Chapter 4: Sweet Memories are Painful Too

13 1 0
                                    

The blinding ray of sunrise forced me to wake up. Unang araw na wala ako sa bahay, unang araw na hindi ko nakita si Franco. Its a bitter sweet feeling, my heart yearns for him, but at the same I feel like it helps my heart slowly heal. Pero siguro nga may pagka sadista din ako, gustong-gusto kong makalimutan ang sakit mula sa pagsasama namin ni Franco pero heto ako nasa unang lugar na pinaslayan namin during our 1st anniversary as a couple.

Camiguin Island, island born of fire. Hindi ko alam bakit dito ako dinala ng mga paa ko siguro I want to reminisce our memories, gusto kong paulit-ulit na maalala ang mga masasayang araw namin for me to realize that our lovestory was once true and field with happiness. Paulit-ulit kong babalikan ang alaala namin at paulit-ulit na masaktan dahil baka pagkatapos kong masanay sa saya at sakit matatanggap kong hindi na kami pwede pa. Sabi nga nila acceptance is the first step towards moving on, gusto kong matanggap ang katotohanang our marriage is over pero ayokong tanggapin yun na may galit at hinanakit kay Franco dahil alam kong he has been nothing but a good husband during our fruitful times, ayokong ang alaala ko sa kanya ay mula sa masasakit namin na samahan. Kahit pa sabihin nating he could have been cheating on me noong mga panahong nagkakalabuan kami. I still wanted to preserve and paint a beautiful memory of him. After all he's the first man aside from my fathet that I've ever love and the last man that I will. Gaya nga ng islang to, it was made from the harsh volcanic eruptions ilang sakit at hirap ang dinanas nito but at the end it became beautiful. Sa mga paghihirap na hinarap nito umusbong ang napakagandang islang ito. This may be the reason why I'm always inlove in this place. It's reminding me that the bombardments of pain is not the end.

After fixing myself and getting ready bumaba na ako para puntahan ang unang lugar sa listahan ko. The white island, susuyurin ko ang mga lugar dito gaya ng pag pasyal namin noon ni Franco. Alas sais na ng umaga saktong may nakahanda ng bangka na magdadala sa akin sa white island, kahit hindi pa naman bakasyon marami-rami parin akong nakikitang mga bakasyonista ang iba pa nga ay mga dayo sa Pilipinas. Maaga ang mga taong gustong pumunta sa white island dahil limitado lang ang oras na nakalitaw ito, pag oras na ng hightide mawawala na ang islang yun.

I silently slap myself sa naisip ko na ang white island ay parang buhay rin pala natin our times of happiness don't last dahil dadating ang panahon na tatas ang tubig at ang malalaking alon ng problema at pagsusubok ay mangingibaw dito. Parang lahat nalang ata ng bagay binibigyan ko ng kahulugan.

Maam, kayo lang po ba?

Opo manong ako lang.

Pina andar na ni manong ang bangka at nagtungo na kami sa maliit na isla, habang nasa kalagitnaan kami ng aming distanasyon biglang pinatay ni manong ang makina ng bangka. Maypagtatanong at kaba ang naramdaman ko dahil baka ano na ang nagyayari. Umikot ang bangka at naka turo na ito pabalik sa dalampasigan. Tiningnan ko ang mukha ni manong at pilit na binabasa kung anong nangyayari baka naubosan kami ng gasolina o ano.

Biglang yumuko si manong at marahas na may dinampot sa tubig at nang itaas niya ito laking ginhawa ang naramdaman ko. May nahuling cattle fish si manong, akala ko kung ano na hay.

Manong naman, akala ko kung ano na.

Pasenya na maam, baka po kasi makalayo.

Nagpatuloy kami patungo sa isla. Nang makababa na ako, all the memories are like big waves that when they hit me I wobbled on my feet and literally fall on the sand.

I'm so pathetic and stupid thinking that this act of mine will not hurt me. I can't help but laugh at myself, you're so pathetic Freesia.

Maam! okay ka lang?!

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon