sa n-nakatakdang oras p-para sa ikabubuti mo"nakayukong ani ni Papa
"PERO PAANO KAYO?!? PAANO SI ZEQIEL!?!? BAKIT KAILANGANG AKO LANG ANG TUMAKAS?!? KUNG PWEDE NAMANG LAHAT TAYO!?" naluluhang sigaw ko.
Umiling si Mama at Papa sa akin at inakap na lang ako ni Mama ng mahigpit sabay bulong ng
"Para rin sa iyo to anak"
"Ano pong nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Zeqiel na nasa pintuan habang kinukusot kusot ang mata
"Zeqiel..."namamaos na tawag ko pagkatapos humiwalay sa akap ni Mama
"A-ano...a-anak.Masaya lang kami kasi birthday na ni Ate bukas.M-Medyo nagka-iyakan kasi...kasi nagbigay ng m-message ang ate mo" napalingon ako kay Mama at nagtaka kung bakit kailangan niyang magsinungaling.
itutuloy...
BINABASA MO ANG
A Forgotten Memory
FantasyLosing memories is hard as rock.Imagine,living fo 18 years without knowing that a part of you just lost.What will you do? Mherial and Zeqiel asked themselves the same question.
