Mherial Lhorde's POV
GUDMORNEEEEENG! hayst! Ang saya saya ng umaga ko.Pano ba naman kasi ang ganda ng panaginip ko.Feeling ko nga totoo eh.Naisama ko pa ung espada tas ako daw ung prinsesa ng isang kaharian ng mahika kaso nga lang nakalimutan ko ung pangalan. E-roticha ata o Elotixho basta magulo nakakabulol sa dila.
Flashback
Nakatanaw ang isang batang babae sa hardin ng kanilang bahay mula sa kwarto ng pumasok ang nanay niyang reyna sa kaniyang kwarto.
"Meriah Fexia,maari ba kitang maka-usap anak ko?"tanong ng Reyna sa anak nito.
"Ano po iyon Ina?"inosenteng tanong ng bata
"Nais ko sana ihanda mo ang iyong sarili,"ngumiti ang Reyna at nagpatuloy "Nais kong ihanda mo ang iyong kayanan"
"Po?Ano pong ibig niyong sabihin?"naguguluhang tanong ng bata sa reyna
May inilabas ang Reyna sa likod nito at ibinigay sa anak.
"Iyan ang espada ko anak.At ikaw ang magmamana nito sapagkat ikaw ang nasa ika-apat na henerasyon.Ang kalahati niyo ay sa kakam-"hindi na itinuloy ng Reyna ang sasabihin at ngumiti na lang.
Hindi pinansin ng batang babae ang sinabi ng Reyna at tinitigan na lang ang espada
"Wow!Ang ganda naman niyan Ina."manghang manghang ani ng bata at animo isang mandirigma na winagayway ang espada sa ere.
Natuwa ang Reyna sa nasaksihan ngunit kasabay nito ang takot.Takot sa kung anong mangyayari sa kanyang anak.
"Ina,diba may mahika ako?Bat hindi ko pa din alam gamitin?"kunot noong tanong ng bata sa ina nito.
Nagulat ang reyna sa tanong ng anak niya sapagkat hindi niya inaasahan na itatanong to ng anak niya.Natatakot siya sa kapangyarihang taglay ng anak dahil maari siyang kunin ng ama nito at ito din ang pinakamalakas sa lahat ng uri ng kapangyarihan sa buong kaharian nila.
"Anak,naipaliwanag ko na ito diba? Hind-"hindi na natapos ang sasabihin ng reyna sapagkat inunahan na siya ng anak niya.
"Hindi ko na kailangan ng mahika sapagkat malakas ako.At natatakot po kayo na malaman ito ng lahat dahil maari nila akong kunin dahil sa lakas na taglay nito."nakangitig ani ng bata.
Nagpaalam na ang bata sa Reyna at sinabing mag-aaral na siyang lumaban.
Lumipas ang ilang araw ng-
"MHERIAL!BUMABA KA NA JAN!TANGHALI NA!MAHUHULI NA SA KLASE IYONG KAPATID MO AALIS NA KAMI NG PAPA NIYO!"
Halaaaa!!! Patay na!! Ano ba yan bat ba kasi ngayon ko pa naisip na mag story telling kung kelan may pasok ung halimaw at lunes pa.
"OPO AYAN NA!"
Dali dali akong nagbihis ng pangbahay dahil nakapantulog pa ako.Pagbaba ko ay dumampot na lang ako ng tinapay at dali daling ginamit ang bike para bumili ng pagkaing iluluto
PAGDATING sa bahay tila nawalan ako ng tinik sa lalamunan ng makitang hindi pa lumalabas si Zeqiel hindi pa magdidiwara yu-
"ATE MHERIAL LHORDEEEEE!!"sabi ko wala diba?Bat may halimaw na susulpot?
Nagkunwari akong alang naririnig kahit na nabasag na ata ang eardrums ko sa sobrang ingay niya.Nagsuot pa ako ng headset para mas nakakapaniwala.Naramdaman kong papapalapit siya sakin kaya ang ginawa ko ay nagbisibisihan sa pagluluto.
Papasok na sana ako ng kwarto para gumayak ng may humigit sa wrist ko.
"PUNYET*!ANO BA!?!?MAKAHIGIT KA NG KAMAY AH!"gigil na gigil na sigaw ko pesteng haliwan na nakakagigil at masarap sapakin na si Zeqiel.
"good morning!"aba't nagawa pang ngumisi ng loko.Pigilan niyo ko masasapok ko toooo!!!!
Sasapukin ko na sana ung halimaw ng biglang kumaripas ng takbo para kumain.Hmp!Bakla!
Mabilis na natapos kumain ung halimaw at ako na ata ang pinakamasayang tao sa mundo dahil mag-isa na lang ako sa bahay.May trabaho pa ako kaya gumayak na ako.
MAAGANG natapos ang trabaho ko since monday at walang masyadong tao kaya naisipan kong mag gala muna.
Pauwi na sana ako ng maisipan kong pumunta ng library at bumili ng libro
Habang tumitingin tingin ng libro ay may isang lumang libro ang nakakuha ng atensyon ko.Nasa sulok ito at nakabukas ng bahagya,tumingin ako sa gilid gilid nagbabakasakaling may nagmamay-ari pero parang ala naman.
Binuklat ko ang libro at medyo nagulat ng makitang hindi ito libro.Isa itong family picture.Family picture ng isang pamilyang mayayaman or should I say Royalties ito? Sinuri ko ang album at may isa akong napansin,ung theme niya ang ganda.Parang makalumang fairy chuchu may 4 elements eh ung apoy tubig ung ganon? Basta yun na yon.
Isasarado ko na sana ang libro ng may isang larawan ng isang pamilya ang nakita ko.Isang lalaki na hari ata at...at...reyna,u-ung reyna sa panaginip ko saka ung ba-bata! Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit parang may katabi yung batang babae tapos ginupit ung para hindi makita.Tinitigan ko pa ito hanggang sa manlabo ang paningin ko at mawalan ng malay.
"Ina,tignan niyo po,magaling na akong makipaglaban."masayang ani ng isang bata sa ina nito.
"Aba mahusay,Meriah anak.Walang pang isang buwan ang iyong pagsasanay pero ang galing mo na."wika ng ina nito.
Nagpaalam ang bata sa ina nito na babalik muna sa pagsasanay.Ilang minuto lamang ay may narinig silang ingay sa labas.
"Mahal na reyna!Sinusugod po tayo!"sigaw ng punong kawal na si Vhelor.
"Anak dito ka lang ha?"nag-aalalang ani ng ina sa anak nito.Tumango ang bata at nagtago sa isang lagusan na itinuro ng ina nito.
LUMIPAS ang maraming oras ng biglang pumasok ang Ina niya sa lagusan at sinasabing tumakas na siya.
"Anak,makinig ka sa akin.Tumakas kayo nila Vhelor.Kasama mo si Nherixia,ang iyong tagapangalaga.Kailangan mong lumayo.Mapapahamak ka dito.Nalaman na nila ang taglay mong kapangyarihan"lumaluhang ani ng ina
"P-pero pano po kayo?"naguguluhan at naiiyak na tanong ng bata
"Magkikita pa tayo"yan na lamang ang sinabi ng ina sa bata bago sila makaramdam ng pagsabog ang tumalipon.Tumama ang ulo ng batang babae sa isang matigas na bagay na siyang nagilang dahilan upang mawala ang ala ala nito
NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa panaginip ko.Nanlalamig ang buong katawan ko habang tumatagaktak ang pawis ko.
"Anak,kamusta ka?"nilingon ko ang nagsalita at nakitang si Mama ito.
Niyakap ko ng mahigpit si Mama at bigla na lang naluha."Shhh tahan na.Malalampasan mo ito.Ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo.Kailangan natin ng hudyat kung kelan sasabihin sayo"naguluhan ako sa sinabi ni Mama
"Malaman ang alin Ma?at anong hudyat?"ano bang sinasabi ni Mama?
"Magpahinga ka muna."nakangiting sambit ni Mama at iginaya ako papahiga.
Ilang saglit pa ay nakaramdam na ako ng antok kay pumigit ako.Ngunit bago iyo ay narinig ko ang sinabi ni Mama
"Hindi muna sa ngayon,Mahal naming Prinsesa"
itutuloy....
A/N- Enjoy Reading! :>
BINABASA MO ANG
A Forgotten Memory
FantasyLosing memories is hard as rock.Imagine,living fo 18 years without knowing that a part of you just lost.What will you do? Mherial and Zeqiel asked themselves the same question.