Kabanata 7 - Pagtakas

12 5 0
                                    

Zeqiel Lhorde's PoV

Naiinip na ako.Napakatagal ni Ate.Ang sabi niya tatawagin lang niya sila Mama at Papa,pero inabot na siya ng siyam siyam.

Nag-intay pa ako ng ilang minuto hanggang sa tuluyan na akong mainip at bumaba para tignan kung ano na ang nangyari.

Natagpuan ko silang tatlo sa kwarto nila Mama at Papa na nag-iiyak. Wait? Nag-iiyakan sila,pero bakit?

"Ano pong nangyayari?" naguguluhang tanong ko

"Zeqiel..."namamaos na tawag ni Ate sa akin.

"A-ano...a-anak.Masaya lang kami kasi birthday na ni Ate bukas.M-Medyo nagka-iyakan kasi...kasi nagbigay ng m-message ang ate mo" napalingon ako kay Mama at ngumiti na lang dahil iyon lang pala ang dahilan.Akala ko naman may mamatay na.

Tumingin ako kay Ate at nakitang nakayuko siya habang humihikbi.Hinanap ng mata ko si Papa at nakitang nayuko din siya at nasa likod ni Mama.

Bat ba nakayuko tong mga to?

Hindi ko na lang pinansin ang pagyuko nila at lumapit na ako kay Ate.

"Ate" tawag ko kay Ate at inangat ang ulo niya. " Advance Happy Birthday!" nakangiting bati ko dahil
halos apat na oras na lang at birthday na niya.

Nagulat ako ng akapin ako ni ate ng mahigpit at umiyak sa balikat ko.Tinapik ko na lang ang likod ni Ate dahil sobrang lakas ng hagulgol niya.

"H-halina kayo ihanda na natin ung mga p-pagkain p-para sa b-birthday ni Ate. A-apat...apat na oras na lang" ani ni Papa habang pilit pinupunasan ang luha niya pilit gustong kumalawa.

"O-oo nga.Tara...Tara na" awkward kong sagot dahil walang sumagot kay Papa matapos niyang sabihin iyon.

Humiwalay si Ate ng akap sa akin bago magsalita.

"Tara na...gusto ko masarap dapat ung c-cake ah" ngiting pilit na sagot ni Ate na sinang-ayunan ng lahat.

PAGDATING sa kusina ay mapapansin ang pagkabalisa ni Mama at Papa at ang laging pagsulyap ni Ate sa orasan.Napasulyap ako dito at nakitang 9:37 pm na.Malapit na mag-alas dose.

At sa pag-kakaalala ko 12:00 am ung nakalagay sa invitation.Ewan ko ba pero lagi kong inilalagay sa bulsa ko yun.Feeling ko kasi mahalaga na ewan eh.

Napasulyap ako kay Ate at nakitang may hawak siyang card na katulad ng design ng invitation ko.Bat meron si Ate niyan?

Hindi ko na lang ito pinansin at nagsimulang kumanta ng paborito naming apat na kantahin.

"When I wake up to your footsteps.As you get up out of bed.They make a sound that sounds so simple.But dances in my head" kanta ko sa kanta ni Shawn Mendes na Memories na paborito naming apat.

"A melody so perfect.That it gets me through the day.And the thought of us forever.Is one that won't ever go away" dugtong naman ni Ate ng nakangiti havang inaayos ang lamesa.

"All I need to know is.Where to stop.Take my hand and show me forever.So never will I ever let you go" dugtong naman ni Papa habang naghihiwa ng mga kailangan ni Mama.

"So let's hold on together
To this paper and this pen
And write down every letter
To every word we've ever said" dugtong naman ni Mama habang naghahalo ng ulam.

"All I need to know is.Where to stop.Take my hand and show me forever.So never will I ever let you go" sabay-sabay namin kanta ng may bigla kaming narinig na kumalabog sa labas.

Nagkatinginan si Mama at Papa sabay tingin sa orasan kaya napalingon ako don ganon din ate.

10:08 pm

Malapit na mag-alas dose.Napalingon ako kay Ate at napansin kung naluluha siya.Lumingon ako para magtanong ng biglang itinapat ni Papa at kamay sa akin at sumenyas na wag magsalita.

Nagulat ako ng lumapit si Ate sa akin at hawakan ang kamay ko.Lumapit na din si Mama at Papa at naghawak-hawak kami ng kamay.

"Ma,please,kung hindi kayo sasama sa akin kahit si Zeqiel na lang" pabulong na pakiusap ni Ate.Nagkatingin si Mama at Papa bago sumagot.

"Anak napagusapan na natin ito.Ikaw lang ang tatakas."sagot ni Papa kaya mas naguluhan ako.

"Tatakas?Bakit tataka-" isang kalabog na naman ang narinig namin at napansing ang pinto namin ang sinusubukang sirain.

"Mama,Papa,please..."natatakot na pakiusap ni Ate

Nagkatinginan sila Mama at Papa bago sumagot.

"Pero Mheri-" isang kalabog na naman ang narinig namin.Ngunit mas malakas ngayon at naramdaman ko ding malapit ng gumiba ang pinto.

"Please,Mama,Papa" umiiyak na pakiusap ni Ate at mas lalong humigpit ang hawak sa akin.

"Huwag kang makulit. Tumakas.ka.ng.mag-isa" mariing sagot ni Papa at isang kalabog na naman ang narinig namin hanggang sa may narinig kaming sigaw mula sa labas.

"LUMABAS NA KAYO JAN! ALAM NAMIN ANJAN KAYO AT KASAMA NIYO ANG PRINSESA!" sigaw ng kung sino mula sa labas.

"Mherial,tumakas ka na.Dumaan ka sa likod.Kami ng bahala kay Zeqiel.Mahal na mahal ka namin ana-" tuluyan ng nasira ang pinto at napakaraming taong naka-all black ang pumasok sa bahay namin.

Hinatak ako ni Ate papalapit sa kanya at dahan-dahan kaming naglakad papunta sa likod ng bahay.

"Mherial" mahina ngunit mariin na tawag ni Papa.

Hindi nito pinansin ni Ate at nagpatuloy lang sa paglakad.

"Ate an-" hindi ko na natuloy ang sinabi dahil lumingon si Ate sa akin habang may nakikiusap na mata.

"Zeqiel,hindi ko kayang mawala ka.Kapatid kita.Pakiusap makinig ka nalang.Papaliwanag ko sayo lahat kapag nakaligtas na tayo" mahinang sagot ni ate habang pigil ang hikbi.

"TUMATAKAS ANG MGA BATANG KASAMA NILA!" sigaw ng isang lalaking nakapansin sa amin kaya sa taas kami dumiretso at nagtago sa muna sa kwarto niya.

Hinarangan ni Ate ang pinto ng mga bagay na pwedeng iharang hanggang sa ala na kaming narinig na naglalakad papalapit sa amin.

Kinalkal ni ate ang kabinet niya at naisabog ang buong gamit ngunit tila hindi makita ang nahanap hanggang sa magawi ang tingin niya sa ilalim ng kama at dali daling hinanap ang bagay na hinahanap niya.

Natulala ako ng makita kung ano ang bagay na hinahanap ni Ate.Ang bagay na meron din ako. Isang espada.

A Forgotten MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon