4:00 am maaga akong gumising, today is an important day. Alam kong hindi naging maganda ang mga interaksyon namin for the past days, pero nagbabakasakali parin akong kahit konti lang pansinin ako ng asawa ko ngayon. Kaya naman naghanda ako, I cooked his favorite foods, nagbihis at nagpaganda ako. I prepared the table at ilang beses ko ring inayos ang mga pagkain. I lit some scented candles para maging maganda ang mood ng paligid. Sa totoo lang kinakabahan ako, excited ako sa ginawa ko pero nandoon parin ang pakiramdam na takot. Takot na baka mabaliwala lang naman ulit ang ginawa ko. Takot na hindi man lang niya bigyan ng kahit isang tingin ang ginawa ko. No! hindi ako pwedeng maging pessimist, diba nga you attract what you say kaya kailangan maniniwala akong mapapansin niya ako ngayon. Tumunog na ang oven, hudyat na ready na ang binake kong cake. After cooling it, I designed it simply, si Franco naman kasi lingid sa kaalaman ng mga tao hindi niya hilig yung mga engrandeng bagay. Mas gusto niya yung gawa mo, mas na-aapreciate niya yung ikaw mismo ang nag-iisip kung ano ang bagay sa kanya. Happy Anniversary, kahit hindi naman maganda ang lettering ko, I put my best effort to put those words. Hindi ko namalayang may luhang tumulo sa mukha ko. I missed my husband. Lord, please give him back to me. Pinigil ko ang sariling umiyak dahil ayaw kong masira ang pag-aayos ko. Kaya mo ito Freesia!
Umupo ako sa mesa at hinintay siyang bumaba. After almost half an hour bumaba na siya wearing his suit. I put my biggest smile and nilapitan siya.
Franco, kain na tayo. Nagluto ako para sa spec--
Hindi na, sa opisina na ako kakain.
Ha? a-ano mag b-baon kana lang?
I hold my facade, hindi ako pwedeng mag breakdown ngayon. Ngiti Freesia!
Freesia, please not now, may importante akong meeting.
At tuloyan na siyang umalis sa bahay. After the door closed, my tears keep falling. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa hindi niya ako sinabayan at hindi niya maalala ang anniversary namin. O dahil ba sa tinagal tagal, yun ang pinaka mahabang sinabi niya sa akin. Ha! ang babaw ko talaga. Sige Lord, kung ito lang po ang kaya ngayon tatanggapin ko po, atleast kinausap niya ako. Patience is a virtue, pa unti-unti babalik rin ang asawa ko.
Pero masakit parin eh. Okay lang po ba Lord na maging ungrateful ako kahit sandali lang? Sana kahit isang subo lang yung ginawa niya.
I called my bestfriend Yssa, para imbitahan siyang mag agahan sayang naman kasi.
Sige best pupunta ako diyan, dadalhin ko si Yvo ha? Kukunin din naman siya mamaya ni Vico.
Sige best, salamat!
Sa kabilang village lang nakatira si Yssa at ang asawa niyang si Vico kaya 10 minutes lang narinig ko na ang busina ng sasakyan niya.
Lumabas ako at sinalubong silang dalawa.
Tita Bestfriend!!
Patakbong lumapit si Yvo sa akin at yumakap ng sobrang higpit. Ang sweet talaga ng batang ito.
Hi, baby Bestfriend, ang bango natin ah. Naku! baka sa susunod may nililigawan ka na ha? Magseselos na talaga ako.
Ahaha! hindi po Tita Bestfriend, hihintayin ko po ang baby niyo, siya po ang liligawan ko.
BINABASA MO ANG
Begin Again
General FictionA fairytale love story, but will it have its own happy ending? The only man I'll ever love, alam kong siya at siya parin ang pipiliin at mamahalin ko. Until my sunset sets forever. The man who showed me love, my light in the darkest time of my life...